TAHIMIK na patango-tango si Slater habang nakasunod kay First Leiutenant Liza Roque. Ito ang papalitan niya bilang head nurse ng Pulmonary Ward dito sa AFPMC. Maaga siyang dumating kanina sa ospital at pagkatapos mag-courtesy call sa chief nurse na si Colonel Labagala ay sinamahan naman siya ng isa sa mga nurse supervisor sa ward para ipakilala kay Liza at sa mga makakasama niyang civilian nurses. Pagkaalis ng supervisor ay ini-orient siya ni Liza sa ward. Ipinakilala rin siya nito sa mga ‘tenant’ doon, iyon ang tawag sa mga pasyente na ilang buwan nang naka-admit doon. Ayon kay Liza, buwan ang binibilang bago ma-discharge ang ibang mga pasyente rito, lalo na iyong may mga tuberculosis dahil kailangan munang matapos ang anim na buwang tutok-gamutan bago ma-discharge ang mga ito. “Monday

