Chapter 20

1587 Words
Chapter 20 Masayang pinagmamasdan ni Niel ang nabili nitong singsing. Siya talaga mismo ang nagdesign para lang sa espesyal na babae na dumating sa buhay niya. Gawa ito sa white gold at purong diamonds naman ang tumpok na hugis star. Alam niyang masyado pang maaga para ayain na niyang magpakasal si Chandria ngunit hindi na talaga siya makapag-hintay. Sa araw-araw na nakikita niya ito ay mas lalo niya lang itong minamahal. Pero bago 'yon kailangan niya munang makipag-bati sa ina at ito na nga siya ngayon. Sa mismong tapat ng mansyon nila. Bumusina ito at kaagad din naman siyang pinag-buksan. Binati siya ng mga trabahante at isa-isa naman niyang nginitian ang mga ito. Marahil nagulat din ang mga ito dahil ilang taon na rin ang lumipas bago siya muling nakatapak sa pamamahay na ito. Dumiretso na kaagad ito sa garden dahil ayon sa isang katulong nila nandoon daw ang kanyang ina at nag-aalmusal. Nang siya'y makarating, nadatnan na niya ang ina na nagbabasa ng magazine at ilang beses pa itong napakurap nang makita siya. Tila hindi ito makapaniwala na nandito siya ngayon sa mismong harapan nito. Saglit itong huminto at kumaway sa ina habang ng isang kamay ay nakapaloob sa kanyang bulsa. "Hi, Ma!" nakangiti niyang bati. Humakbang na siya palapit sa ina at ginawaran niya ito ng halik sa pisngi. She also smiled back at him and gently tap his face. "Mabuti naman at hindi mo pa rin nakalimutan ang bahay mo." she said it out of joke. Bahagya naman siyang ngumiti at umupo sa silyang kaharap lang din ng ina. "Well, I know you missed me a lot, that's why you're here. I miss you too, son. So, what's up? What brought you here?" sunod-sunod na tanong ng ina. Itanabi na nito ang magazine na binabasa at buong galak na itinutok ang atensyon sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "May importante sana akong sasabihin." panimula niya. "I just—" "Oh! Wait!" biglang sabat ng ina niya. "Pwedeng bang ako muna ang mauna, mukhang perfect timing na rin kasi dahil nagkita tayo. You still remember Cheska?" He nodded dahil sino naman ang makakalimot sa kaisa-isa niyang bestfriend na babae. "Well—kakauwi niya lang pala galing Canada and you know what. She really turned out to be a very beautiful lady. I know your already excited to meet her." panunudyo nito sa kanya na nag-umpisa na siyang kabahan. Ngumiti ito sa kanya bago na naman muling nagsalita. "You know what, son? Cheska is the right woman for you. Ikakasaya ko talaga kung siya ang babaeng papakasalan mo. So, please—," ginagap nito ang kanyang kamay at marahan iyong pinisil. "give up those bitches you have at magseryoso ka kay Cheska." Parang gusto niyang sumabog sa sobrang inis sa huling sinabi ng ina. Mukhang malabo na talaga na magbago pa ito. Isa pa rin itong diktador magpahanggang ngayon. He let a deep sighed to calm himself. Ayaw niyang maging katulad ng ama na parang robot na de susi. Susunod na lang kung ano man ang ipapagawa sa kanya. "Actually Ma, nagpunta po ako dito para ipaalam sa inyo na balak ko ng mag-propose sa girlfriend ko." mahinahon nitong pagkakasabi. Labis namang nabigla ang ina at ilang beses na naman itong napakurap. Tila ina-analyze ang bawat salita sa binibitawan niya. "I'm sorry Ma, but—I already found someone whom I will spend the rest of my life with. At hindi si Cheska iyon." Bigla namang namula at nanginig sa galit ang ina niya. Titig na titig talaga ito sa kanya. Panay din ang singhap nito sa ere na tila hindi rin ito makapaniwala sa kanya na mag-seryoso ito bigla sa isang babae. "At saan mo naman napulot na kalye ang babae na 'yan?" kalmante ngunit madiin ang pagkakasabi nito. "Son! Baka nakakalimutan mo na isa kang Quirino at balang araw ikaw na ang magmamana ng lahat na meron tayo. Hindi ako papayag na kung sino-sino na lang ang makakasama mo sa buhay. May pangalan tayong iniingatan kaya hindi pwede na kung sinong pusang kalye na lang ang basta-bastang papasok." He gritted his teeth at kinuyom ang kamao niya na halatang nagtitimpi alang-alang sa babaeng nagluwal sa kanya. "She's not just somebody, Ma." mahinahon pa rin niyang sabi. "She's the woman whom I'm gonna marry. She may be simple but you don't have the rights to judge her na hindi mo pa siya kilala ng lubusan. "I only want Cheska," giit pa rin ng ina na mukhang hindi talaga ito magpapatalo sa kanya. "at wala na tayong pag-uusapan pa tungkol doon. I am your mother and I know what's best for your future. Hindi mo pa maiintindihan ang mga bagay na ito sa ngayon at balang araw ay pasalamatan mo rin ako." Nauna na itong tumayo at pumasok sa loob. Naiwan naman siyang bagsak ang balikat. Hinilamos nito ang sariling mga palad dahil bigla siyang nakaramdam ng panghihina dahil sa sobrang inis na nararamdaman. *** Habang bumabyahe siya kanina papunta rito sa shop nila Chandria ay may nadaanan siyang flower shop kaya napabili ito ng bouquet ng pink roses. He smelled it bago bumusina sa mismong tapat ng shop ng girlfriend. Medyo na-late na nga siya ng ilang minuto sa pagsundo dito. Bumaba siya at ikinubli ang bulaklak sa likod habang nakasandal sa pintuan ng kanyang kotse. After a few minute, lumabas na rin ang hinihintay niya. She's wearing a loose gray top at maong na palda na sakto lang ang haba para matabunan ang makininis nitong legs. White sneakers naman ang naging sapin nito sa paa. Excited itong napatakbo sa kanya ng makita siya nito at lumambitin itong yumakap sa kanya. Niyakap din niya ito pabalik at isinubsob ang ulo sa balikat nito. Gusto niyang makasagap ng energy ngayon at isang mahigpit na yakap lang nito ay sobrang sapat na. Napahigit siya ng malalim ng maamoy ang mabangong shampoo na gamit nito. Bigla siyang napangiti dahil ngayon niya lang napansin na nag-iba na ang kulay ng buhok nito. Hindi na purple kundi naging light red na "Did you just change the color of your hair?" tanong niya. "Yep! Do you like it?" tanong naman nito sa kanya. "Hmmm, yeah!" anas niya na mas lalong hinigpitan ang yakap sa nobya. "Roses for me?" anito na marahil ay nakita na nito likuran niya. Mabilis na itong kumawala sa kanya. Ni hindi na rin siya nito pinasagot at kinuha na ang bulaklak sa kanyang mga kamay. Obvious naman kasi na para sa kanya. "Thank you!" she sweetly said habang inamoy-amoy ito. " Teka nga! Ano ba iyong okasyon?" tanong nito haban inaalalayan niya ito papasok sa loob ng kotse. Umiling naman siya at pinilit na bigyan ng malawak na ngiti ang girlfriend. "Na miss lang kita, that is why." At marahan nitong ikinabit ang seatbelt sa girlfriend at pinatakbo na ang sasakyan. "May problema ba?" Bigla siyang natigilan.Tinanong ang sarili kung halata ba sa mukha niya na wala ito sa mood ngayon. "Hmmmm, wala naman!" pagsisinungaling niya at mas lalong pinasigla ang boses. "I'm just—a bit tired." saka sinulyapan ang nobya na tila hindi kumbinsido sa kanyang sagot. "Parang ang tamlay mo kasi ngayon," sabi pa nito at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. "May sakit ka ba?" sininat-sinat siya nito sa noo at sumilay ang labis na pag-alala sa maganda nitong mukha. "Wala akong sakit," direkta niyang sagot at ginawaran ng masuyong halik ang kamay nito at para hindi na rin ito mag-alala pa. "Masyado lang akong maraming ginawa kanina at mukhang na drain na lahat ng energy ko." pagsisinungaling niya pa ulit. "Ganoon ba?" nalukot na rin ang mukha nito at hindi niya ito nagustuhan kapag naging ganito ang ekspresyon ng dalaga. "Pero kung bibigyan mo ako ng kiss, siguradong mas mapabilis ang pag-recharge ko ng energy." Hindi naman nagdalawang isip ito at binigyan siya ng kiss sa cheeks. "Feeling better?" sabay ngiti sa kanya. Pilyo naman siyang ngumiti at itinabi muna ang sasakyan sa gilid ng gate ng apartment ng nobya. "Mas mapapadali siguro kapag sa lips naman." hirit pa niya na tila unti-unti na talagang nagbalik ang sigla niya sa katawan. "Hay naku!" she rolled her eyes. "Para-paraan ka talaga!" Nauna na itong bumaba kaya kaagad din siyang sumunod. "Umuwi ka na kaya para makapag-pahinga?" taboy na nito sa kanya. "Sige na, go!" sabay flying kiss sa kanya ngunit tila ayaw gumalaw ng mga binti niya. Muli tuloy siyang nilapitan ng dalaga at tinulak na papasok sa loob ng kanyang sasakyan kaya parang wala na rin siyang nagawa. Natagpuan na lang niya ang sariling naka-upo na sa harap ng manibela. "Mahal kita," she quickly said na nakangiti habang kumakaway ito bilang paalam. Hindi na naman siya nakatiis at bumaba na naman ulit. Ewan ba niya kung bakit parang gusto na lang niya ngayon na mag-palambing sa nobya. Madalas kasi na siya ang naglalambing dito, hindi pa rin kasi maalis-alis ang katarayan nito minsan. "Ulitin mo nga! Hindi ko narinig." malambing niyang utos at niyakap muli ang dalaga. Natawa naman ito sa kanya at yumakap din pabalik. "Sabi ko mahal kita. Mahal kita kahit sino at ano ka pa. Mahal kita kahit hindi man ako ang nakatadhana sa'yo at—mamahalin pa rin kita kahit na hindi ako ang makakatuluyan mo." He was supposed to be happy knowing kung gaano siya kamahal ng nobya ngunit ang marinig na hindi ito ang makakatuluyan niya. It really shoots straight to his heart. Tagos na tagos at masakit na kahit hindi pa naman nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD