CHAPTER: 12

2389 Words
Dear Diary, masakit man sasabihin ko parin ang lahat sayo. Asan naba ang Mahal ko ngayon? Bakit ibang iba na siya. Tanging ang Diary Note nalang ang kinakausap sa tuwing wala ng mapapagsabihan ng nararamdaman. Nakapagsimula na uli ng pasokan bilang 3rd year Collage si Cendy. Dahil kailangan magtapos para sa pangarap, kailangang palakasin ang loob. Nalaman niya rin, na pumasok nadin sa Collage sa UP si Justin. At ang maslalong nagpatindi ng sakit sa kanyang puso, nagpalit ito ng simcard sa cellphone, tanging sa f*******: nalang niya ito nakikita sa mga picture post nalang nito. Dito niya rin nagagawang imessage ito. "Mahal ingatan mo lagi sarili mo, nandito lang lagi ako, magbago kaman ikaw parin ang Justin na nakilala ko noon, mapagmahal at malambing, sana maalala mo parin ang lahat. Salamat sa lahat". Last time na nakausap niya ang Nanay nito. Laging sinasabi, iniintindi nalang nila lagi si Justin, pinagpa pasensyahan, dahil sa unti unting pagbabago ng ugali nito, naging mainitin ang ulo ito rin ang sabi ng mga Doctor dala ng pagkaaksidinte nito. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Samantala sa bahay ng mga Ramos, ganon din ang pakiramdam, halos iba na ang Justin na kasama nila sa bahay. Hindi na ito pala imik, pagdating galing ng School diretso sa kwarto. Kapag kinausap saka lang iimik, isang tanong at isang sagot lang. Nang minsang kinausap ito ng ina. "Anak, gusto moba ?umuwi muna tayo kila lola mo sa Quezon?kahit ilang araw lang." "Wag na Mama, ayaw kunang pumunta don, nakakapagod magbyahe tatawag nalang ako lagi kay lola." "O sige anak, ikaw bahala." Laging kasama sa mga dasal, na sana wag tuluyang magbago ang anak. Mahilig narin ito sa mga online game, ito ang umuubos ng oras nito sa kuwarto kapag walang pasok. Lalabas lang kapag nagugutom para kumain. "Mama bakit ganyan napo si kuya ngayon?". Tanong ng nakababatang kapatid. "Anak intindihin nalang natin ang kuya mo, dahil diba? naaksidente siya noon?" "Opo Mama, kasi po hindi na niya ako pinapansin, dati pinupuntahan niya ako sa kuwarto ko, ngayon hindi na". "Hayaan muna anak, ipag pray nalang natin palagi na sana bumalik uli si kuya sa dati." ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ "HAPPY B-day best kamusta ka?Pasensya kana kung hindi ako nakaka dalaw sayo, alam mo naman busy tayo." "Ok lang best, naiintindihan kita, kahit naman ako busy rin, kaya hindi rin ako naghanda kasi may pasok, pati si Nanay maraming paper works at saka matanda na tayo, dina kailangan ng handa pang bata nalang yon." "Grabi ka naman sa Matanda,!may edad lang e best yong puso natin kamusta?" "Heto nasasanay narin, iwan ko ba? bakit ang hirap magmahal, palaging may kasamang sakit at luha." "Best kasi binigay mo ng todo, kaya ayan maghihintay ka uli pano kung tuloyan ng mawala?" "Bahala na best, si God nalang bahala ng lahat". "Bigyan mo naman kasi ng puwang ang iba diyan sa puso mo." "Ay naku best, saka na yan, kailangan ko munang magtapos, darating tayo diyan." "Ewan ko sayo, naghihintay ka sa wala, samantalang yong lalaking hinihintay mo na Mahal na Mahal mo may ibang kasama sa mga sss post niya". "Ha!hoy wala aaah!anong sinasabi mo?" "Ay naku best, gumising ka nga!wag kang pahuhuli sa mga social media, sige na maya tingnan mo sss ng taong mahal na mahal mo, basta ako andito lagi bestfriend mo, Happy B-day love kita hindi magbabago." "Ikaw talaga, salamat best love din kita byebye" Sa narinig sa bestfriend kailangan niya bang masiguro ang sinasabi nito. Matagal nag isip, pero kailangan parin malaman ang totoo, dahil sa pakiramdam.Dali daling nag open ng f*******:. Heto naba ang sinabi ni Mela?Napaka linaw ng pagkakuha ng picture. Nakayakap sa likuran ang lalaki, habang nakatalikod ang babae. Maganda, mahaba ang buhok at halos pareho lang ang uniform na suot ng mga ito. Sa ilang minutong pagkakatitig, dito siya natigilan sa mukha ng lalaki hindi na namalayan ang pag agos ng mga luha, hindi gumagalaw ang mga daliri, nanatili itong nakahawak hangang mag off nalang ang light ng cellphone. Dahan dahang lumapit sa kama, na para bang nawalan ng lakas at dahan dahang ipinikit ang mga mata. "Mahal hangang dito nalang ba? Sumuko kana?ako nalang ba ang makakaramdam ng ganito?bakit anong maling nagawa ko?saan ako nagkamali?anong pagkukulang ko?". Hinayaan muling umagos ang mga luha, hangang mapagod at makatulog. Hindi naman namalayan ang pagdating ng Ina. Kaya nakita nito ang lahat, kung anong itsura ng anak, habang luhaan at basang basa ang unan na nahihigaan nito, habang yakap ang kulay pink na bear. Kaya't nakialam na ito, kinuha ang cellphone na halatang nabitawan lang ito ng anak. Agad itong binuksan ni Aling Marlyn, ito agad ang tumambad at nakita, ang picture ni Justin at kasama nito. Bilang isang Ina, ramdam ang sakit na nararamdaman ngayon ng anak. Kaya minabuting wag itong gisingin, habang nakatitig sa itsura ng anak, rambam niya ang sakit na nararamdan nito. Kaya ito ang naisip, ang gumawa ng paraan para hindi na muling masaktan, ang anak sa mga makikita nito na may kinalaman pa sa lalaki. Block o delate lang ang paraan. "Pasensiya kana anak, kung muli akong makikialam mas masakit sakin na nakikita kitang ganyan." Dahan dahang inilapag ang cellphone sa tabi ng anak at lumabas ng kwarto. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Hating gabi na ng maalimpungatan si Cendy, around 9:00 pm na ng maramdaman niyang nasa kusina ang kanyang Nanay, na alam niyang naghahanda ito ng pagkain na pang hapunan. Kaya agad itong tumayo at mabilis na lumabas ng kuwarto. "Nay! pasensiya napo nakatulog po pala ako." "Happy Birthday anak, pasensiya kana heto may binili akong pagkain pagsaluhan natin, halika! maupo kana ." "Wow Crispy pata, at palabok? Thank you Nay, ikaw talaga hindi papayag na walang ganito." "Syempre anak, nagiisa kalang na mayron ako, kaya hindi ako papayag na wala. I love you Anak." Dahil hindi pinaparamdam ni Cendy ang sakit na nararamdaman sa kanyang Nanay, ganon din si Aling Marlyn kunwaring walang alam. "Love you to Nay, salamat po, kain napo tayo at nagrereklamo narin itong tiyan ko." Pinaparamdam sa ina na totoong masaya na kahit ang totoo ay kabaliktaran pala. Habang magkaharap na kumakain, hindi maiwasan ni Aling Marlyn na mapatitig sa anak na nagkukunwari lang na masaya. "Anak Ok ka lang ba?" Habang kumukuha ng palabok. "Nay!OK lang po bakit po?" "Wala lang Anak, baka may problema ka sa school nandito lang lagi ang Nanay," Pakunwari nito na parang walang alam. Ganon din naman si Cendy, kahit halata ng Ina ang namamagang mga mata, bunga ng matagal na pagiyak pinipilit parin maging masaya sa harap ng ina. "Ok lang po ako Nay, wag po kayong magalala sakin," Pangiti ngiti ito, habang panay subo ng palabok, na halatang nagutom. Hangang matapus ang dalawa ng pagkain at nagligpit na panay ang tingin sa anak ni Aling Marlyn. Hangang magsipasok na sa kanya kanyang kuwarto. Dito na naman unti unting inilalabas ang mga luha, na ayaw iparamdam o ipakita sa Ina. Kaya hindi nagdalawang isip, kinuha ang cellphone para muling i confirm ang nakita. Ngunit nagtataka bakit hindi niya na makita, ang f*******: ng boyfriend, kahit e search pa niya ito. "Anong nangyari wala naman akong ginawa?wala naman akong pinindot o ano? Kaya sumubok uli na tawagan ito, magbakasakali na sagutin ang tawag niya. Krrrrrrrinnng, Krrrrrriiing, Krrrrrring Sa wakas nag bukas ang cellphone, pero walang sumasagot. Naghintay siya ng ilang sigundo, na may boses na lumabas ngunit bigo siya. Wari niya nakikinig lang ito ito, kaya siya na ang naunang sumagot. "Mahal, alam kong andiyan ka nakikinig, Please kahit hindi ka sumagot, nakikiusap ako please Mahal wag mo naman akong babaan ng cellphone, pakingan mo naman ako please". "Bakit? ano paba kasi ang dapat pagusapan natin?" Sumagot ito piro ibang iba ang tuno ng pananalita nito. "Mahal! hindi kita maintindihan?anong sinasabi mo?"Hindi na napigilang mapahagulgul. "Ano bang hindi mo maintindihan?palayain na natin ang isat isa, nakakapagod na." "Napapagod kana?saan?anong mali sakin?Mahal ikaw lang ang mananatili dito sa puso ko, ano bang nagawa ko?sabihin mo naman para maunawaan ko". "hindi mo ba maintindihan,?nakakapagod na, pinapalaya na kita, wag mo na akong pag aksayahan pa ng panahon mo, ok na ako." "Mahal Ganon ba kadali sayo?wag kanaman ganyan please, maghihintay ako, alam kung naguguluhan kalang," "Ang kulit mo talaga, bahala ka!sige na may ginagawa ako." "Mahal please ! Wag mo munang i bababa please wag tayong susuko, hihintayin kita lagi sa park, Mahal na Mahal kita Justin," Natigilan ang lalaki ng marinig ang salitang Park !na kasabay ang pagiyak ni Cendy. "Sige na magiingat ka nalang palagi". "Mahal mo naba?" Mahinang tanong nito sa lalaki. "Kailangan pabang sagutin yan?" Bumaba rin ang tuno ng boses nito. "Gusto kong malaman mula sayo? Kung may hihintayin paba ako,?" Halos hindi na mabigkas ang mga sinasabi dahil sa pagiyak nito. "Sige na sorry sa lahat, at salamat," Hindi na sinagot ang tanong ni Cendy, dahil pinatay na nito ang linya. "Mahal!". ito na lang ang last words na lumabas sa bibig ni Cendy, dahil naka off na ang kabilang Linya. "Mahal, nagbago naba ang lahat sayo?May halaga paba ang paghihintay ko?hangang kailan?sana kayanin kung hindi sumuko at palayain nalang ang sarili ko, sa bingo natin" Habang yakap ang pink bear na binigay sa kanya noon ng lalaki. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ "Anak may checkup ka ngayon diba?" Sa bahay ng mga Ramos, habang pababa ng hagdanan si Justin at bihis na bihis ito, mukhang may lakad dahil araw ng Sabado. "Wag na po Mama, magaling na naman po ako at saka po may lakad po kami ng Barkada,". "Anak kailangan parin, para malaman natin kung ok kana talaga". Pakiusap ng Ina, na mabilis na humarang sa paalis na anak. "Mama mahuhuli napo ako, sa susunod nalang po." "Justin,!makinig kanaman sakin! Bakit kaba nagkakaganyan? ha!" Hindi napigilang sigawan ang anak, at hinatak itong paupo sa malapit na upuan. "Mama bakit niyo po ba ako pinipilit? Ok na nga po ako, gusto ko nang makalaya sa nakaraan." "Ano?gusto mo nang makalaya?bakit?may masama ba sa nakaraan mo? itong paglalalabas mo, anong akala mo may maidudulot na maganda sayo?" "Mama nasa tamang edad napo ako, hayaan niyo na ako." Akmang patayo ito ng biglang dumapo ang kamay ng Ina sa kaliwang pisnge nito, isang malakas na sampal, kaya muli itong napaupo. "Subukan mong umalis, punong puno na ako sayo Justin! Ano bang nangyayari sayo? hindi kana namin maintindihan, ano pa bang pagkukulang namin? Oo iniintindi ka namin dahil sa trahedya, pero sana naman intindihin mo rin kami, anak," si Meldred habang umiiyak at nakikiusap sa nakayuko lang ang anak. "Mama, kung napapagod napo kayo, ako rin po pasensiya na po sa kuwarto nalang po ako." Tumayo ito at mabilis na umakyak ng hagdan papasok ng kuwarto at sabay lock nang pinto. Naiwang umiiyak ang ina, habang nakatingin sa papaaalis na anak. "Ano bang nangyayari sayo anak,diyos ko, kayo na pong bahala sa kanya." ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ISANG tawag ang natangap ni Mrs. Ramos habang nasa Opisina ito. "Hello po!kayo po ba ang Nanay ni Justin?" "Oo ako nga bakit?" biglang nakaramdam ng kaba at takot. "Classmate po ito ni Justin, nasangkot po kasi sa rambol si Justin at nahimatay, dinala po namin dito sa General Hospital, punta nalang po kayo dito." "Diyos ko anong nangyari? Papunta na ako diyan". Bilang isang Ina, kahit anong hirap at sakit, patuloy paring magmamahal at uunawa sa mga anak. Isang Ina na hindi susuko o titigil sa ano mang pagsubok o sakripisyo para sa isang Anak na nawawala sa mabuting landas. Pagdating ng Emergency Hospital naroon nga ang anak na walang malay at inaasikaso na nang mga Doctor. "Dok! kamusta po ang anak ko?" "Misis inaasikaso napo namin, kailangan po ng agarang resulta, dahil may record na pala itong anak niyo dati?" Paliwanag ng isang Doctor, dahil dating kakilala pala ng ibang doctor ang pasyente. Sa tagal ba naman noon nila sa Hospital. "Oo nga Dok, ewan ko ba sa batang ito, bakit nakipag away?" Habang tinititigan ang anak, na may nakakabit na swero at oxygen dito. Lumapit ang isang lalaki na halos kaedaran lang ni Justin. "Tita classmate po ako ni Justin!ako po ang nagdala sa kanya dito."pagpapakilala nito "Salamat iho, ano bang nangyari? "Sinugod po kasi ng isang tropa si Justin, boyfriend po yata nong nililigawan niya pinagtulongan po si Justin." "Diyos ko!pano kung may mangyari sa anak ko?" "Pasensya napo tita, matagal nadin po kasi naming pinagsasabihan yan si Justin, na wag ang babaeng yon kasi may boyfriend na yon." "Sabi na nga ba?sige iho salamat ha!" "Walang anuman po, sige po tita mauna napo ako," Habang pinagmamasdan ang anak, dumating ang dating doctor na nag asikaso sa kanila noon. "Kamusta po Mrs. Ramos?" "Dok pasensya na andito na man kami," "Misis mabuti nalang hindi napuruhan sa ulo ang anak niyo delikado ho kasi na bumalik ang amnesia niya kailangan po ng matinding pagiingat, kasi alam naman po natin na may bahagi sa kanyang ulo na may namagang mga ugat dahil sa aksidente noon." "Oo Dok, nagiging matigas po kasi ang ulo ng batang ito, at nagbabago ang ugali." "Oo misis may mga ganyan din po akong pasyente halos saktan ang kanilang pamilya pero bumabalik din po uli sa Normal, wag po tayong mawalan ng pagasa. Halos dalawang oras pa ang nakalipas bago ito nagising. "Mama! Asan po ako?" "Anak!salamat at gising kana, nandito na naman tayo sa Emergency, ano ba kasing nangyari?" Umupo ang ina sa tabi nito sa kama. "Mama pasensya napo, hindi ko po maintindihan ang lahat, sorry po". "Anak naiintindihan kita, sana naman magiingat ka sa lahat," "Mama ang cellphone ko po?" "Diko alam Anak!saan mo ba naiwan?classmate mo daw yon? yong nagdala sayo dito, wala namang binigay na cellphone mo." "Hayaan mo na yon Mama, si papa po asan?" "Kanina tumawag ako sa bahay bago ako tumuloy dito, alam na ng Papa mo, papunta na yon dito. Hindi pa natatapus ang sinasabi ng may bumukas ng pinto. Si Mang Melchor. "Papa," "O Anak kamusta?" "Pa pasensya napo, kung nandito na naman po ako," "Justin Anak, hindi naman kami nagkulang sayo, sana naman umiwas ka sa lahat ng ikasisira mo." Sa tuno ng pananalita nito may pangsisisi sa anak na nagiging matigas ang ulo. "Anak sana naman nakikiusap kami ng Papa mo, ingatan mo naman ang sarili mo, para naman sayo ang lahat ng sinasabi namin". Walang imik ang anak, na hindi mapigilan ang mapaluha, habang nakikinig sa mga sinasabi ng dalawang magulang, -NEXT ❤-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD