Chapter Twenty-three

1794 Words

PAALIS na ako ng bahay. She hit the send button bago ibinitang ang cellphone sa ibabaw ng kanyang kama. Muli siyang bumalik sa harapan ng salamin at pinagmasdan doon ang kanyang repleksyon. Off-shoulder na bohemian dress ang kanyang suot, at tinernuhan niya iyon ng ancient greek style na sandals. Bagamat may pagka-morena ang skin complexion niya, bumagay doon ang kulay blue niyang damit. Naglagay siya ng manipis na face powder at lip tint, saka ipinusod ang mahaba at straight na straight niyang buhok. Nang makontento na sa kanyang ayos ay lumabas na siya ng silid niya. Nasa gitna na siya ng hagdanan nang matigilan siya pagkakita kina Perrie. Nasa salas ang mga kaibigan niya kasama ang mommy niya. Hindi niya inaasahan 'yon, wala naman siyang maalala na may usapan sila na magkikita ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD