Habang nasa biyahe pauwi ay lihim na magngitngit ang kalooban ni Rowella. Hinintay niyang may ikuwento si Chino tungkol sa babae ngunit nanatili itong tahimik. Napansin niya rin na habang nagmamaneho ay naging napakaseryoso ng mukha nito. Tila may malalim na iniisip. Tila naglakbay sa kung saan ang diwa at nakalimutan na nito ang kanyang presensiya. Nang makauwi sila ay napansin pansin ang kawalan ng imik ni Chino. Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay pumanhik agad ito sa kuwarto nila sa itaas. Samantalang siya naman ay pinaunlakan ang alok ni Lanie na magtungo saglit sa garden upang tikman ang ibinake nitong cup cakes. "So kamusta ang pagpunta niyo sa siyudad ng Iloilo? Saang mga lugar kayo nakapunta?" Usisa sa kanya ni Lanie habang pinapanood siya nitong kumakain. Maliban sa cup cakes

