"KONTING tiis na lang po, Sir Noel, at makakabalik na rin ho kayo sa trabaho," ani Kaye at nginitian pa ang may edad na lalaking pasyente. "Thank you, Doc. Gusto ko na rin talagang makalabas rito, inip na inip na ako. Nami-miss ko na rin ang bakbakan sa field," wika naman ng pasyente. "Ano'ng bakbakan, Sir?" singit ni Dr. Hizon. Napatingin si Moira sa lalaking doctor. "Eh 'di ho ba sa Air Force kayo naka-assign? Bihira lang naman ho kayong masabak sa aksyon, 'di ba?" dagdag ni Dr. Hizon. Napatanga siya sa narinig. Lumipad ang mga mata niya sa pasyente, nakita niya na bahagyang sumeryoso ang mukha nito pero hindi ito nagsalita. "Baka naman ho ibang bakbakan naman 'yan," pabirong hirit pa ni Dr. Hizon. Mariin niyang nakagat ang labi para pigilin ang sarili na sigawan ang kasamahang do

