Pagtangis sa sinapit NANG muling dalawin ni Luisa ang nakakulong na asawa ay nagkunwari siyang masaya. Ayaw na niyang madagdagan pa ang problema nito. Walang ibubungang mabuti para sa asawa ang maramdamang may masamang nangyari sa kanya. Kung ipagtatapat niya ang ginawang kahayupan ng tiyuhin ay baka makaisip pa itong gumawa ng isang bagay na makapag-papalala lamang sa sitwasyong kinakaharap nila ngayon. Ngumingiti siya sa pakikipag-usap dito. Bagama't hindi niya magawang salubungin ang mga mata nitong palaging nakatitig sa kanyang mukha ay gumagawa siya ng paraang hindi ito mag-isip ng kung ano. Masaya siyang katabi ngayon ang asawa at nakahawak sa kanyang mga kamay. Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap nang dumating si Carlos. Ang pagkailang na nararamdaman niya para dito ay nadagdagan

