Sammy's PoV
"Oh my God Sammy bat ganyan ka na naman !." patiling saad ni Abbi.
Inirapan ko sya . "Nagtatanong ka pa bakla, e halos isang linggo na akong ganito every morning na magkikita tayo."
Basa na naman kasi ako, kagaya nga ng sinabi ko kay Abbi,mag iisang linggo na akong pinag titripan ng mga baliw na alipores ng demonyitang Reyna nila dito, kaya nasanay na rin akong magdala ng extrang damit.
"Bess sinabi ko naman sayo simula pa nong una di ba, pero di ka nakinig sakin eh, kaya ganyan ka ka trip ngayon ni Queen, mabuti nga ganyan lang ang inabot mo bess."
"Wala akong pakialam sa kanya bakla, as long as hindi sya mismo ang gumagawa sa akin ng ganito hindi ko sya papatulan ."
"Pero paano kapag dumating nga ang time. May magagawa ka ba ?"
"Meron !"
"Weh ? Sa liit mong yan ?" tinaasan pa ako ng kilay nito.
Sinamaan ko sya ng tingin."San ka ba talaga kampi Abbelardo ?"
Hindi agad ito nakasagot Kaya mas lalo ko pa syang tiningnan ng masama.
"Kailangang pag isipan pa talaga ?!"
"Ehhh kasi naman bess, si Queen na kasi ang pinag------
"So sa kanya ka kakampi ganon ? Sino ba ang kaibigan mo sa aming dalawa bakla !"
"Syempre sayo naman ako kakampi bess, ang akin lang naman-----
Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil hinila ko na sya.
"Saan tayo pupunta ?"
"Magbibihis lang ako, bantay ka lang dito sa labas kasi baka pasukin ako ng mga alagad ng demonyitang Reyna nyo." agad akong pumasok sa loob para magbihis.
------------
Queen's PoV
Kitang-kita ko kong paano nabuhusan ng tubig si Rivera pagkapasok na pagkapasok pa lang nya sa pintuan. Bulungan at mahinang tawa lang ang naririnig ko mula sa mga taong nakakita sa insendenting iyon. Ako lang naman ang may pakana sa lahat ng ito, may inutusan lang ako para gumawa non . At halos isang linggo ko ng pinagti-tripan si Rivera, at sa katunayan nga minor pa lang tong ginagawa ko sa kanya.
Tiningnan ko kong anong naging reaksyon nya pero bumuntong hininga lang ito at tahimik na lumakad, siguro patungo sa cr para magbihis. Sinundan ko sya sa paglalakad, hindi ko kasama si Dann ngayon dahil hindi kami magka-klase sa first subject ko ngayon.
Habang naglalakad ay nakasalubong ni Rivera yong baklang kaibigan nya. Huminto ako sa paglalakad at nagtago muna. Remojiin ano bang ginagawa mo ? Bat mo sya sinusundan ? Nasa Plano mo rin bang sundan sya ngayon ?.
Binalewala ko ang tanong ng aking isipan at sinundan ulit si Rivera, hila hila na nya ngayon ang kaibigan niya, huminto sila sa tapat ng banyo.
"Magbibihis lang ako, bantay ka lang dito sa labas kasi baka pasukin ako ng mga alagad ng demonyitang Reyna nyo !"narinig kong saad nito.
Natawa ako sa sinabi niya . Demonyitang Reyna, yon pala tawag nya sa akin hah . . Pwes ! Babaeng maliit hindi na ang mga alagad ko ang papasok, kundi ang Reyna na mismo .
Pinalipas ko muna ang ilang sandali bago lumapit sa banyo. Tumikhim ako para ipadama sa lalaking nakatalikod ang presensya ko. . Pinanlakihan ng mata ang lalaki ng makilala kong Sino ang taong nasa harapan niya. Ganon naman siguro lagi ang reaksyon nito kapag nakikita ako.
"Qu-queen ."tila nini-nerbyos nitong banggit sa pangalan ko, napahigpit pa ang hawak nito sa door knob ng pintuan ng banyo.
"Papasok ako ."saad ko dito.
Mas lalo naman itong nataranta sa narinig, alam kasi nito kong gaano kainit ng ulo ko sa kaibigan niya. "Pe-pero queen na-nasa loob pa kasi ang kaibigan ko eh ."tila naiihi na ito sa kaba.
"I know and I don't care ." Pina-meywangan ko sya.
"Pe------
"Kong gusto mong pati ikaw masali sa init ng ulo ko sa kaibigan mo sabihin mo lang ."pananakot ko rito.
Nagdadalawang isip pa ito, pero sa huli binitiwan na rin nito ang door knob at unti-unting tumabi. Wala naman akong inaksayang pagkakataon at pumasok ako agad sa banyo.
Pagkasarado ko sa pintuan ay hinanap ko kaagad sya, nakita ko sya sa harapan ng sink na walang ibang suot pang itaas kundi ang kanyang black na bra.
Tinitigan ko sya, particularly sa katawan niya. In fairness sexy naman, may abs sya pero hindi masyadong halata, tsaka sa liit niyang babae medyo biniyayaan sya ng malaking------- What the hell Queen ! What the hell are you thinking ?!.
"Eyes up here De la Merced, masyado ka naman atang nag eenjoy dyan ."
Bigla akong natauhan ng magsalita si Rivera. Nag-eenjoy ? Me ? Nahh ! Never !.
"For your information Rivera hindi ako nag eenjoy ."tinaasan ko sya ng kilay.
"E bakit titig na titig ka kanina?"pina-meywangan pa ako nito.
"Bakit bawal ba ? Tsaka hindi ka naman sexy, tapos maliit pa yan oh ."nguso ko sa bandang dibdib nya.
At gusto ko talagang tumawa ng malakas sa naging reaksyon nya ngunit pinigilan ko lang ang sarili ko.
"Bastos ka !"sigaw nito, binato pa nya sakin ang basang damit niya, buti nalang mabilis akong nakailag.
"What the f**k Rivera !"
"What the f**k mo yang mukha mo demonyita ka, mapanglait ka bastos, porket malaki yang iyo sasabihan mo ako nyan ."gigil na gigil ito tapos ang pula pula na ng mukha nito.
"Bat ka nambabato ?!"
"E bat ka nanglalait ? Sama talaga ng ugali mo!"paiyak na ito.
Wow hah ! Nong pinagtripan sya ng mga alagad ko hindi ito kailanman umiyak, pero ngayon nasabihan lang ng ano, naiiyak na.
"Magdamit ka kasi."saad ko.
Sinamaan ako nito ng tingin. "Bigla bigla ka kasing pumapasok dito e, tsaka bat ka ba nandito ?"
Nginisihan ko lang sya. . Dahan dahan akong lumapit sa kanya hanggang sa halos dalawang dangkal na lang siguro ang pagitan naming dalawa. Nakita kong napalunok ito ng laway. Yan, kabahan ka Rivera ."
"For your information again babaing maliit, school ko to, Kaya pwede akong pumasok dito kahit kailan ko gusto."
"Bakit wala ka bang CR don sa kwarto mo ? Tsaka yang mga kagaya mo, I'm sure hindi naman pumapasok dito di ba ? Teka . . Sinusundan mo ba ako ?"matapang na tanong nito.
Queen ? Hindi talaga sya takot sayo ! Wahahaha . . Shut up brain.
"Bakit naman kita susundan ? Importante ka ba para sundan kita ? Sino ka ba ?" mas lalo pa akong lumapit sa kanya.
Ahhmm Queen? Wait lang ! Masyado ka atang malapit?
"E bat-- bat ka nga an-andito ?"ramdam ko ang nerbyos sa boses nito.
Matapang ka lang pala kapag nasa malayo ako ha !
"Am I feeling you uncomfortable right now Rivera ?" I trapped her to the sink, nasa magkabilang gilid na nya ang mga kamay ko .
Napahigit ito ng hininga . At Alam kong sobrang kinakabahan na sya, dinig na dinig ko na kasi ang tunog ng t***k ng puso niya.
"A-ano ba ka-kasi tong gi-ginagawa m-mo ."mahina na ang boses nito.
Oo nga naman queen ! Ano ba talaga yang ginagawa mo ? Mare ang lapit lapit mo pa sa kanya, halos mag palitan na kayo ng hininga eh !
"Alam mo Rivera nakakatawa ka, kasi sa dami ng ginawang pagpapahirap sayo ng mga inutusan ko, kahit kailan hindi ka napikon, hindi ka umiyak o hindi ka nagalit, pero ngayon bakit takot ka, bakit nini-nerbyos ka ?"bulong ko sa bandang tenga nito.
"Hin-hindi na-naman ako takot sa-sayo no, tsaka si-sinong may sa-sabi sayong nini-nerbyos ako ?"pilit pa nitong tinatapangan ang boses.
"Talaga ? Hindi ka takot sa akin ?" tiningnan ko sya sa mga mata, halos maduling na nga ako sa sobrang lapit naming dalawa.
Napatingin ako sa mga mapupulang labi nya , at hindi ko Alam kong bat bigla akong nakaramdam ng uhaw.
What the heck Remojiin ! Umalis ka na, Nakakadiri ka babae yan tanga ! Kahit saan saan kasi tumitingin ehh !
At mas lalong tumindi ang uhaw ko ng makitang wala sa sariling kinagat ni Rivera ang pang iibang labi nito.
The heck Remojiin babae yan Hoy ! Babae yan !
"Te-teka nga Qu- queen bakit sobrang la-lapit mo ata ?"napahawak ito sa magkabilang kamay ko.
"Stop biting your lip Rivera !" bulong ko rito. Kong hindi ako ang kakagat nyan . muntik ko pang maidugtong.
Hindi ko talaga Alam kong ano itong ginagawa ko pero ang alam ko lang ay nag-eenjoy ako.
Pero babae pa rin sya Remojiin ! Shut up ka nalang kasi . Masyado kang epal.
Lumipas ang ilang sandali na ganoon pa rin ang posesyon namin, nag tititigan at nagpapakiramdaman lang ng biglang nagsalita ang kaibigan niya Doon sa labas .
"Bess buhay ka pa ba dyan !"
Fuck ! Way to ruin the moment .
Napapikit ako ng mariin bago unti unting lumayo sa kanya, kinuha ko ang malinis niyang damit na nasa ibabaw ng sink at pinatong sa balikat niya.
"Magbihis ka na ."bumuntong hininga muna ako bago walang lingong likod na naglakad palabas, nakita ko pa ang kaibigan ni Rivera sa labas, tiningnan ko muna sya ng masama bago tuluyang umalis.
Fuck ! What the hell just happened ? Am I really going to kiss her ?
Fuck ! But I'm not a lesbian !! And I hate lesbians ! Arrghhh !
----------
Unedited.