NAGISING si Moira nang maramdaman ang mahihinang yugyog sa kanyang kaliwang balikat. Pupungas-pungas na nagmulat siya at tiningnan si Slater. Bigla siyang napaayos ng upo nang mapansin ang paligid sa labas ng kotse. Napatingin siya sa kanyang relos, pasado alas sais na pala ng gabi kaya nagsisimula ng dumilim ang paligid. Dahil sa pagod kanina sa kanilang duty ay hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. "Where are we?" naguguluhan na tanong niya sa nobyo. Kanina after ng duty niya ay nagkita sila ng lalaki at niyaya siya nitong magkape. Akala niya ay sa coffee shop na madalas nilang pinupuntahan sa Pasig siya dadalhin ng binata, pero pagkatapos niyang igala ang tingin ay sigurado siyang wala sila sa Metro Manila. "Wait, nasa Tagaytay ba tayo? Ano'ng ginagawa natin dito?" Nakangiti

