"Hello Ronie asan kana?andito na ako sa labas ng gate namin,baka mahuli na tayo".
"Oo wait lang po, si lola Flor kasi naglalambing pa, maraming utos, papunta na ako pasensya na".
Dahil nakasanayan na ang simbang gabi, nakiusap si Ronie na sabay nalang sila magsimba ni Cendy, bago mag alas 6:00 ng gabi, dadaanan nalang siya nito gamit ang sariling motor. Pumayag naman si Cendy, dahil wala naman talaga siyang nakakasama, tatlong araw pa, matatapos na nila ang siyam na gabi. At dahil napapadalas ang pagkikita ng dalawa. Nakakaramdam si Cendy ng kakaiba sa lalaki. Nagiging iba ang treatment nito ngayon sa kanya, kaysa noong mga una. Kung dati mapag biro ito, ngayon nagiging seryoso na sa mga kilos at pananalita nito.
"Bakit ibang iba na itong lalaki nato ngayon?" Habang magkatabing nakaupo, at naghihintay ng panghuling gabi ng banal na mesa.
"Cendy, ok lang ba? pagkatapos nito pasyal muna tayo at kumain?kung ok lang sayo?"
"Ha!ok lang, e text ko nalang si Nanay na malelate tayo ng uwe,"
"Sige salamat."
"Hay salamat, mag uumpisa narin, napaaga naman kasi ang punta natin."
Nagsimula ang banal na mesa, ang kapanganakan ni Jesus ang topic ng pari. Hangang sa kailangan na mag hawak kamay, dito nanlamig ang pakiramdam ni Cendy, dahil sa mahigpit na paghawak ni Ronie sa kanyang kanang kamay, may naalala siya sa sitwasiyong ito.
"Bakit ganito?". ipinikit ang mga mata, dahil may luha na namang pilit gustong lumabas.
"Hindi pwede to."
Hangang matapus ang banal na mesa, hindi na siya makatingin ng diretso kay Ronie. Tumuloy na sila sa isang magandang restaurant, na napaka gara, at talagang makikita mong may pera ang mga pumapasok at kumakain rito.
"Hoy!Ronie bakit dito?ang mahal dito". ito agad ang nasabi nito sa lalaki.
"Ok lang ano kaba?para talaga ito sa special na taong kagaya mo, at may kailangan akong dapat sabihin sayo,"
"Ano yon?ikaw ha!siguro may girlfriend kana no?at dito mopa talaga sasabihin sakin, wow excited naman ako."
"Mr. Ronie Ramos and Ms Cendy Crus dito po kayo, enjoy your meal." isang lalaking naka uniform ang nag guide sa dalawa, kung saan may naka reserve ng pagkain sa mesa at upuan sa dalawa.
Kaya't kitang kita sa mga mata ni Cendy ang pagtataka. Dahil may naka handa ng pagkain at isang bouquet ng bulaklak .
"Ronie ano to?ikaw ha!bakit?"
"Cendy maupo ka muna, pina reserve ko talaga ito, dahil special ang gabing ito na kailangan kong sabihin sayo,"
"Ha!ano yon?" Kinuha ng lalaki ang bulaklak sa ibabaw ng mesa, at dahan dahang lumuhod sa harapan ni Cendy.
"Cendy, hindi ko na kasi kayang itago o ipawalang bahala, ang nararamdaman kong ito, oo naisip ko na hindi pwede, pero susubukan ko parin, dahil ito ang totoong nararamdaman ko, hindi ko sinasadya, piro ito ang totoo,"
"Ronie!wag kang ganyan,"
"Cendy Mahal na kita, simula nitong mga nakalipas na buwan, hindi kana maalis sa isip ko," Dahan dahang inabot ang mga bulaklak kay Cendy.
"Ronie?wag hindi! alam mo naman siguro?oo pati man ako ang gaan ng pakiramdam ko sayo, ano kaba?tumayo ka diyan," hindi magkandaugaga si Cendy sa pagsalita
"Cendy please, sayo lang ako nakaramdam ng ganito, please ako nalang".
"Ronie, hindi mo deserve ang tulad ko, may tamang babae diyan na para sayo". Dahil sa reaksyon ng lalaki, napaiyak at niyakap ito ni Cendy.
"Cendy please ako nalang, maghihintay ako".
"Halika nga maupo ka, oo nahulog ka sakin, siguro dahil tayo ang magkalapit ng ilang taon, kung tutuosin halos ikaw na ang nakakaalam ng buo kong pagkatao, please iba nalang wag kang ganyan."
"Cendy " hawak ang mga kamay ng babae "ngayong sinabi kuna ang lahat, sana hindi ka magbago patuloy parin akong maghihintay."
"ikaw kasi, pabigla bigla ka wag kang magalala andito lang ako palagi, kapag kailangan mo ng mauukrayan,hehehee"
" ah basta hindi ako susuko, basta sinabi ko sayo na mahal kita, sana hayaan mo lang ako na mahalin ka, at iparamdam sayo na special ka sakin."
" ikaw ha!excited pa naman ako, sa sasabihin mo, nakaka asar ka, halika na nga, sayang tong pagkain, kainin na natin?nag gastos kapa tuloy".pagpapagan ng pakiramdam dito ni Cendy
"Ay sus ok lang yan, napaka special naman sakin ng kasama ko ngayon,"
"ikaw talaga, salamat ha!"
"Walang anuman, masayang masaya ako, kasi kasama kita ngayon."
Masayang kumain ang dalawa, habang panay ang biruan, halos tumagal rin ng isang oras ang naging usapan ng mga ito.
"Ronie nahihiya na tuloy ako sayo,"
"Ha!ako nga ang nahihiya sayo, walang magbabago ha?"
"Oo naman, ikaw ang laging nagbibigay lakas ng loob ko, salamat ha,"
"Ano kaba?andito lang ako palagi, sana balang araw,ako naman."
Muling pagseryuso nito na kunwari nag paparinig sa babae. Kurot naman sa tagiliran nito ang iginanti ni Cendy, bago umalis ng restaurant.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Muling sumapit ang araw ng pasko, marami paring kamag anak ang dumating sa bahay nila Cendy, at syempre higit sa lahat ang bestfriend na si Mela, na walang tigil sa katatanong sa kaibigan, about kay Justin? iniiba nalang ang topic ng usapan kapag naririnig ito ni aling Marlyn.
Masaya mang nakikihalubilo sa mga bisita, hindi parin maitatago o maiisantabi ang nararamdaman. Lalo na ng pumasok na ito sa kuwarto, dahil hating gabi na kailangan na ng pahinga. Pagbukas ng ilaw, tumambad agad ang picture na nasa frame ang kanyang nakita. Picture nilang dalawa ni Justin, na hindi niya inaalis sa ibabaw ng kanyang maliit na table sa tabi ng kanyang kama.
"Bakit?hangang ngayon hindi parin nawawala ang sakit nato ha Justin?". Habang nakaupo at kinakausap ang picture na hawak nito.
"Bakit?ayaw mo akong palayain sa pighating nararamdaman ko? Hangang kailan ako iiyak, bakit ako lang ang nasasaktan ng ganito.? Muling ibinuhos ang mga luhang matagal ng pilit na itinatago. Sakit na pilit ikinukubli, ngunit ang puso ay hindi kayang magsinungaling, tinangal nito ang picture sa loob ng frame, pinunit at inihulog sa maliit na basurahan. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Tita Meldred?" inayos ayos ang sarili upang kausapin ang nasa kabilang linya.
"HELLO".
"Cendy,bMerry Christmas, kamusta ka?"
"Tita Meldred, merry christmas din po sa inyo, at sa family mo," Hindi maitatago ang garalgal na busis nito.
"Salamat iha, kumusta kana?"
"Ok lang po ako, kayo po?at.."Hindi naituloy ang sasabihin dahil pinigil ang sariling bibig dahil napaiyak na ito.
"Cendy, iha pasensya kana ha, alam kung hindi ka parin nakakalimot, nandiyan kapa rin, iha kung hindi muna kaya, palayain muna ang sarili mo, dahil kami man ay nalulungkot sa nangyayari kay Justin. Ibang iba na siya ngayon, ayaw narin mag pa therapy".
"Tita siguro binago ng aksidente si Justin, kapit lang po tayo kay GOD".
"Salamat iha, napakabait mo, sana isang araw bumalik uli ang dating Justin, sige na iha salamat sa lahat, dahil naging bahagi ka ng pamilya namin." Umiiyak narin ito habang sinasabi ang lahat.
"Tita, ang hirap po, hindi ko po alam kung pano ko sisimulan, kung paano kakalimytan ang lahat, thank you din po Tita, hindi ko po kayo makakalimutan."
"ikaw din iha, salamat din, Merry Christmas uli, ingat ka palagi bye,"
"Kayo din goodbye po"
Hinayaang muling bumuhos ang mga luha, nang muling tumunog ang kanyang cellphone, tiningnan muna ang caller bago sinagot.
"Hello, Ronie Merry Christmas".
"Merry Christmas din, umiiyak kaba?oy bakit?". Nagaalala ang boses nito.
"Hindi! Masaya lang ako".
"May masaya bang umiiyak?si pinsan ba?sabi na nga ba ang gagong Justin na yan."
"Hoy, hindi!si tita Meldred tumawag sakin,nangangamusta lang, hangang ngayon daw wala paring pagbabago kay Justin, ayaw na nga raw mag pa therapy."
"Hayaan mo nalang, bukas labas tayo?pasyal tayo sa beach, saka wala pa naman pasok,"
"Oo sige,vanong oras?at magpapaalam ako kay Nanay,"
"Ay salamat, para maging happy naman ang Christmas mo, hindi puro iyak hmm before 7:00 daanan kita,"
"Ok salamat,"
7:30 na ng makaalis ang dalawa, dahil nag handa pa ng mga dadalhing pagkain, dahil marami pa ang natirang pagkain, naiisipan itong dalhin ni Cendy, 8:30 na ng makarating sa beach ang dalawa, halos isang oras din ang byahe gamit ang motor ni Ronie, dahil medyo traffic sa highway.
"Hay, salamat dito na tayo, yeheyy ang lamig ng hangin," habang nilalagay ang mga dala sa isang maliit na cottage.
Medyo kaunti nga lang ang mga taong naroon, siguro dahil may mga handaan pa sa kani kanilang mga bahay.
"Maliligo kanaba?". si Ronie habang may kinukuha sa bag nito.
"Maya maya na, medyo malamig pa yata ang tubig,"
"Wait picture muna tayo". cellphone pala ang kinuha sa Bag nito.
Gamit ang cellphone ni Ronie nagpicture ang dalawa, iba ibang angulo.
"Cendy, kunan mo nga ako dito sa ibabaw ng Bangka."
"Hoy!mahulog ka diyan."
"Ok lang matagal na akong nahulog, hehehe."
"Hey, hugot ba yan?"
"Hindi totoo yun sana ako nalang,"
"Oo na ,sige na smile." tatlong shot ang binigay, nang napatitig siya sa picture.
"Bakit nakikita ko si Justin sa kanya?" sa isip nito.
"Hoy! pogi no?"
"Ha!saan banda?"
""Grabi siya, o ikaw naman picturan kita,"
"Sige ayusin mo,"
"Ok smile, ganda talaga hindi nakakasawang tingnan at picturan,"
"Hoy ok na?ilang shot na yan?"
"Sige lang, kahit mapuno pa itong gallery ko basta sa taong special sa puso ko."
"Ay wag kang ganyan, ano kain muna tayo o maliligo na?"
"Wait lang," Kinuha nito ang mga kamay ni Cendy
"Wag kang magagalit ha!pakingan mo lang ako please, kahit hindi ka sumagot Cendy, Maghihintay ako kahit matagal, baka isang araw ako na ang nandiyan sa puso mo, hihintayin ko yon,"
"Ronie pasensya kana ha!pano kung hindi ko masuklian yang nararamdaman mo? 0anatilihin nalang natin na ganito tayo kasi mahirap masaktan, ayaw kung makitang nasasaktan ka.
"Ok lang, pero hayaan mo lang sana ako na alagaan ka".
"Bahala ka basta masaya akong kasama ka, salamat".
"Thank you din, hindi kita pababayaan." Saka palang nagbitiw ang mga kamay ng dalawa.
Nag enjoy ang dalawa, naghabulan at panay selfie na magkatabi na may kasamang tawanan. Sa mga nakakakita sa dalawa iisipin talaga na may relasyon ang dalawa. Halos pawala na ang araw, nang umuwi ang dalawa.
Masaya si Ronie na nakikita niyang napapasaya niya si Cendy. Kahit ramdam niyang, nasa puso parin nito ang kanyang pinsan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Araw ng mga puso, aba! may pabulaklak at chocolate si Ronie. Tinatangap naman ng masaya ni Cendy.
Matatapos na naman ang taon hindi parin sumusuko si Ronie, nagbabaka sakali na sana may sagot na ang lahat. Habang may isang tao, na punong puno ng galit at selos sa kanila, dahil nakikita nito ang mga post sa f*******: ni Ronie.
"Mga traydor, siguro noon pa?mga walang hiya, pinsan ko pa ang gagawa nito sakin, malanding babae hindi na nahiya pati pinsan ko pinatulan." Tapon dito balibag doon ng mga gamit na bawat mahawakan sa sala.
"Sige itapon mong lahat, sirain mo, katulad ng buhay mo." Sigaw ni Aling Meldred, sa anak na nagbabalibag ng mga gamit.
Tumigil lang ito ng makitang umiiyak ang Ina.
"Bakit ang pinsan ko pa?" Sabay suntok sa sofa, at napaupo ng patingala.
"Dahil si Ronie ang naka appriciate ng kabaitan ni Cendy, hindi katulad mo na sinasaktan ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka."
"Mahalin?pano?asan siya ngayon?ayon sa piling ng iba sa pinsan ko pa."
"Anak! kung alam mo lang, kung gaano mo sinaktan ang babaeng noo'y naging buhay mo." Lumapit ito sa anak, na sa pagkakataong ito, nakita niyang umiiyak, habang naka sandal ang ulo sa bahaging sandalan ng sofa.
"Mama anong nangyari sakin?Kaya ko pa bang ibalik ang lahat?"
"Anak salamat, ngayon ko lang yan narinig sayo." Niyakap ng mahigpit ang anak na ngayoy nangangailangan ng lakas at pangunawa.
"Mama, pano ko? maitatama ang lahat gayong pinabayaan sinira kong lahat?"
"Anak !hindi pa huli ang lahat, simulan mo ngayon sa sarili mo, bago ka humarap sa kanila,"
"Pano kung huli na ang lahat?"
"Anak, paano mo malalaman kung hindi mo susubukan," Magkahawak kamay ang mag ina, habang may dalawang masayang nakatingin sa mga ito.
Si Mang Melchor at ang nakababatang kapatid ni Justin.
"Mama, salamat nandiyan kayo palagi, sana kayanin ko pong ayusin ang lahat." Muling nagkaroon ng kulay ang tahanan ng pamilya Ramos.
Nanabik ang buong pamilya na muling magsama sama, sa araw ng sabado at pagpunta ng simbahan sa araw ng linggo. Mahigit isang buwan, na pilit binabago ang lahat sa tulong ng mga magulang, mga therapy at checkup na talaga namang tinutukan ng pamilya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Hello, Cendy."
"Hi Ronie napatawag ka?"
"May ginagawa kaba ngayon?"
"Wala naman, kagigising ko lang bakit?"
"Diba sabado naman ngayon,?pasyal tayo, isa pa wala ka namang kasama diyan, wala si tita Marlyn".
"Ha!maglalaba po ako, maya nalang siguro pagkakain, kung ok lang sayo?"
"Ah sige hihintayin kita, salamat"
"Anong hihintayin saan, bakit?at bakit parang malungkot ka yata?"
"Wala namimis lang kita".
"miss ka diyan, nagkita palang tayo noong tuesday ah,"
"Oo nga, palagi naman kitang namimiss at mamimiss ng sobra,"
"Hoy! ikaw ha tumigil ka nga, sige na maya text kita, kapag maaga akong natapos ha".
"Ok, salamat ha, bye"
Nahihiwagaan si Cendy sa kakaibang tuno ng boses nito.
"Anong nangyari don? Parang matamlay?"
Dahil maagang gumigising si aling Marlyn, lagi na itong may iniiwang almusal sa lamesa, para kay Cendy. Maaga namang natapos sa paglalaba si Cendy, kaya naka luto pa ito pananghalian niya. Nakaligo na ito, nang tawagan si Ronie, habang naghahanda ng maisusuot, dahil hindi naman niya kayang tangihan ito kahit papano nahuhulog narin ang loob niya rito. Hindi man masabi na sila na, masaya naman siya kapag kasama ito.
"Hello, Ronie anong oras ba tayo alis?"
"Cendy pasensya kana ha!,may problema kasi yong makina ng motor ko, pinaayos ko muna pero nandito na ako sa CP Restaurant, hintayin kita please."
"Oo naman, malapit lang naman yan, sige magaabang lang ako ng tricycle,"
"Sige hintayin kita, magiingat ka,"
"Oo na, akala mo naman napaka layo niya.
"hehehe sige na ten minutes lang nandiyan na ako,"
"Salamat Cendy, bye,"
Paglabas ng Gate, agad namang may padaang tricycle.
"Manong sa CP Restaurant po,"
Wala pa ngang ten minutes nakarating na ito. Sa Suot nitong pink fit na t-Shirt na nakatuck-in sa black pants, talaga namang kita ang ganda ng hubog ng sexy katawan nito na may maliit na hand bag, cellphone at money lang ang laman.
"Asan ba rito si Ronie?hindi man lang ako sinalubong, asan kaya yon? ". Nang may lumapit na waiter sa kanya.
"Miss Cendy Crus?" Paninigurado nito.
"Yes,"
"Sa taas po tayo, may naka reserve napo sa inyo,"
"Ha!ok salamat". Habang paakyat ng hagdan, siguro mga 20 baitang din ang taas.
"Ay nako Ronie, ang dami mong gimik, ang mahal kaya ng pagkain dito". bulong nito habang paakyat ng hagdan.
Sinamahan siya ng waiter, hangang sa sinasabi nitong naka reserve na table. Wow may pagkain nang nakahanda at tatlong pirasong pink.
"Enjoy your date Ma'am ". Bago umalis ng waiter.
"Thank you". Naupo ito, at dahil kaunti lang ang customer sa second floor ng restaurant, napaka aliwalas nitong pagmasdan, green ang kulay ng kurtina sa paligid nito.
"Asan naba ang lalaking yon?" Kinuha ang cellphone, upang tawagan ang lalaking madaming pagimik na naiisip.
"Hello Ronie ano ba?asan kana?andito na ako,"
"Cendy Sorry pasensya na bumaba ako saglit, wait kalang diyan salamat sa lahat ha."
"Hoy!bakit kaba nagpapasalamat, bilis na para naman akong tanga dito".
"Cendy ingat ka palagi ha."
"Ano kaba?bilis na ang dami mong drama".
Bago paman matapos ang sinasabi ni Cendy, natigilan ito sa nakita, isang lalaki na may dalang isang bouquet ng rosa's, habang papalapit sa kinaroroonan niya. Dahil dito hindi siya makagalaw sa kanyang kinauupuan, nakatitig lang ng diretso sa mga mata ng lalaki, na dahan dahang lumuhod sa kanyang harapan .
"Mahal, hindi ko hinihiling na mapapatawad mopa ako, dahil alam kong hindi na ako karapat dapat pa doon. Ngunit nakikiusap ako na sana payagan mo akong mayakap ka ngayon, kahit sandali,"
Habang luhaan, kinuha nito ang mga kamay ng babae, bahagyang hinalikan at idinikit sa kanyang mga pisngi. Na hindi naman makapaniwala sa nangyayari, hindi magawang lumabas ng kanyang mga luha, kundi lamig at panginginig ng mga kamay ang umiral sa kanya ngayon. Kayat nahila niyang bigla ang kanyang mga kamay, mula sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki.
Kinuha mula sa table ang kanyang Phone, upang tawagan muli si Ronie.
Krrrrrriiiing....
"Ronie! ano to?ikaw ang hinihintay ko dito, asan kana?" Malumanay na pagkasabi nito sa kausap, saka lang lumabas ang mga luha na hindi na kayang pigilan.
"Cendy, kaya mo yan, alam ko na siya parin, alam kong hindi ka talaga para sakin, salamat sa pinadama mong pagmamahal kahit sandali sakin".
"Ronie nasan ka?wag kang ganyan, magusap tayo".
"Hindi na kailangan, ok lang Cendy, ako parin ito ang Ronie na nakilala mo, Cendy gawin mo paring magpatawad, sige na andiyan na siya salamat".
"Ronie sorry, wait,"
Nawala na ang kausap sa kabilang linya. Habang patuloy parin sa pagluhod ang lalaki sa harapan niya.
"Please tumayo kana diyan at pwede namang umupo." ito ang kanyang nasabi habang hindi na niya ito kayang titigan.
Hindi naman magawang magsalita ng lalaki.
"Bakit ka andito?" Si Cendy habang malayo ang tingin.
"Miss na miss na kita Mahal."
"Ganon lang ba kadali sayo ang lahat?" Malayo parin ang tingin, habang hinahayaan lang umagos ang mga luha.
"Patawarin mo ako, kung hinayaan kitang magisa, sana may puwang parin ako diyan sa puso mo, sana hindi pa huli ang lahat, please Cendy Mahal ko".
"Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sayo ngayon Justin, ang totoo hindi na kita kilala, please iwan mo muna ako, please nakikiusap ako!"
Nakikiusap habang luhaan at bahagyang ipinikit ang mga mata, Tumagal ng halos limang minuto. Muling idinilat ang kanyang mga mata, ng wala ng maramdamang tao sa kanyang tabi. Mas lalong humagulgul ng iyak, dahil iba ang sinasabi ng kanyang puso, bakit mo hinayaang umalis?ngayon asan na? Magisip ka muna sa nagawa niya sayo, ito naman ang sinasabi ng kanyang isip.
Napatingin sa mga bulaklak na naka patong sa table sa harapan niya. Hindi niya magawang hawakan ang mga ito. Muling kinuha ang phone, upang tawagan muli si Ronie.
"Ronie please sunduin moko dito ngayon."
"Ha!bakit?"
"Sige na please,"
"O sige antayin mo ako diyan,paalis na ako". Nanghihina, at walang lakas para bumaba ng hagdan, kaya nanatiling nakaupo, at hindi magawang galawin ang lahat ng nasa mesa sa harapan niya.
Maya't maya pa nakita na niyang paakyat ng hagdan si Ronie. Dito siya nagkaroon ng lakas, mabilis itong tumayo at sinalubong ito ng mahigpit na yakap.
"Ano bang nangyari?at umiiyak ka?asan si Pinsan?"
"Ronie hindi ko pa kayang basta tanggapin ang lahat, siguro kong iba ang naging dahilan ng sakit nato?pero hindi e nagmahal siya ng iba ang hirap tangapin na kayang kaya niya akong palitan agad".
"Pasensya kana, hindi ko agad nasabi sayo na may isang buwan ng bumabalik si Justin, palagi niya akong tinatawagan, about sayo,"
"Bakit nagsinungaling ka sakin?"
"Dahil inaamin ko, nahihirapan din ako pero tanggap ko, at ramdam ko na siya parin ang nandiyan sa puso mo". umupo ang dalawa.
"Pero paano ka?"
"Ok lang ako, wag kang magalala, ako parin ito ang nakilala mong Ronie, anytime kapag kailangan mo,"
"Thank you sa lahat ha, walang magbabago, kapag kailangan ko ng makakausap na masaya ikaw agad ang tatawagan ko."
"Oo naman, o siya sayang tong pagkain masarap pa naman ito, kainin na natin?"
"ikaw sige, at para maka uwi na tayo."
Habang kumakain ang dalawa, ay hindi nila alam na may nagmamasid sa kanila, ang isang luhaang na lubusang nagsisisi, at nananabik sa taong minamahal, hindi alam kung saan magsisimula.
Mula sa terrace ng restaurant at natatakpan ng magagandang kurtina nagkubli si Justin. Ang lahat ay kanyang narinig, hangang makaalis ang dalawa.
-NEXT-❤