Kabanata 2
Walang kaabug-abog niyang sambit dito.
Sa tingin niya, hindi naman ito
mamamatay oras na lumagapak sa lupa.
"Bumitaw ka na. Sinayang mo ang
pagmamagandang loob ko.
" Alis diyan! "
" Malayo ako, a. "
" Oras na makababa ako rito, malilintikan
ka sa akin. "
" kinakabahan na ako. "
" Walanghiya ka! "
" Umayos ka, ha! Hindi mo kilala kung
sino ang sinasabihan mo ng ganyan."
Asik niya sa babae. Liyeral na talaga
siyang nakikipagtalo rito." Bumitaw ka
na riyan at umalis dito! Huwag mong
ubusin ang pasensiya ko! "
" Ikaw ang malilintikan oras na
makababa ako rito! "
" Bilisan mo na at nang magkasubukan
tayo. "
" Saluhin mo ako."
"Sino ka para saluhin ko?"
Pinilit abutin ng mga paa nito ang
katawan ng bayabas, pero sa
kasamaang palad, hindi nito magawa.
Gumagawa ito ng paraan para hindi ito
masaktan. Pero wala na talaga itong
magagawa kundi ang sadyang bumitaw
sa pagkakalambitin sa sanga ng
bayabas!
" Ay!"
Mabilis ang pangyayari at siya mismo ay
nasorpresa. Hindi niya natulungan ang
babae. Nabali ang sanga kung saan
nakalambitin ito! Hindi kinaya ang bigat
na iyon ng babae. Bago nito sa puno ng
bayabas.
Napangiwi siya sa nasaksihan.
Kitang-kita niya ang reaksiyong iyon ng
babae. Nalukot ang mukha nito sa
nangyari. Unang bumagsak ang
pang-upo ng babae. Batid niyang hindi
maganda ang pagkakabagsak nito.
"Aray ko!"
Nanatili lamang siya sa kinatatayuan.
Hindi siya nangahas na ito'y tulungan.
Oras na iyon para malaman nito kung
sino talaga siya. Magaslaw ang kilos na
iyon ng babae! Sino ba ito para
sitahinsiya? Sa pagkakaalam niya, it's
his territory!
Sa kanilang dalawa, ito ang trespassing!
Hindi siya! Nakapangalan sa kanya ang
resort na iyon! Kaya meron siyang
karapatang usisain ito! And not the other
way around! Ito ang trespassing doon at
hindi siya. Kung meron mang dapat na
magpaliwanag ay ang babae na iyon at
hindi siya!
"s**t!"
Napangiwi siya.
"Are you okay?"
Paika-ika itong tumayo at hinarap siya
kahit na ang mga kamay nito ay
nakapuwesto sa matambok na
pang-upo. Ang sama ng tingin sa kanya.
Handang manlapa. Pero nanatili lamang
siya sa kinatatayuan.
"Sa tingin mo okay ako?"
"Malay ko...
" Walang hiya ka talaga! "
" Teka, umayos ka, ha. Kanina mo pa ako
sinasabihan ng ganyan, nakakapang-init
ka ng bunbunan! Ano ang ginagawa mo
rito? Bakit ka nandito? "
" Matagal na akong nakatira rito! "
" Pag-aari ko ang lugar na ito! "
" Ano?"
"Ako ang may-ari."
"Nagpapatawa ka ba?"
"Kalbo ba ako?"
Nagunot ang noo ng babae. Tumutok ang
paningin nito sa kanya. Nagtaka siya.
Hindi ba roon abot ang kanyang
kasikatan at hind siya nakikilala ng
kaharap? Pakiramdam niya ay nainsulto
siya! Ang akala kasi niya, lahat ng tao sa
pilipinas ay kilala siya! Isang mulat na
halimbawa ang babae.
Pero hayon at may isang nilalang na
hindi siya kilala. Hindi niya nagustuhan
ang katotohanang iyon. Talagang
nainsulto siya. Dagdagan pang naroon
siya sa kanyang teritoryo! Wala itong
jarapatang usisain siya!
"Sino ka?"
Parehong nagunot ang noo nila ng
babae. Paano naman, sabay nilang
naibulalas ayon. Nagtinginan tuloy sila.
Parehong nangunot ang mga noo
habang nakipagtitigan sa bawat isa.
Nagsukatan sila ng paningin.
"Look, who are you?"
"Ikaw, sino ka?"
"Ako si Esteban Eduard." para matapos
na ang usapin iyon, kinailangan na iyang
sagutin ang tanong na iyon ng babae.
"Sinagot ko na ang tanong mo. Now
it'stime that you answer my question.
Who the hell are you?"
"Ruth..."
"Ruth what?"
"Sinagot ko na ang tanong mo. Ano ang
ginagawa mo rito? This is a private
property. Hindi ka pupuwedeng pumasok
sa isang lugar na pribado!" asik sa kanya
ng babae. "Umalis ka na! Private
property ang lugar na ito."
Nag panting ang taynga niya sa sinasabi
ng babae. Hindi nga talaga siya nito
kilala. "Miss, hindi ako trespassing. I
own this place! Kung meron mang
trespassing dito, ikaw iyon." Hindi niya
binitiwan ang paningin nito.
Bumalatay ang alinlangan sa mukha ng
babae. Samantalang hindi naman niya
binitiwan ang paningin nito. Pero
kakatwang she's staring at her blankly!
Hindi naman niya masabi kung natukoy
na nitong nagsasabi siya ng totoo!