CHAPTER: 13

3297 Words
"Nay, pwede po bang dalawin ko si Justin?nasa Hospital na naman po kasi, sabi ni Ronie." "Ha!anong nanyari?" "Ewan ko po!hindi ko naman masyadong tinanong si Ronie, ang sabi emergency nasa hospital daw". "ikaw anak?e diba may pasok ka?" "Sabado naman po bukas, hindi na muna ako papasok" "O sige sino ba kasama mo?" "Kami lang po ni Ronie, kasi hirap na daw po mag byahe si lola Flor, kaya si Ronie nalang pinapunta." "Anong oras kayo aalis?" "Sabi ni Ronie mga 4:00am daw po, maaga daw para iwas traffic, four hours lang daw ang byahe ng bus." "Ok, ikaw anak , sige na ihanda muna yung mga dadalhin mo, magdala ka ng isang bag at jacket lalo't na malamig sa bus". "Upo Nay, salamat po pinayagan niyo ako". "Anak nasa tamang edad kana rin naman, alam ko gusto mo rin makita at alam kong nahihirapan karin, naiintindihan kita anak." "Ang nanay ko talaga, napaka madrama, salamat Nay." "Totoo naman Anak, at alam ko! miss muna rin si Justin?hehehe at saka pala saan kayo magkikita ni Ronie? "Ay oo nga pala Nay, dadaanan niya nalang daw ako, mag tatricycle nalang daw kami papuntang Terminal ng bus. " Bilang isang Ina, ramdam ang nasa kalooban ng isang Anak. Kahit hindi man sabihin, alam niyang nahihirapan din ito sa kabila ng sakit at pagiintindi sa nangyayari sa boyfriend nito. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ 8:00 am Geniral Hospital "Magandang umaga po, hello po kumussta po si Justin?" Bungad ng isang babae, na maputi, mahaba ang buhok, at maganda dahil sa matangos na ilong nito. "Mama, papa si Meshel po nililigawan ko po". "Ah ikaw pala?tuloy ka iha".pagsang ayon ni Aling Meldred na hindi naman natutuwa, dahil alam niyang ito ang dahilan kung bakit andito ngayon sa Hospital ang anak niya. "Pasensya napo !tita ,tito". "Babe, bakit nandito ka?pano kung malaman naman nong?" Hindi naituloy ni Justin dahil alam niyang nakikinig ang dalawang magulang. " Na ano!!? malaman nong boyfriend niya?na alam mo palang may boyfriend tinuloy mo parin?at ikaw naman iha!may boyfriend ka pala bakit nagpapaligaw kaparin dito kay Justin?". Hindi na nagpapigil si Aling Meldred, dahil ito ang dahilan sa nangyari sa anak. "Pasensya napo, mapilit din po kasi si Justin, at nagkakalabuan narin po kami nong lalaking yon." "A ganon?Kaya ganito ang nangyari sa anak namin?ngayon iha? pano kung may mangyari dito kay Justin?anong kaso ang pweding isampa namin sa grupo nong boyfriend mo?" "Tita, pasensya napo uli, ,hindi ko po alam na mangyayari ito," "Mama, papa tama napo!wala pong may kasalanan ako po ang nagpumilit, Meshel pasensya na."Habang magkatabing naka upo sa kama, nang may kumatok, at pumasok sa pinto. "Hello tita, tito pinsan! kamusta?" Malakas na bati at bungad ni Ronie sa mga ito. Na ikinabigla naman ng magasawa. "Ronie!ikaw bakit andito ka?". Sambit ni Mang Melchor "Upo, at may kasama po ako". At siya ring pagpasok ni Cendy na nakasunod lang sa likuran nito. "Hello po, Mano po tita, tito". sabay abot ng mga kamay na hindi naman napigilan ni aling Meldred na yakapin ito ng mahigpit. "Cendy!iha kamusta ka?" "Ok naman po". At dahil paharap ang direksyon nito sa nakaupong si Justin, nawala ang ngiti sa mga labi, dahil sa nakitang katabi nito, hindi niya makakalimutan ang mukha ng babaing katabi ngayon ni Justin. "Maupo ka iha, buti pinayagan ka ng Nanay mo?" "Upo," Habang enientertain ng magasawa si Cendy, nilapitan naman ni Ronie ang pinsan. "What's up pinsan, kamusta ka?ang lakas mo talaga kay God," sabay suntok ng dalawang kamuo ng magpinsan, ito ang nakasanayan ng dalawa, cheer ng tagisang kamay. "Oo naman, napadalaw ka?si lola kamusta?" Bakit ka? lang ang nasabi nito samantalang dalawa ang magkasama. "Ok na ok si lola, kaya lang takot na sa byahe, alam mo naman?kaya ako ang inutusan na dalawin ka, pinsan sino yan? Mahinang tanong nito na napatingin sa kabilang tabi ni Justin. "Ay si Meshel pala classmate ko, Meshel si Ronie pinsan ko," "HELLO," " HI" Nagabot ng kamay ang dalawa, habang nasa gitna si Justin na nakatingin naman ang mga mata nito sa kinaroroonan ng tatlong naguusap. "Bakit hindi ko magawang puntahan at batiin siya?" Saloobin nito habang naguusap ang tatlo sa kabilang bahagi na malapit sa pinto dahil malaki ang space ng kuwarto hindi naman siksikan ang mga dumadalaw rito. May dalawang kama na para sa mga magbabantay sa pasyente at sariling CR. " Ok naman po kay Nanay, at sabado naman po bukas, kamusta po si Justin?" Sabay tingin sa direksyon nito, dahilan para magtama ang mga mata ng dalawa, na parehong may mga tanong. Hindi nakayanan ni Cendy, napayuko ito na may kasamang mga luha na mabilis namang pinunasan ng panyo. "Tita, saan po ang CR ?" "Ay iha ayan lang natatakpan ng kurtina. " "Pasensya napo, mag CR lang po ako." Mabilis na tinungo nito ang comfort room, napansin ito ng magasawa, pagpasok ng CR, dahan dahang sinara ang pinto at sinadyang ibukas ang tubig sa gripo. At dito ibinuhos ang nararamdaman, punas dito punas doon. "Bakit pa ako pumunta dito?para makita at maramdaman ito. Ito ba ang sapat na katibayan ?para tumigil na ako".Cendy tama na ito, may ebidensya na sumuko kana." Bulong sa sarili, napaupo sa tuyong bahagi ng CR dahil nakaramdam ng panghihina dulot ng pagiyak kahit panay agos ng tubig sa lababo hindi ito pinapatay. Samantalang sa labas pinapakiusapan naman ang isang babae na walang kamalay malay sa nangyayari. "Meshel sige na baka hanapin kana sa inyo?Ok na si Justin". "Mama papa,?" Pagtataka at nakakaramdam sa mga ito si Justin. "Pasensya napo uli tita tito, babe mauna na ako, pagaling ka ha," "Sige Babe ingat ka." "Ok na iha, ayusin niyo muna ng boyfriend mo ang lahat, bago masangkot sa gulo si Justin ha!" "Upo tita salamat po uli." Hinatid ng mag asawa ang babae sa labas, habang panay lang ang tingin ni Ronie sa mga kilos ng mag asawang Ramos. "Pinsan anong nangyari? at babe na pala tawagan niyo?ano Insan siya naba?" "Insan dahan dahan bibig mo dalawang buwan palang naman." "Ano?bakit hindi mo sinabi sakin?e ako panaman nagpumilit na sumama sakin si Cendy,ano ba Insan?" "Bakit mo kasi sinabi na nasa hospital ako?alam mo naman na napaka kulit niyan?" "Insan, naaawa na ako diyan, panay tawag at text sakin, kinakamusta ka, wala naba talaga?" "Ewan ko insan, hindi ko alam". Habang panay bulungan ng dalawa, pumasok si Aling Meldred. "Ronie! halika samahan mo ko bumili ng pagkain natin," habang may sinesinyas ang mga mata nito. "Ha!sige po," mabilis namang nahulaan ni Ronie ang pinapahiwatig nito. "Sige insan samahan ko muna si Tita". Sabay tapik sa braso nito. Habang nasa labas na ang tatlo, napagusapan nang mga ito na bigyan ng privacy ang dalawa. Sa loob naman ng Comfort room, pilit pinupunas ang bakas ng mga luha, kaya lang hindi maitatago ang namamagang mga mata nito, dahil sa pagiyak. "Ano ba Cendy?nakakahiya lalabas kang ganyan?".habang kausap ang sarili sa salamin. Dahan dahan nito binuksan ang pinto, at naka yukong lumabas. Dumiritso sa dating inupuan, dahil nandon naiwan ang hand bag niya. Nagtaka bakit wala sila Ronie, asan ang mga kasama niya dito. "Asan sila?" Mahinang tanong, habang nagiisa lang ang taong naroon, at nakatalikod habang nakaupo sa kama. "Lumabas lang sandali may binili yata". Mahinang sabi nito, habang nakatingin sa maliit na TV na nakadikit sa dingding, ilang minutong walang namamagitang tinig, buti na lang may TV para hindi nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kuwarto. "Kamusta kana,?" hindi makatiis si Cendy, at ito na naman ang mga luha, habang dahan dahan itong lumapit at umupo sa tabi nito ng magkatalikod. "Ok naman ako, dapat hindi na kayo nagbyahe papunta dito, kasi diba may pasok kayo ni Ronie? Malumanay na sagot nito,na diretso lang ang titig sa TV na Commercial naman ang palabas dito. "Ok lang sabado naman bukas," "Si Ronie talaga! inabala kapa," "Hindi,! ako naman talaga ang nagpumilit na sumama sa kanya dito." Katahimikan uli, na parang hindi na kilala ang isat isa. "Lord bakit ibang iba na po ang lalaking katabi ko ngayon?ito parin ba ang lalaking minamahal ko?bigyan niyo po ako ng lakas sa sandaling ito," Bulong sa sarili at walang imik na pinupunas ang mga luha, hindi parin makatiis ang pusong lubos na nangungulila sa pagmamahal, na dating pinaparamdam sa kanya ng lalaking ito. Kaya humarap siya ng dahan dahan sa nakatalikod na lalaki. Niyakap niya ito ng mahigpit, na hindi naman ito gumaganti ng yakap, hinahayaan lang siya nito na parang walang pakiramdam. "Justin, bakit parang baliwala na sayo ang lahat?Mahal na Mahal kita, ako parin to, miss na miss na kita," Wala lang sa lalaki ang ginagawa niyang pagyakap dito, nakakahiya man dinikit niya ang kanyang pisgi sa kabilang pisngi nito. Ngunit naging matigas lang ang loob ng lalaki. "Tama na itigil na natin ito". Pilit ikinakalas ang mga kamay ni Cendy sa pagkakayakap nito sa kanya. "Mahal, hindi kita maintindihan?". Muling kinuha ang mga kamay ni Justin, habang panay iyak na nagmamakaawang tingnan siya nito. Kaya't napaluhod ito sa harap ng lalaki habang umiiyak. "Ano bang hindi mo maintindihan?iba na ang buhay ko ngayon, kaya kalimutan na natin ang lahat." Napalakas ang boses nito. Dahilan upang mabitawan ni Cendy ang mga kamay nito. "Mahal anong iba?ikaw parin yan, ako parin ito, diba nakakaalala kana?wala kanang Amnesia, please ipaliwanag mo sakin kong bakit?" Muling kinuha ang kaliwang kamay ng lalaki. "At sana nga may Amnesia pa ako, para hindi ko maalala lahat, na busy ka palagi, at hindi kita nakilala mhli." Sa lahat na sinabi ni Justin, tanging ito ang nakapag patigil ng kanyang puso, at dahilan upang dahan dahan niyang bitawan ang mga kamay nito. "Mahal bakit?kailangan mong iparamdam ito sakin?noon hindi ako sumuko na hintayin ka, dahil nawala ka ng matagal, na halos tumigil narin mundo ko, Mahal bakit ngayon hindi ko maintindihan ang lahat?" "Dahil akala mo ako parin ito?tumigil kana, pinapalaya na kita, ituloy mo nalang yang pangarap mo, wag kanang mag aksaya pa ng oras pa sakin." "Nakalimutan mo naba lahat ng itinanim mo dito sa puso ko?" Sabay turo sa dibdib niya. "Wala na nga yon, kasama nang umalis nong dating Justin na sinasabi mo." Dahil hindi makatitig ng diretso ang lalaki, hinawakan niya ito sa kabilang pisngi na wala man lang bakas ng luha. "Mahal sagutin mo ako please,!para maintindihan ko ang lahat, Siya naba? Mahal mona ba?" Tanong na masakit, na sana wag sagutin ng mas masakit, baka hindi niya makayanan ang sagot na maririnig. Ngunit kailangan para sa kalayaan ng bawat isa. "Kung yan talaga ang dahilan para tumigil kana?sige sasagutin ko OO siya na, Mahal kuna si Meshel, para tumigil kana." ito na ang oras para tumigil ang mundo at pintig ng mga puso. Tumigil ang mundo ng dalawa, nang unti unting bumibitaw ang mga kamay na mahigpit na kumapit. Hindi alintana, ang katahimikan parehong hindi makapaniwala sa mga oras na ito. Dahan dahang tumayo si Cendy, na hindi alam ang gagawin o sasabihin, pakiramdam na parang may bumara sa kanyang lalamunan. Pati mga luha ay tumigil, habang papalapit sa upuan kong saan naroon ang kanyang mga gamit. Napaupo saglit, na parang nanginginig, inayos ng kunti ang buhok, hinagod ng mga kamay ang mukha, dahil sa bakas ng mga luha. At kinuha ang bag, dahil magaan lang naman ang backpack na may konting damit, Dahan dahang naglakad patungo sa malapit na pinto. Tumigil saglit, umaasa na sana may marinig na boses na pumigil bago siya makalabas. Subalit bigo, nakakabingi ang katahimikan. Pinihit ang pinto, dahan dahang lumabas, at isinara uli. "O iha?saan ka pupunta?". Biglang tayo ni Mang Melchor habang nakaupo lang pala sa labas ng pinto. "Tito, salamat po!". Dito muling bumuhos ang mga luha, sabay yakap sa matandang lalaki. "O bakit?anong nangyari?aalis kana e kararating mo palang, hindi kapa nga tumutuloy sa bahay". "Ok lang po, pakisabi nalang po kay Tita at Ronie na kailangan kuna pong bumalik". "E Sandali iha, may problema ba?kakausapin ko si Justin, sandali lang". "Wag napo Tito, ok lang po, tutuloy napo ako". "Cendy pasensya kana ha!alam ko nahihirapan kana rin sa anak ko, ang hirap na intindihin ng batang yan". Halos maluha luha narin si Mang Melchor "Salamat po uli," Yumakap muli, upang tuluyan ng magpaalam. "Sige iha, magiingat ka sa byahe salamat". Matagal hinatid ng paningin ng Matanda habang papalabas ng Hospital si Cendy. Kakaba kaba si Cendy dahil unang tapak sa lugar, buti tricycle lang ang sasakyan papuntang terminal ng bus, dahil nasa sentrong bahagi ng lugar ang Hospital, madali niya itong natandaan, dahil pagbaba nila ni Ronie sa Terminal, tricycle lang ang sinakyan nila mula rito. Kaya alam na niya kung paano pabalik. Salamat at may malapit ng umalis na Bus, papuntang Quizon. Kahit medyo kabado, napaupo na parang pagod na pagod, nakatingin ng diretso sa labas na bahagi ng nakasarang salamin, at dahil aircon ang bus, nakaramdam ito ng pagod, antok dahilan para ipikit ang mga mata. Saglit para makalimutan ang lahat, hindi na namalayaan ang pagalis ng bus. Nakaramdam lang ng tumunog ang cellphone sa loob ng bag nito. "Hello!Cendy bakit ka umalis?" Si Ronie na halatang nagaalala ang tuno ng busis nito. "Ronie pasensya kana, pakisabi nalang din kay Tita, salamat," "Bakit ba kasi?pati si Tita Meldred nagaalala sayo, hindi naman matanong si Pinsan tulog." "ok lang Ronie pasensya kana, hindi na kita nahintay, ok na kami ni Justin naiintindihan kuna lahat". "E ano asan kana?may pamasahe kaba?" "Ikaw talaga ok lang ako, kaaalis lang nitong bus, salamat balitaan mo nalang ako kapag nakabalik kana sa Quezon". "Ok sige ingat ka, message ka kapag nandon kana sa inyo, pasensya kana, salamat". "ok salamat din bye". Dito muling ibinuhos ang luha, na kanina'y tumigil "Lord kayo na pong bahala sa akin, at sa lalaking minahal ko, kayo po ang nakakaalam ng lahat ng ito, tulongan niyo po ako na makayanan ko ang lahat ng ito." ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ "Ano bang nangyari!!?" "Hindi ko nga rin alam, basta nakita ko nalang lumabas ng pinto si Cendy, dala ang mga gamit at bag, hindi kuna man matanong itong si Justin, kasi pagpasok ko tulog. "Siguro ang batang yan?Kung ano namang ginawa o sinabi hayy naku!napakabait ng batang yun!, ginaganyan niya lang" "Tama na, hindi natin alam ang dahilan".Pagsaway dito ng asawa, habang nakikinig lang sa mga ito si Ronie. "Samantalang noon, halos lumipad na siya makita lang si Cendy," Napapailing si aling Meldred Habang nagtitinginan ang tatlo. Mahinang nagbubulungan ang tatlo ay naririnig itong lahat ng nakatalikod na nagkukunwaring tulog na si Justin. Habang nakikinig sa mga sinasabi ng dalawang matanda, patuloy rin umaagus ang mga luha sa unan na hinihigaan nito. Hindi makagalaw, kahit napapagod sa direksyon ng pagkakahiga nito. "Patawarin niyo ako, kahit ako hindi kuna maintindihan ang sarili ko, may gusto akong gawin sa sarili ko na hindi ko maintindihan, Cendy sorry sana maintindihan mo nalang ang lahat, palayain na natin ang isat isa. Kung tadhana, tayo parin, may gusto akong hanapin dito sa puso't isipan ko. Maging masaya kana rin, sana mapatawad mo ako kung may ibang magmamahal sayo hindi kita pipigilan. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Dalawang araw pa bago makalabas na ng Hospital si Justin. "Anak kaya muna bang pumasok next week?" "Opo Mama, marami narin po akong napalagpas na lecture, at saka kaya kona po." "Ok sige anak, iwas iwas muna ha!" "Opo Nay, pasensya napo, hindi na mauulit". ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Lumipas ang ilang buwan itinutok ni Cendy ang sarili sa pagaaral, sa mga reviewer, at hindi pinansin ang anumang social media kaya napansin ito ng kanyang Ina. "Ok lang ako Nay, kailangan kuna rin tanggapin ang lahat, pangarap ko po muna ang pagtutuunan ko ng pansin, kung kami parin po, bahala na si God. Nakakapagod din po pala magmahal ng sobra, kaya ngayon sarili ko naman po ang ipriorities ko." "At magtutulungan tayo diyan anak". "Opo Nay, salamat po". ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Halos isang buwan na ang nakalipas, ay hindi nagpakita ng kalungkutan si Cendy. Tuwing linggo, sa umaga na uli ang pagsimba ng mag Ina. Hindi narin magawang pumasyal sa park, kung hindi kumain sa labas, diretso uwi sa bahay. Mahilig na itong mag tanim ng mga halaman sa tapat ng kanilang bakuran, nahilig naring magluto. Sa edad na 20 nagiging mataas na ang kaisipan sa lahat. Hindi rin tumanggap ng ibang manliligaw, kahit marami ang gustong sumubok. May mga time rin na nakakatangap ito ng mga bungkos ng bulaklak. Mula sa mga nagpaparamdam, na kapwa nagaaral bilang Nurse. Hindi naman niya ito sinesiryuso. Ang hindi lang talagang nakakalimot mag text o mag chat , itong si Ronie. Laging nangungumusta, at minsan napapangiti siya nito, sa mga chat may kasamang pang iinsulto. "Ikaw talaga, wala ka nanamang magawa no?" "Hehehe pinapangiti lang kita, Cendy mug kaba?" "Ha!mug bakit?" "Kasi maganda kaparin," "hehehe ikaw talaga, waley yang joke mo, oy may tinda bang ripolyo ngayon si lola Flor?kasi magluluto ako ng sinigang walang gulay dito sa ref." "Mayron at wag kanang lumabas,e dedeliver ko diyan sayo". "Ha!wag na ako nalang pupunta diyan, nakakahiya naman sayo." "Ay suss ngayon pa nahiya, sige na ako na magdadala diyan, mainit kasi ,at bakit ka mahihiya may shipping fee po ang delivery hahaha." "Sige na nga ikaw bahala, hintay kita dito sa tapat ng gate". "Yes ganda, nandiyan na po ang magdedeliver na super pogi." "Ikaw talaga, dali na hintayin kita sa gate, at magluluto pa ako."Habang naguusap papalabas na ng bahay si Cendy. Pagbukas ng gate natanaw na niya si Ronie sakay ng Motor. "Bakit may nagiba sa kanya, dati maitim pero ngayon?" Biglang gulat ng biglang tumigil sa tapat niya ang motor. "Hi, ganda ito napo ang deliver na repolyo free shipping po." "Thank you, bakit pogi mo ngayon?" "Grabi siya, yy may bayad na yan." "Di nga, siguro may girlfriend kana no?sino? bakit diko yata alam yan? Ha....!" "Hoy!wala po, kung mayron man ikaw ang unang pagsasabihan ko,promise, " "Talaga?promise, sige aasahan ko yan, sige salamat ay o magkano pala itong repolyo?" "Naku wag na, sabi ni lola wag mo na daw bayaran." "Ha! Naku hindi paninda to ni lola flor ,ito kunin mo," Pilit inaanot ang 40 piso kay Ronie, at hindi naman ito kinukuha ng lalaki. At dahil pinipilit na iabot ni Cendy sa mga kamay nito, tuloy mahigpit na hawak ang iginanti ng lalaki sa mga kamay niya. Hawak na mahigpit sa magkabila niyang kamay. Ayan tuloy nagka titigan sila, dala ng pagkabigla sa isat isa. "Sige na, pasensya na bigay daw yan ni lola, pasensya na," Sabay bitiw ng mga kamay. "pakisabi nalang kay lola flor, sige salamat sa pagdala." Nakaramdam ito ng kakaibang hiya. "Ok lang...sige Cendy alis na ako". Ganon din ito, biglang umiba ang tuno ng pananalita nito. Habang paalis si Ronie, papasok narin ng gate si Cendy, na parehong hindi maalis sa isip ang nangyari. "Ano ba yon?kasalanan ko kasi pinilit ko pa na i abot, libre na nga e, Ay naku makapag luto na nga." Si Ronie naman, habang dahan dahan ang takbo ng motor, hindi rin mawaglit sa isip ang nangyari. "Cendy, bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?ano tong pakiramdam ko? Bakit ganito?Napakabait mo kasi". Pumasok ng bahay na ganon parin ang pakiramdam. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ BUWAN narin ang lumipas, na walang balita about kay Justin, na nakakarating kay Cendy. Hindi naman ito napapagusapan nila ng pinsan na si Ronie, dahil ang alam ni Cendy, nakablock na siya sa f*******: nito, ang hindi niya alam ang Nanay niya ang may gawa nito, para hindi nito makita ang lahat na nangyayari sa lalaki. Malungkot lang kapag dumadating ang araw na naging special sa kanila noon ni Justin. Tulad ng araw kung kailan niya ito tinanggap sa puso niya, mga araw noong highSchool life nila. Ang hindi niya lang nakakalimutan ang pagsulat sa Diary, Malungkot man o masaya, walang pinapalampas na kabanata. Katulad ngayon, ilang araw nalang sasapit na naman ang araw ng pasko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD