Chapter 1

1439 Words
Masayang nililibot ni Sam ang kanyang mga mata sa paaralang Winston High. Transferre siya sa University at ang former school naman niya ay ang Faith Academy, kilala si Sam sa pagiging matalino at palaging nangunguna sa klase ngunit sa napakaganda niyang personalidad ay may hindi inaasahan sa kaniyang personality ang pagiging Gang Leader ng grupong BLACK EYE, kilala siya sa tawag na BLACK PRINCESS. Ngunit bakit? Bakit kailangan pang mamatay ng kaniyang kaibigan na miyembro din ng kaniyang gang? Alam niyang naging masama siya pero bakit si Gwyneth pa? "Look. Who is that ba? Why is she so pangit?" "Girl, Siyempre we don't know. Bakit? May kilala ka bang pangit?" "Tanga ka ba girl? Nasa harap na nga lang natin maghahanap pa ako?" Bakit ba ang lakas ng trip ng mga tao sa kaniya ngayon? Kung talagang hindi niya lang kailangang gawin ang bagay na ito ay baka kanina pa naliligo sa sariling dugo ang mga ito. Naglakad papunta si Sam sa bulletin board kung san nakalagay ang pangalan at sections ng mga students. Masaya siyang nakitang sa class A siya. Kahit pa naman na gangster siya at kinatatakutan sa former school niya ay hindi naman niya pinababayaan ang pag-aaral niya. Masyado kasing advance ang isip niya kaya kahit pa na matulog siya tuwing klase ay mayroon parin siyang maisasagot kapag may quizzes. Nagtungo na si Sam sa kanyang room. Pagkapasok na pagkapasok niya bulungan agad ang bumugad sa kaniya. Hindi niya nalang pinansin ang mga to at pumunta nalang sa vaccant seat sa may likod. Mga ilang minuto lang ay dumating na ang professor nila. "Good morning 4A, I'm Dino Guzman, and I'll be your adviser." bato ng guro sa kanila. Nagsitayuan ang mga estudyante ng 4A at bumati rin sa kanilang professor. Naisip ni Samantha na mabuti naman at hindi masyadong bastos ang pakikitungo ng mga estudyante dito. "Magkakakilala naman na kayo. So iyong transferee nalang ang magpapakilala dito sa harapan." Tumayo agad si Sam sa kanyang kinauupuan at pumunta na sa harapan. Nagpakilala siya sa maayos na paraan pero makikita parin sa mga mukha ng bagong kaklase na nangigiti. Alam niya naman ang dahilan noon, ngayon lang ba sila naka kita ng taong nakasuot ng napakalaking salamin? Bumalik na na lamang siya sa kaniyang upuan at umupo.. --- Masyado nang naiirita si Samantha sa pagtingin sa kaniya ng ibang estudyante. Hindi siya sanay sa bagay na iyon dahil sa dati niyang paaralan e hindi natatagalan ng mga estudyante doon na tignan siya. Natatakot kasi sila. "Gosh! Andiyan na ang WINSTON!" "Langya, ang guwapo nila! Ang hot!!" "I want to kiss them, especially on their lips. Mukhang masarap" Oppps! Naladagdag sa kaniyang iritasyon ang mga sinisigaw ng kababaihan na parang kinakatay na. At ano daw? Winston? Cigarette? E parang narinig niya na iyon na pinag-uusapan sa Arena pero hindi niya pa nakikita ang mga ito. So, meron ring gang sa paaralan na ito. Nagkibit-balikat na lamang siya at naisip ang kaniyang kuya. (Flashback) "Are you sure about your decision? At ano namang kalokohan ito?" tukoy ni Simon sa mukha ng kapatid niya na sobrang hindi maintindihan kung tao pa ba ito o ano. "Kuya naman, okay na ako sa ganitong ayos kaya parang-awa mo na at huwag mo na itong pansinin." sagot niya at napairap. "Bakit naman dito mo pa naisipang mag-stay? Doon ka pa mag-aaral sa school na papasukan ko. May problema ba?" "Bakit? Bawal ba akong tumira dito? At tsaka I want to challenge myself." wala sa sariling sambit niya. Napatiim bagang naman si Simon. "Tsk, mabubully ka lang doon. Tignan mo nga iyang ayos mo! Hindi ka nila rerespetuhin kapag ganyan ka. Pero huwag kang mag-alala, sagot kita." kumindat pa ito sa kaniya. "Parang kilalang kilala ka sa school mo ah!" "A-ah, e oo naman. Gwapo yata ito!" Bumuntong hininga siya. "Oh siya, may pupuntahan lang ako. Maghintay ka dito, alam mo namang magluto diba? Kung tinatamad ka naman pwede mong tawagin si manang para ipagluto ka." Sabi neto habang kinukuha na paper bag sa isang lamesa. "Saan ka naman pupunta? May girlfriend ka na ba kuya? Umamin ka nga!" tanong niya rito. "Wala akong girlfriend. Huwag mo narin akong tatanungin kung saan ako pupunta. Mauna na ako." napatango na lamang siya. (End of FlashBack) Pakiramdam ni Samantha ay may itinatago ang kuya niya at sana malaman niya ang bagay na iyon. Pumunta sa canteen si Sam at bumili ng juice na nakalagay lang sa plastic cup na malaki dahil usap-usapan na masarap daw ito at gusto niyang matikman, at sa hindi inaasahan nag ring na ang bell ng school nila kaya tumakbo si Sam hawak ang juice na dala niya. Bigla ay may nakabangga siya at natapon sa lalaki ang juice. Kokonti na lamang ang tao sa canteen pero ang konting mga taong yun ay nakatingin kay Sam at sa lalaki. Bakas din ang takot at may munting ngiti. "Damn! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" namumula ang gwapong lalaki nang balingan niya ng atensyon. Namumula malamang ito sa galit sa kaniya. Naiinis siya, hindi niya masyadong natignan ang dinadaanan niya dahil nakayuko siya. Bakit hindi nalang ang lalaki ang gumilid kung tumitingin naman ito sa daanan. Pinipigilan niya lamang ang hindi makasapak kapag nagkataon. "Pasensya na. Hindi ko sinasadya, sorry talaga." kumuha ako ng tissue na nasa aking bulsa para sana punasan ang nabasa niyang uniform ngunit hinawakan niya ng mahigpit ang aking pulsuhan na para bang nanggigigil. "Ano naman kaya ang magagawa ng sorry mo panget? Ikaw! Meet me at the school council room, hihintayin kita and don't you ever try to escape because if you'll do that? You'll be dead" he said while smirking. Hindi natakot si Samantha ngunit biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Lumayo na ang lalaki kay Sam tila napako si Sam sa kanyamg kinatatayuan. Matapos ang huling klase ay dumiretso si Samantha sa student council. Hindi na siya nag-abalang kumatok at biglang na lamang siyang pumasok. Nabungaran niya kaagad ang walong lalaki na prenteng nakaupo sa couch at nagtatawanan, napukaw niya kaagad ang atensyon ng mga ito. Nagulat siya ng namataan ang kaniyang kuya Simon  "Don't you know how to knock?" tanong sa kaniya ng lalaking nagpapunta sa kaniya dito. Hindi niya ito pinansin at mas pinansin ang kaniyang kuya Simon na hindi mapakali pero nagawa paring lumapit sa kaniya. "Samantha? What the hell are you doing here?!" "Kuya?" bulong ni Samantha na hindi narinig ng iba. "What are you doing here?" pag-uulit na tanong ni Simon. Biglang umupo si Ken sa mesa. "Pinapunta ko siya dito." sambit ni Ken. Binaling ni Simon ang tingin niya kay Ken. "Bakit mo siya pinapunta dito?" tanong ni Simon dito. "Bakit ba masyado kang concern sa nerd na 'yan brod? Kayo ba? Inlove ka ba diyan?" nagulantang si Sam sa sinabi ng mayabang na si Ken. Isipin ba namang may relasyon sila ng kuya niya. "Tss. Ken, masyado naman ata 'yon. Hayaan mo muna kasing magsalita si Simon." ani Accel sabay tapik sa balikat ni Simon. "Mga brod! Ano ba iyang mga nasa isip niyo? This girl?" sabay turo kay Sam "..is my sister" "What!" sigaw ng Winston na para bang hindi makapaniwala sa isinawalat ni Simon. "You've got to be kidding me" Matt said habang sapo neto ang kaniyang noo. "Im not kidding around guys. Im dead serious, this is my sister."  Naiirita si Samantha sa mga naging reaksyon ng mga kaibigan ng kuya niya. Bakit ba hindi sila naniniwala? Okay she get it, pangit ang itsura niya sa harap ng mga ito pero basehan ba talaga 'yon? "Fine. Well Simon, do you know what your sister did to me?" sambit ni Ken. Lumapit si Simon kay Ken. Si Sam naman ay halatang litong lito kung bakit kasama ng kuya niya ang mga lalaking nasa harapan niya ngayun. "What?" "Binuhusan niya lang naman ang polo ko ng juice" he said while smirking at Samantha. "What?!" Lumapit ulit si Simon kay Sam " Bakit mo naman ginawa 'yon?" "Kuya let me clarify it. Hindi ko siya binuhusan! Nabuhusan lang." pagtatanggol niya sa sarili. "Hindi mo naman ako mabubuhusan kung tumitingin ka sa dinadaanan mo diba?" iritadong iritado na si Ken pero mas iritado na si Sam. "Eh? 'Yun na nga e. Pareho lang tayong hindi tumitingin sa dinadaan kaya pareho tayong may kasalanan. Huwag mong isisi sa akin ang lahat. Atsaka nag-sorry naman ako at papalitan ko naman 'iyang uniform mo" mahabang sabi ng dalaga bago tumalikod at lumabas. Hindi alintala sa kaniya ang tawag sa kaniya ng kapatid dahil naiinis siya sa pagmumukha ni Ken. Pero.... Kailangan niya munang malaman kung bakit nandoon ang kaniyang kuya. Kaya naman bumalik siya. "Oh? Bakit ka bumalik?" tanong ni Ken. "S-si kuya" nakalabing sambit niya kaya napatingin si Ken sa kaniyang labi pero kaagad din nagbitiw ng tingin. "Bakit?" tanong ni Simon. "Who are they?" tanong ng dalaga. "Really? You don't know us?" hindi makapaniwalang sambit ni Kurt "We're Winston" nakangiti siya. Pamilyar nanaman sa kaniya ang Winston na iyon. "And we're his gangmates," literal na nanlaki ang magagandang mata ni Sam sa narinig. Gangmates? What the fvcking hell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD