CHAPTER 33 - Lollipop

1011 Words

Lollipop SA SUGALAN. "Napakaswerte mo naman, Carlos.", Puri ni Lolita habang inaabot ang isang boteng beer. Kanina pa panay kabig ng lalaki sa ilegal na saklaan ng babae. Patataubin na naman ni Carlos ang bangka niya. Maging sa kara y krus ay ito rin ang nanalo. Tila tubig lang na bumubuhos ang pera ng mga manlalaro niya. Ang iba nga ay nag-uwian na. Nagsialis na barya man ay walang laman sa bulsa. Tumawa lang si Carlos sa biro ng babae. Buong kahambugang iniliyad ang dibdib. Halos araw-araw ay nanalo siya sa sugal. Walang sablay. Ang pinakatalo niya ay bawing puhunan lang. At pagdating ng bahay ay may Luisa pa na daratnan. Panatag na ang loob niyang hindi siya tatakasan ng babae. Kahit anong oras siya umuwi ay nandoon pa rin ito at matiyagang nagsisilbi sa kanya. Pagkatapos ng ila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD