The Model

668 Words
Kabanata 1 "IKAW TALAGA ang may-ari nito, kuya Esteban?" Naibulalas ni oman. "Wow. Meron ka nang beach resort. Ang ganda rito. Ang dagat, very inviting! Ang sarap maligo!" Bulalas nito na nameywang. "Mawiwili ako rito." "Hindi ko lang ito beach resort. Atin ito. Kahit na sino sa ating pamilya, puwedeng gumamit nito, Oman." kasama niyang tumungo roon ang foster brother at maging si Diko. "Hindi pa ito nakikita nina Ate Lena at kuya Andrew." "Pero alam nila?" "Oo. Si kuya Andrew nga nag-verify ng land title at nag-ayos ng bilihan. Pero bago ko binili, tiningnan muna namin ni Gene itong lugar." "Ang laki nito, kuya." "Gagawin natin itong bahay. Sisirain iyang luma." Itinuro niya ang tinutukoy. "Iilan lang kasi ang Màà-accommodate niyan. Marami tayo." "paghahanda ba ito sa pag-aasaqa mo, kuya?" Napangiti siya sa tanong na iyon ni Oman. "Ang totoo niyan, kung ako ikakasal, gusto ko ay beach wedding. At plano ko, dito gaganapin. Kaya kailangan magpagawa nang malaking bahay para kasya ang mga bisita." "Kailan ka ba magpapakasal?" "Oras na makita ko na ang magiging asawa ko. " Hindi mo pa nakikita." " Hindi pa." " Wala ka ring nobya, di ba? " " Wala. " " Magkakaroon ka kaya ng nobya? " " Oo naman. "Nakita niya si Diko na naghubad. Tumutok lamang ang paningin noya rito. Inihagis ang damit sa buhangin at patakbong lumusong sa dagat." Hayon at naligo na si Diko. Sasamahan mo na. " Tinalikuran siya ni Oman. Minabuti naman niyang maglakad-lakad. Maraming puno roon. Sari-sari. Pero natigilan siya nang may makita. Isang babae ang nasa itaas ng puno ng bayabas! Pilit na may inaabot na isang hinog na bunga. Hindi siya nito pinansin. Pero sino naman ito? Ano ang ginagawa nito sa kanyang property? Trespassing ang babae! Naka-short ito at blusa. Ang kakatuwa pa, ang igsi ng suot nitong shorts na naghahantad sa makinis at maputi nitong mga binti.pero lihim siyang kinabahan para rito dahil manipis ang sangang kinatatayuan ng babae. May kataasan pa naman ang kinaroroonan nito. Oras na mabali iyon, iindahin talaga nito ang sakit! Posible ring mabalian ng buto. "Miss..." "Ay!" Mabilis ang naging kilos ni Estiban. Pumuwesto siya kung saan nakalambitin ang babae para saluhin ito. Iyon lamang ang magagawa niya para sa babae nang sa gayon ay hindi ito masaktan. Nakita niya ang takot na bumalatay sa mukha nito. "Sino ka?" "I am your knight in shining armor." "Ano?" "Bumitaw ka na riyan, Miss." Sambit niya sa babae. "Sasaluhin kita." Dumako ang kanyang mga kamay sa paa nito. "Sige na. Kaysa naman pahirapan mo ang iyong sarili. Bumitaw ka na riyan para hindi ka mahirapan!" "Sino ka nga?" "Miss, nasa alanganing sitwasyon ka na, pero gusto mo pa ring malaman ang aking pangalan?" Hindi niya maiwasang maasar sa babae. "Nagmamagandang - loob na nga ako rito. Ano, bibitaw ka ba riyan o hindi!" "Sagutin mo na lang ang tanong ko!" "Bumitaw ka na lang diyan!" "Ayoko!" Naasar na siya eito. "Ganun? Ikaw ang bahala. Sige, maglambitin ka riyan hangga't gusto mo. Ako'y nagmamagandang loob lang. Ayokong masaktan ka pa. Pero ganyang nagmamatigas ka, problema mo na iyan!" "Sino ka nga!" "Bumitaw ka riyan at magpapakilala ako sa iyo" "Ano ang ginagawa mo rito? "Ano?" "Bapakasimple ng tanong ko, a!" Nagunot na talaga ang kanyang noo sa inaasta nito. Tama bang tanungin siya ng ganoon? Nakalimutan yata nito kung sino sa kanilang dalawa ang trespassing sa naturang lugar! Hindi diya sigurado kung nasa tamang pag-iisip ang babae! " Ikaw sino ka? " " Ano?" Sa asar niya, dumistansiya na siya rito. Ano ngayon kung masaktan ito? Hindi na niya problema iyon. Sinubukan na niyang magpakaginoo rito, pero nagmamatigas ito. Hindi naman siya ang mapapagod sa paglalambitin sa sanga na iyon ng bayabas! " Hoy!" "Bakit" "Pagod na ako." "Ano ngayon?" "Akala ko ba ay sasaluhin mo ako?" "Ayaw mo naman, di ba?" "Sinabi ko bang ayaw ko?" "Hindi ko maalala." "Saluhin mo ako ha?" "Nagbago na ang isip ko." "Ano?" "Mabait ako kanina. Pero ngayon, hindi na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD