Sumapit ang gabi. Nagpatuloy ang masayang inuman at kantahan. Nagkaroon ng bonfire sa tabing dagat. Masaya ulit silang nagsalo-salo ng dinner roon. Nag-ihaw sila ng mga sea foods, pork barbecues, sweet corn at hotdogs. Si Chino ay ipinaglatag siya ng quilt sa isang panig ng baybay kung saan wala masyadong tao. Malapit sa likod ng nagtataasang mga bato. Ipinasuot rin nito sa kanya ang cotton jacket nito. Naupo sila roon ng magkatabi, nakahilig ang ulo niya sa balikat nito habang minamalas ang ganda ng bilog at maliwanag na buwan sa kalangitan. "Chino?" Maya-maya ay untag niya sa binata. "Hmm? Yes, sweetheart?" "Thank you, ha?" "Thank you saan?" "Sa pagdala sa akin dito sa hometown niyo. I really enjoy my stay her." Napangiti ito. "I'm glad to know that. You're welcome." "Parang ang

