CHAPTER 25 - Magbabayad ka!

1074 Words

Magbabayad ka! MATAPOS makausap ni Milencio ang hindi inaasahang dalaw ay nagkandaiyak siya sa tindi ng galit. Pakiramdam niya'y gusto niyang pumatay. Nakalabas ang lahat ng litid sa kanyang leeg sa tindi ng pagtatagis ng mga bagang. Namumuti na ang nakakuyom niyang palad at naghahanap ng masasapak. Mukha ng tiyuhin niya ang nakalarawan sa kanyang utak! "Hayop ka, Kaka! Hayop ka!" Humahagulgol na siya sa tindi ng poot habang malakas na sinusuntok ang konkretong dingding ng seldang kinaroonan. "Tama na 'yan, Milencio. Huwag mong wasakin ang mga kamao mo. Ireserba mo 'yan sa mukha ng taong umagrabyado sa'yo." Saway ng isang kasamang bilanggo na hindi nakatiis sa nakikitang pananakit niya sa sarili. Mahigpit nitong hawak ang magkabila niyang balikat. Isa pa sa mga kasama niya ang lumapi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD