CHAPTER 32 - Isinukong Pag-asa

1045 Words

Isinukong pag-asa PAGKARAAN ng tatlong araw at dalawang gabing paglalamay ay inihatid na sa huling hantungan ang mga labi ni Milencio. Tahimik lamang sa pag-iyak si Luisa, habang nakatitig sa mukha ng lalaking nakahiga sa makitid na kahon. Simula sa unang araw ay hindi na siya humiwalay sa tabi ng kabaong. Doon na siya umiidlip kung hindi na makaya ang pagod at antok. Sopas, o kaya nama'y kape lamang ang inilalaman niya sa sikmura kung kaya ang ilang nagmamalasakit ay natatakot na bigla na lamang siyang mawalan ng malay at humandusay. Hindi pa man nakababawi ng lakas sa pagkawala ng sanggol sa loob ng sinapupunan ay nasundan pa ng malagim na pagkamatay ng asawa ang paghihirap ng kaloobang tinitiis niya. Nag-aalala ang mga ito na baka bumigay na ang katinuan niya sa walang humpay na dagok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD