Next week na ang birthday ni Lexy kaya nag-paalam muna si Chandria kina Nanay Bebang na hindi muna siya papasok ngayong araw para makapag-shopping. Balak kasi nitong maaga pa lang ay makabili na siya ng iregalo sa bestfriend na magagamit talaga nito sa nalalapit nitong kasal.
Mukhang maaga pa naman para mag-shopping kaya ang pinagkakaabalahan muna niyang scrapbook ang pinagtuunan niya ng pansin. Bawat araw kasi na magkasama sila ni Niel ay kinukunan talaga niya ng picture. Gusto niya na sa bawat kasama niya ito ay talagang magmamarka sa puso niya.
Na hanggang sa pagtanda niya ay baon-baon niya pa rin ito. 'Beautiful Days with You' iyon ang napili niyang theme sa scrapbook niya.
Inisa-isa niyang tiningnan ang mga picture na kuha nila ni Niel at sa loob ng anim na buwan na magkasama sila ay parang ang dami na nilang memories na nagawa together.
Bigla siyang natawa ng maalala niya na sabay silang mag-jogging noon at hinabol ng aso. Muntik na siyang madapa non mabuti na lang at maagap sumalo si Niel.
Iyong nagbibisikleta sila sa loob ng Rizal Park at ang paghihirap ni Niel na turuan siya kung paano mag-bisikleta. Niel always wear a long patience pagdating sa kanya at iyon ang labis niyang ipi-nagpapasalamat.
Marami-rami na rn silang mga memories na first time nila parehong gawin. Iyong kumain ng balot at betamax na binebenta sa kalye. Manood ng horror movie sa sine at iyong manood ng concert ni Michael Buble nang minsang nag-concert ito sa Pilipinas. Pareho din kasi nilang favorite singer si Michael Buble.
Na-conquer na din niya ang fear sa heights nang samahan siya nitong tumawid sa hanging bridge at sumakay ng zipline. Gustong-gusto din niya iyong namingwit sila sa ilog at sumakay ng balsa. Pinaranas din sa kanya na sumakay ng kabayo. Mag-camping at manood ng sunrise at sunset. Magsimba at mag-ikot sa mall na magkahawak kamay. At nitong huli lang ay para silang baliw na nagsasayaw ng sun dance sa gitna ng ulan na akala mo naman ay titigil 'yon pag-ginawa nila.
Lahat ng ito ay nagawa at naranasan niya dahil kay Niel. Minsan napapaisip din siya na baka bigay ito ng kanyang ama para hindi na siya maging malungkot.
Naputol lang pag-iisip nito ng tumunog ang cellphone niya. Text galing kay Niel at bahagya itong nalungkot. Hindi kasi siya nito masasamahan ngayong araw dahil busy ito sa trabaho. She took a deep sighed at kinuha na rin ang towel para ihanda ang sarili sa pupuntahan. Hindi naman siya dating ganito, sanay na sanay kaya siyang mag-isang aalis.
Pagdating sa mall ay hindi naman siya nahirapan na maghanap kaagad ng tiara na pang-regalo kay Lexy. Tiningnan nito ang oras sa dalang cellphone at nakangusong initsa din sa bag. Nababagalan kasi siya sa oras. Gustong-gusto na niyang mag-hapon para makita na ulit ang nobyo.
Nag-decide na lang siyang umuwi na lang total nakaramdam na siya ng boredom. Siya pa lang siguro ang magshoshoping na nakakaramdam na kaagad ng boredom.
Patungo na sana siya ng elevator ng may babaeng hindi niya sinasadya na mabangga. Kaagad itong nag-sorry at pareho silang natigilan ng babaeng kanyang nabangga.
"Chandria, right?" maarte nitong pagkakasabi habang pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. She felt a little bit annoyed but still she managed to give her a friendly smile. "Oh! What a co-accident that I met you here, sweetheart."
Lumaban naman siya ng titigan dito. "Oh! Maybe you mean, what a coincidence," pagtatama niya. "Nice to see you too, Famela.You look good in your royal blue dress."
Tumawa naman ng bahagya sa kanya ang babae para takpan ang pagkapahiya. "Yeah, exactly. Sorry, it was just a slip of a tongue," kinumpas pa nito ang kamay sa ere. "By the way—free ka ba? Yayain sana kitang mag-coffee . I have a few things to discuss with you."
Bigla siyang na-curious sa sasabihin ng kausap kaya pina-unlakan na rin niya. Sa kilala at mamahaling coffee shop nito siya dinala.
"I heard the news a few weeks ago na kayo na pala ni Niel. So, how's the relationship going?" panimulang tanong nito kaagad.
Sumimsim muna siya sa inorder niyang frappé bago sumagot.
"Okey lang naman. We're always on good terms." Bahagya lang itong ngumiti.
"Is that so?" nagsalubong ang dalawang kilay nito na tila hindi kumbinsido sa sagot niya. "You know Chandria," umayos ito ng upo at diretsong tumingin sa kanya. "Hindi naman sa sinisiraan ko si Niel, but Niel will always Niel."
"What do you mean by that?" umarko ang kilay nito. Para kasing may ibig ipahiwatig sa kanya ang kausap, nag-paligoy-ligoy pa.
"Athena, Bernice, Ella, Fiona, Gina, Halley, Jane, Jakie, Kathy, Leni, Mika, Nancy, Patricia. May napapansin ka ba?" Ngumiti ito sa kanya ng makahulugan.
Natameme siya bigla at kinurap-kurap ang mga mata. Hindi siya makasagot dahil hindi rin naman kasi niya alam kung anong punto nito.
"Cute names," aniya na lang at sapilitang ngumiti. "Who are they?"
"Mga naging babae ni Niel."
Muntik na siyang masamid. The heck! Memorize pa talaga niya.
"Okay, so what's the big deal about it?" kampante niyang sabi. Aware naman kasi siya sa nakaraan ni Niel. Hindi iyon inilihim sa kanya ng nobyo at naiintindihan niya ito kung bakit ito nagkakaganito noon.
"Hindi mo pa rin ba gets?" tumaas ang sulok ng bibig nito. Napasandal ito at enikis ang mga braso habang hindi pa rin inaalis ang mata sa kanya. "Ginagamit ka lang ni Niel, sweetheart. He loves collecting cars and collecting girls as well. Pandagdag ka lang
sa mga naging koleksyon niya. Hahayaan mo na lang ba iyon? Oh, wait! Baka gusto mong sabihin na nagbago na siya, well—doon ka nagkakamali, darling. Habits don't die easily. Kunsabay, ganun naman talaga si Niel. Akala mo kayang-kaya mo siyang abutin dahil kaharap mo lang, iyon pala in reality. Hanggang tingin ka na lang." sabay ngiti nito na tila nang-aasar.
Gusto na talaga niyang manampal sa mga oras na iyon at naiirita na siya sa kausap. Hindi na rin niya matantiya kung kaya pa ba niyang magtimpi ngunit kailangan. She believes in the saying ‘Queen don’t compete with hoes’.
"Alam mo," bahagya itong dumukwang at itinukod ang dalawang siko sa ibabaw ng mesa. Pinagdugtong nito ang mga kamay at ipinatong ang baba. “ bagay sa'yo ang huli mong sinabi na hanggang tingin ka na lang. Hindi mo rin ba iyon na notice? Iyong habol ka ng habol sa kanya pero hindi mo naman mahabol dahil—kahit siya tumatakbo palayo sa'yo” Tumayo na ito at binitbit na ang mga dalang paper bag. "Thank you so much for your concern, I really appreciate it— a lot!" Nginitian niya ito na tila nanunuya bago humakbang palayo.
Kahit hindi niya man lingunin ay alam niyang masama pa rin ang tingin sa kanya ni Famela. She’s not bothered anyway. Alam kasi niyang nasa tamang lugar siya at nararapat lang naman kay Famela na patulan niya ito. Kayang-kaya niyang makipag-plastikan sa dalaga pero ang sirain si Niel sa harapan niya ay ‘yon talaga ang ikinaiinis niya ng husto. Her man is way better than what they thought about him.