Paghuli kay Milencio NATARANTA si Luisa sa pagharang ng sarili upang protektahan si Milencio. Nakatutok sa kanyang asawa ang baril ng mga pulis na nakapasok. Nagbabakasakali siyang sa ginagawa ay hindi magpaputok ang mga ito! "Huwag kayong magpapaputok. Hindi po lalaban ang asawa ko. Huwag niyo po siyang babarilin.Parang-awa niyo na!" lumuluha niyang pakiusap. "Sumuko ka nang matiwasay, Milencio. Lalo lamang bibigat ang kaso mo kung manlalaban ka." Pakiusap ng pulis. "Hindi po. Hindi po siya lalaban!" "Hindi na para sa sarili mo. Milencio. Para na lamang sa asawa mo. Tignan mo kung gaano ka niya gustong protektahan. Inihaharang niya ang sarili sa takot na baka barilin ka namin." Nagtatagis ang mga bagang na pinagmasdan ni Milencio ang kabiyak. Hindi nito malaman kung paano itatakip a

