Halakhak ng Dimonyo SUMAKAY na ng dyip si Luisa upang makauwi. Naniniwala siya sa sinabi ni Milencio na babalik ito sa piling niya. Alam niyang tutuparin ng asawa ang pangako sa kanya. Naniniwala siya sa paulit-ulit nitong ibinulong sa kanya bago pa man siya umalis. "Babalikan kita, Luisa. Babalikan kita, Luisa" Hindi niya kalilimutan ang pangako nito. Iyon ang panghahawakan niya upang makayanang balewalain ang kalungkutan. Palagi na lamang niya itong dadalawin sa kulungan. Magkakasama pa rin sila, magkikita pa rin at magkakausap. Nang maalala ang itsura ng asawa ay nag-umpisa na namang mag-unahan ang luha niya sa pagpatak. Hindi niya alintana ang mga nagtitinginang pasahero sa loob ng sinasakyang dyip. Mabigat na mabigat ang dibdib niya. Kung hindi siya iiyak ay malamang na himatayin

