Banta ANG BUONG akala niya'y titigil na ito. Ngunit nagkamali siya. Marahas nitong hiniklat ang kurtina sa pintuan. Sinundan siya sa loob ng silid. Isiniksik niya ang katawan sa sulok nang mabilis itong pumasok! "Kaya lalo akong naaatat sa'yo, Luisa. Palagi mo akong iniiwasan. Inaatat mo kong masyado, pinaglalaway. Huwag ka nang magmalinis. Pang-ilan na ba si Milencio sa mga lalaking kumana sa'yo, ha? Pikit ka pa ba nang ibuka ng pamangkin ko? Hindi na , 'di ba? Maluwag ka na kaya huwag kang umarte na parang hindi ka sanay sa mga ganitong eksena. Beterana ka na pagdating sa pang-aakit ng lalaki. At ang gago kong pamangkin, sineryoso ka naman. Samantalang pwede ka namang ikama ip da prays is rayt!" Patuloy na pambabastos ni Carlos sa kanya. Napipilan siya sa narinig. Si Milencio lang ang

