4

1452 Words
Sammy's POV Nagdadalawang isip na ako kong papasok pa ba ako sa loob dahil sa nangyari kanina lang. Baliw ka kasi Sam ! Tch ! Dapat di mo na lang kasi sinagot-sagot eh, dapat kasi nakinig na lang ka nalang kay bakla . . Wahhh !. Hindi din naman kasi ako sanay na may nagtataray sa akin, natural na rin sa akin ang lumaban kapag may nang-aapi sa akin. Pero Sammy naman ehh ! Iba ang sitwasyon ngayon, Yong Reyna pa kasi nila yong binangga mo . "Excuse me ." biglang may nagsalita sa likuran ko . "Ms. Rivera ?" tanong nito . "Yes po ." sagot ko. "I'm Mr. Vincent Reyes ." Ito na siguro ang teacher ko ngayong subject nato. "Good Morning po sir ." bati ko rito. "Morning too . . Please come in Ms. Rivera ."nauna na itong pumasok sakin, sumunod naman agad ako. "You can seat beside Ms. De la Merced, wala ka din namang ibang choice kasi wala na din namang vacant seat ." Napalunok ako sa narinig . . Kapag sinuswerte ka nga naman talaga oh . . Malas ! Malas talaga ! "No way uncle, she can't seat beside me." saad ng Reyna ngunit wala man lang ka rea-reaksyon ang mukha nito. Wow naman sya . . Akala mo naman gusto ko din syang makatabi . "Yes way Queen . . At san mo naman sya pauupuin ."taas kilay pa na saad ni Mr. Reyes sa isa. "Kahit saan ! Wag lang sa tabi ko ." malditang sagot nito. Sarap talaga ihambalos sa pagmumukha nya ang silyang ipinagdadamot niya sa akin . . Wooh Sammy relax ka lang ! "Umupo ka na don Ms. Rivera, wag mo na lang pansinin ang isang yan, nagta tantrums na naman eh."bulong nito sakin na nakatawa pa. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang lumakad na palapit sa bakanteng upuan na katabi ng Reyna. Hindi ko naman mapigilang tumingin sa kanya, nakatingin din sya sakin, masamang nakatingin ika mo , sobrang tahimik din ng paligid, animoy isang masamang kasalanan ang lumikha ng ingay. Umupo ako agad pagkalapit ko sa upuan, ramdam kong hindi pa rin ako hinihiwalayan ng titig ng isa kaya tumingin ulit ako sa kanya. Halos dalawang dangkal lang ata ang pagitan ng mga upuan namin. "Problema mo ?"lakas loob kong tanong dito. Hindi ako sinagot nito pero nakatingin pa rin sya sa akin. Potek naman oh , baka pinagpaplanuhan na nito ang pagpapatumba sa akin, Diyos ko Lord wag naman sana . "Kabago-bago mo pa dito pero ang dami mo ng nagawang nagpapainit ng ulo ko ." mahina nitong saad ngunit sapat na para marinig ko. Ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha niya, wala pa ring emosyon . "Wala naman akong masamang ginawa sayo ah, ikaw lang tong OA dyan ." napatutop ako sa bibig ko ng ma realize kong ano ang sinabi ko. Sammy shut up muna kasi yang bibig mo ehh . Narinig kong bahagya itong natawa kaya tumingin ulit ako sa kanya . At least marunong din naman syang tumawa mga bess. "Kakaiba talaga ." Saad nito. "But may I remind you babaeng maliit ." tiningnan ako nito sa mata . Aba't nanglait pa ng height, porket sya hegante . Mag re-react pa sana ako ng magsalita ulit ito. "This is my school, and literally in this school I'm the Queen, at kahit na sino man ang magkamaling bumangga sa akin, Boom ! They all disappear. . And you, you are not an exception. . Ngayon palang binabalaan na kita, to just stay the hell out of my way ." yon lang at binalik na nito sa harapan ang atensyon . Ako naman ito pino proseso ang lahat ng sinabi nya . . Stay the hell out of her way nga kasi daw Sammy ! . Hay ! Bahala nga sya sa buhay niya . Nagsimula ng mag discuss sa harapan si Mr. Reyes, nakinig nalang ako ng maigi sa kanya kesa naman isipin ang babaeng demonyitang nasa katabing upuan ko . --------- Queen's POV "May masamang balak ka noh ." tanong ni Dann habang naglalakad na kami patungo sa kotse ko. "You know me Dannica , and she want it, sa una palang binalaan ko na sya ." kibit balikat na sagot ko . Kaklase pa namin sya sa apat pang mga subject kaya hindi talaga mapigilang magtagpo ang mga landas naming dalawa . "Hindi naman ata yon takot sayo eh ." Nginisihan ko sya . "Then let's see ." pumasok na kami sa kotse ko. Hindi sya takot ?! Tch ! Tingnan natin kong hanggang saan ang tapang ng babaeng yon. Humanda ka sakin bukas Rivera !!. Di ko mapigilang mapangiti sa iniisip. Napatingin ako kay Dannica. "Ano ?!"tanong ko. Tila amuse na amuse kasi itong nakatingin sa akin. "You smile again ." sagot nito . "I always smile to you Dan ." "Hindi . . Ang ibig kong sabihin, ngumiti ka kasi ulit at Alam kong hindi para sa akin ang ngiting yon ." nakangiting sabi nito. "Alam mo ang dami mong alam !" Inirapan ko sya, pinaandar ko na ang kotse. Tumawa lang naman ang isa. "San tayo ngayon ?" "Ikaw? Saan mo gusto?. tanong ko rin. Tila nag iisip pa ito. "Bar tayo !" excited pang sagot nito. Mag-gagabi na rin naman kaya pwede na kaming demiretso doon. Hindi ko na ito sinagot at tahimik nalang nagmaniho patungo sa bar. Halos dalawampong minuto din ang byahe mula sa school bago kami nakarating sa bar na palaging tinatambayan namin ni Dannica. Bumungad agad sa amin pagkapasok ang malakas na tugtog at masakit sa matang mga ilaw, konti pa lang ang mga tao kasi maaga pa naman. "Same ?" tanong samin ni Amer the bartender, suki na kasi kami dito kaya kilala na nya kami ni Dann. Tinanguan ko lang ito. "Anong plano mo ?" si Dann. "Wala pa akong naisip." "May plano ka talaga ?" "Of course !" "Wag mo nalang kaya ituloy Jiin ." "Why not ?!"kinunutan ko sya ng noo. "Mabait naman kasi sya eh, tsaka------ "She is not an exception Dannica, narinig mo naman kong paano niya ako sagut sagutin di ba ? " inisang inom ko lang ang alak na nasa baso ko. "Ay, May planong maglasing ?" "Alam mong hindi ako madaling malasing, I'm not like you !" "E di ako na ! Ako na ang madaling malasing . . Pero mabalik nga tayo don kay Samantha, bat ba ang init ng ulo mo don ." "Alam mo naman ang dahilan di ba? Kaya wag mo ng itanong, uminom ka nalang dyan at magpakalasing ." "Bat naman ako maglalasing ?" "Kasi...... Wala kang love life ?" patanong na saad ko. "Ay grabe sya sa walang love life oh, akala mo naman sya meron ." tumawa pa ito ng malakas. "I don't need love Dann." "But how about David ?" I mentally rolled my eyes. "How about him?" "Jiin Alam mo namang patay na patay sayo yong tao eh, at halos dalawang taon na rin syang nanliligaw sayo, wala ka pa bang balak na sagutin sya?" "Dann I don't need him in my life. At bakit ko naman sya sasagutin, e ilang beses ko na naman yong binasted eh, sya lang tong makulit ." "Ano pa ba kasing hinahanap mo Kay David, e nasa kanya na ang lahat eh, matangkad, maputi, mayaman, gwapo o ano pang hinahanap mo." "E di sayo na ."uminom ulit ako. "Ay hindi rin, mas bet ko yong kasama ni Samantha ." nakangising saad nito. "Bakla yon, kadiri ka ." "Kong maka kadiri ka naman dyan !"pinalo pa ako nito sa braso. Aaminin kong hindi talaga ako komportable sa mga topic na ang tinutumbok ay ang mga taong kasali sa third s*x. I hate them, especially lesbians, naaalala ko lang kasi ang malaking kasalanan na nagawa ng Nanay ko na naging dahilan kong bat nawala sakin si Dada. Insakto namang may dalawang babaeng magkahawak ang kamay na tumabi sa kinauupuan kong stool. Fuck ! Kapag minamalas ka nga naman oh ! "I love you." narinig ko pang saad nong Isa. "I love you more babe ." sagot naman nong isa. What the f**k! Am I really hearing this ? Sobrang lapit lang naman kasi nila kaya dinig na dinig ko ang mga sinasabi nila. "Let's go Dann !"sabay tayong yaya ko kay dannica. "Huh ? Bakit naman ? Tas ang ---- "No more buts okay ! Tsaka nawalan na ako ng gana ."tinalikuran ko na ito at nauna ng lumabas sa bar . Arrghhh !! Kahit saan talaga masisira at masisira lang ng mga katulad nila ang mood ko . Tch ! -------- Unedited . Beware sa typos .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD