Posas MATAPOS siguraduhing balot na balot ang lata ay nagsimula na si Milencio sa paghuhukay. Matagal na niyang naisip ang ganoong pamamaraan kung sakaling makaka-jackpot sa bahay na pagnanakawan. Ngayon nga'y ginagawa na niya. Sinadya niyang laliman ang hukay upang kung sakali ay hindi basta-basta mahahalukay ng kung sino. "Pamangkin, iiwanan na kita. Kaysa tanghudan kita rito ay pupunta na lang muna ako sa sugalan para mag-relax. Matagal na akong hindi nakakapagbalasa ng baraha, kating-kati na ang mga palad ko," paalam nito. "Oo, Kaka. Ako na ang bahala dito." Nang makatapos ay hindi na siya pumanik sa itaas ng bahay. Kailangang makatulog siya kahit ilang oras lang. Kung papanik siya ay tiyak na magigising si Luisa at magtatanong. Hindi siya dapat magmukhang walang tulog kung saka

