"MAUNA ka na sa ward," sabi ni Moira habang naglalakad sila sa hallway ng Five Bravo. Ang Five Bravo Ward ay isang surgical ward na para sa mga lalaking pasyente. Ilan sa mga ito ay may referral sa Pulmunology Service, kaya bumaba sila rito para i-rounds ang mga iyon. After ng grand rounds sa ward kung saan sila naka-assign ay nagtutungo din sila sa ibang ward para tingnan ang mga pasyenteng nakarefer sa kanila. Kung noong first year sila ay every month silang naro-rotate sa mga ward, ngayon namang nasa ikalawang taon na sila ng residency ay sa ibat-ibang services na under ng internal medicine sila naro-rotate. Iyon ang makakatulong sa kanila para makapili sila ng specialization na kukunin pagkatapos ng residency nila. Ngayong buwan ay Pulmo service sila under, at sa susunod na buwan ay I

