Chapter 3

948 Words
"Ang kapal naman ng mukha niyang magpakita pa rito." "Bakit ba tumatanggap sila dito ng mga katulad niya?!" Naririndi si Sam dahil sa naririnig niya? Alam naman niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Her first day was so disaster, baka naman pati sa second day? Dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi niya na napansin na may papatid pala sa kaniya. Nadapa siya sa sahig at narinig niya ang tawanan ng mga tao. Nagtitimpi siya, sobrang nagtitimpi talaga siya. Easy Samantha. Easy! Tumayo kaagad siya at pinagpag ang suot na uniform at inayos ang kaniyang glasses. Matapang na hinarap niya ang pumatid sa kaniya. Nakataas naman ang kilay neto, kasama ang tatlong alipores na nasa likod neto. She's reserving her energy to fight Bad System pero mukhang mapapasabak pa talaga siya dito. Kinakailangan niya talagang magtimpi kahit na mahina siya doon. "Ang kapal naman talaga ng mukha mong umapak ulit dito sa school?! Wala ka na bang hiyang natitira diyan sa sarili mo?!" Sigaw neto kaya naman napapikit siya dahil narin sa tinis ng boses ng babaeng nasa harapan niya. "What's your problem?" Samantha asked, kaya naman mas lalong napataas ang kilay ng babae na kulang na lang e mapunta na ito sa tuktok ng ulo. "Tss. Ikaw! Ikaw lang naman ang problema, bakit mo tinapunan ng juice si Ken? At nabalitaan kong naglakas ka pa ng loob pumunta sa student council room? Para ano?! Para landiin ang WINSTON." Kaya naman pala... Gosh! These girls are so desperate. Nabuhusan lang ng juice ang oh-so-called King nila e nagiging tigre na. Yumuko siya ng kaunti na para bang hindi na lalaban. "Hindi ko naman sinasadya iyong kahapon, atsaka pumunta ako sa kanila para humingi ng sorry at tinanggap naman niya. Kaya wala ng problema." Mariing sambit niya at umikot. Kailangan niya ng umalis, nagsasayang lang siya ng oras. Napakagat siya ng labi ng may humawak sa kaniyang braso at ramdam niya ang pagbaon ng kuko neto sa balat niya. "Don't you ever turn your back when I'm talking." Nasa kasulok-sulukan Samantha sa canteen habang kumakain ng spaghetti. Napapaisip siya, bakit nga ba dito siya lumipat? Kung pwede namang diretso na sa school kung saan naroroon ang Bad System? No! Tama lang ang desisyon niya, malapit lang naman ang school na iyon dito kaysa sa former school niya. At bawal talaga siyang lumipat doon dahil kilalang-kilala siya ni Aris, hindi siya makakalusot. Nagulat siya ng may mainit na nabuhos sa kaniya. Naamoy niya kaagad ang Caldereta. Nagagalit na siya kaya naman padabog siyang tumayo at hinarap ang sino mang nagbuhos sa kaniya. Siya na naman! Kailan ba siya titigilan neto? "Poor you, nerd! Bagay sa'yo." Natatawang sabi neto, sinabayan pa ng tawa ng mga taong nanonood sa kanila. Baka kung hindi lang talaga siya nagbabait-baitan e nasa ospital itong walang-hiyang babaeng ito. "Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Matamang tanong niya. "Hindi! Wala rin akong balak. Alam mo kanina pa talaga ako naiinis sa mukha mo e!" Binuksan neto ang bote ng juice na hawak at nilapitan siya't ibinuhos iyon sa kaniya. Napapikit nalang siya, hindi na niya kaya kaya naman itinulak niya ang balikat neto. Nagulat sila, dahil medyo malakas ang pagkakatulak niya ay napaatras ito. Nanlalaking matang dinuro siya neto. "How dare you to push me?!" Sasampalin na sana siya neto kaso ay may pumigik sa kamay neto. "Don't you dare!" Baritonong boses ang kaniyang narinig. Sinundan ng mga mata niya kung kaninong kamay iyon. She saw Ken Valdez! Marahas na binitawan neto ang kamay ng babae. "What are you doing to her Laura?!" Dumagundong ang boses ni Ken sa buong canteen. "W-why Ken? Hindi ba tinapunan ka niya ng juice? I hate her." Pinukol siya neto ng masamang tingin. Laura pala ang pangalan ng malditang 'to. "Bakit? Ikaw ba ang natapunan ng juice? Last warning Laura, kapag nabalitaan ko pang nambu-bully ka dito, gagawin ko ang lahat para makick-out ka." Maawtoridad na sabi ni Ken at hinila siya neto. Napatianod naman siya dahil ang lakas neto. Nagulat nalang siya ng dinala siya neto sa locker room ng mga lalaki. Hinarap siya neto at pinaulanan ng malalamig na titig. "Why don't fight back, Samantha?" Mahinang sabi neto. Napataas siya ng kilay sa sinabi neto. She can't fight back right now. Paninindigan niya ang pagiging mahina, pansamantala. "I'm too weak for that." She said. "You can, nakita kong nagkuyom ka ng kamay kanina. Alam kong gustong-gusto mong lumaban." "Kaya ko, pero pipigilan ko!" Napataas ang boses niya. "At bakit ba nakikielam ka?" Napipilan naman si Ken. Bakit nga ba? Who is he, anyway? Kapatid lang naman siya ng kaibigan niya. Binuksan niya ang locker niya at kinuha doon ang PE uniform niya at ibinato iyon kay Samantha. Nasalo naman kaagad niya ito. "Wear that. Huwag ka ng magprotesta." Saka siya neto iniwan roon. Well, he's not that bad! "You better keep your eyes on your sister, Simon." Napalingon si Simon kay Ken ng magsalita ito. Napakunot naman ang noo niya. "Bakit?" "Laura." Isang sambit lang ni Ken sa pangalan ng babae ay alam niya na kaagad ang ipinapahiwatig neto. Napatayo siya sa kinauupuan niya. "Anong ginawa niya? s**t!" Tanong niya. Ken shrugged. "Go and ask your sister, Simon." Bakit pa nga ba siya magtatanong e alam naman niyang tamad magsalita itong si Ken. Hinanap niya kaagad si Samantha, kasunod pa niya ang anim na kaibigan na sinamahan siya. Kaagad niya itong nakita sa locker room ng girls na nagsusuot ng sapatos. Nagulat si Samantha ng makita ang mga ito. Lumapit kaagad si Simon sa kapatid at tinignan 'to mula ulo hanggang paa. "Are you okay? Anong ginawa sa'yo ni Laura?" Tanong sa kaniya. Alam naman niya na talagang sasabihin ni Ken sa kuya niya ang nangyari. "Wala naman. Atsaka okay lang ako kuya. Don't worry." Sambit niya kaya naman napahinga ng maluwag si Simon. Napalingon si Samantha sa mga nag-gagandahang lalaking nasa likuran ng kaniyang kuya. Lumapit kaagad ang isa sa kaniya at inakbayan siya kaya naman nagulat siya. "Hey, Nerdybabe. Ang cute mo, I'm James by the way."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD