Pinaharurot ni Samantha ang kaniyang motorbike papunta sa kinaroroonan ng kaniyang mga kaibigan.
She smiled, this is it! Lalaban na ulit sila.
"Black Princess, you're here." Nagtatalon si Jones na para bang babae na tumitili pa.
"Please stop acting like a gay." with a cold one. Jones just pouted.
"We thought you're not coming." Kim.
"I have my words, come on we only have 10 minutes to get in there." sumakay na ang lahat sa motorbike nila. Si Sam naman ay nangunguna sa pagpapatakbo ng motorbike. Hindi na sila nagulat. Alam nilang talagang napakabilis magpatakbo ni Samantha ng motor lalo na kapag tahimik ang kalsada.
Hindi nila matago ang kasiyahan ng tumambad sa kanila ang arena at hiyawan ng mga tao.
"Shocks! Andiyan na ang Black Eye."
"Kyaah! Bumalik na talaga sila."
"Sana manalo sila. Kung 'di, sayang pinusta ko."
"We know them very well. Mananalo ang mga 'yan."
Red Thunder Gang.
Alam nila na magaling din na makipaglaban ang mga iyon. Madumi makipaglaban. Pera, pera lahat para sa kanila. Isang grupo ng sindikato ang makakalaban nila, kaya nararapat lang na turuan ng leksyon ang mga ito.
"You know all the rules. You can't kill your opponents, but you can make them unconscious. If the Black Eye gang wins, they can have the money at susuko ang Red Thunder sa mga pulis, kapag hindi nila gagawin iyon kapag sila ang natalo, the Master will kill them one-by-one. Kapag ang Red Thunder naman ang nanalo, they can have the money at maiaalis na ang Black Eye sa gang world, including the position of their leader, kinakailangang bitawan." Mahabang lintaya ng Mc. "So, parang ready na talaga ang lahat. Let's start this exciting fight."
3.....
2.....
1.....
Samantha's POV
Naririnig ko ang hiyawan ng mga audience.
Nakikita kong nakikipag-laban na ang mga kasamahan ko. Walang gamit, walang day. Napalingon ako at napangisi ng makita ko ang leader, sabi ko na nga ba't paparoon rin dito ang isang ito.
"I really can't believe na kayo ang itinapat sa amin. Kaya niyo pa bang lumaban? Are you not afraid na may mamamatay na naman na isang member sa grupo mo? Bakit hindi nalang kayo magpahinga habambuhay? Well, mark this day BP, mawawalan kayo ng pangalan dito sa gang world lalo ka na!" Nanggigil ako sa sinabi neto.
Kalalaking tao sobrang daldal.
"Correction, Red! Mark this day, because this is the day na mapupunta kayo sa kulungan." Matapos niyang sabihin iyon ay sinuntok niya ito sa mukha. Nagbakat kaagad ang kamao ko doon, dahil mas matangkad siya kaysa rito ay nagkaroon ako ng pagkakataon upang masuntok ito sa sikmura.
Masyadong malakas ang pagkakasuntok kong iyon na sinabayan pa ng pag-apak sa paa neto kaya mas lalo itong napangiwi sa sakit dahil may heels ang boots na suot ko.
Napaluhod ito sa sahig, tutuhurin ko na sana ito sa kaniyang mukha ng biglang may sumuntok sa may bandang likod niya kaya napaigik ako sa sakit. Pansamantalang sinipa ko muna ang dibdib ni Red kaya napahiga na ito. Kaagad kong nilingon ang sumuntok sa akin at naabutan ko ang isang babae, medyo hindi ako makahinga ng maayos dahil aaminin kong malakas ang pagkakasuntok neto sa akin.
"Ahhhhh!" Sumugod ito ng patakbo sa akin kaya naman lunuhod ako at nag-slide gamit ang tuhod papunta sa likuran neto at ginantihan ko rin ng sipa sa likod kaya kaagad na nahimatay ang babae at napabulagta sa sahig.
Napalingon ako sa mga kasamahan ko, maayos naman ang pakikipaglaban ng mga ito kaya halatang mananlo kami. Lalo na't.....
Si Red nga pala.
I forgot, dali-dali ko siyang binalikan, only to find out na pinapaulanan na ito ng suntok ni Zyco.
"Woooh!"
Yes! We won, masaya kami. Sayang lang at wala si Gwen na palaging nagkukulit na magkaroon ng party kmsa tuwing nananalo kami.
Nakakuha kami ng limang milyon. Napakalaking pera.
"Abby, Puntuhan niyo ni Jones ang Heavenly Charity bukas."
Yes. Sa lahat ng pagkakataon na lumalaban kami t nakakakuha ng pera ay idino-donate namin sa mga charity. Mas kailangan ng mga batang naroroon ang pera kaysa sa amin.
"Yes Black Princess."
Tumango lang ako at sumakay sa aking motorbike.
"Where have you been." Nagulat pa ako ng makita si kuya Simon na mukhang naghihintay sa labas ng gate. Naka-disguise ulit ako.
"A-ah, dinalaw ko lang iyong mga kaibigan ko dati." Nagkibit-balikat ako at tumuloy sa pagpasok. Nakasunod naman sa akin ang aking kuya.
"Samantha! Hindi ito ang oras na pag-uwi ng isang babae, magu-umaga na. Delikado na sa labas!" Sermon sa akin ni kuya Simon ng makapasok na kami sa loob ng bahay.
"Kuya! Okay lang po ako. I can take care of myself." Mariing sambit ko.
Napabuntong-hininga lamang si kuya. "Pinapaalahanan lang kita Samantha. Ayaw kong may mangyaring masama sa'yo."
Napangiti ako. Napaka-sweet ng kuya ko. Napaka-swerte ko.
"Yes kuya. Gotta go, inaantok na ako e." Sambit ko at hinalikan siya sa pisngi bago ako umakyat papuntang kwarto.
Damn! Nakakapagod na araw!