Sa sobrang himbing ng pagkakatulog ni Chandria ay inabot na siya ng tanghali ng gising. Inilibot niya ang kanyang paningin at kunot ang noo na napabangon ito. Hindi na niya matandaan kung paano siya nakabalik sa loob ng kanyang kwarto. Matapos kasing pinagsaluhan nila ni Niel ang mainit na sandali ay bagsak na bagsak na ang katawan nito.
Sinilip nito ang sarili na natatabunan ng makapal na kumot at napangiti ito nang makitang nakadamit naman siya ngunit nawawala ang dalawang panloob nito.
Napatakip ito ng kumot sa kanyang mukha ng muling sumagi na naman ang nangyari sa kanila kagabi ni Niel. It was a random ngunit ginusto naman niya.
"I'm sure Lexy is probably gonna kill me if she knows this." ani niya sa kanyang isipan habang nakatitig na naman ang mga mata sa kisame.
Pakiramdaman din nito ang gitnang bahagi ng kanyang katawan at napangiti na lang siya dahil hindi na ito masyadong masakit maliban lang sa balakang nito na ramdam pa rin niya ang pangangalay.
Pinilit nitong bumangon upang silipin si Natsu dahil labis itong nagtataka dahil tulog pa rin ito hanggang sa ngayon. Kadalasan kasi nauuna itong magising sa kanya at naglalaro na ito sa ilalim ng kama.
"Marahil napagod din kagabi," anang isipan niya.
Himala kasing nagkaroon ito ng kalaro kagabi na kauri niya. Iyon ay base sa kwento sa kanila ni Javi kahapon. Hinayaan naman daw ito ni Javi makipaglaro dahil mas lalong sumisigla naman ang tuta kapag may nakakalaro na kauri nito.
Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at marahang inilapat ang kamay sa ulo ng tuta. Napangiti ito na kaagad din nawala nang maramdaman na tila hindi na ito humihinga. Kaagad itong napatayo at nagpapanic ang utak niya. Hindi niya malaman kung ano ang
unang gagawin. Si Neil ang unang pumasok sa isipan niya kaya mabilis na itong lumabas para puntahan ang binata.
Sakto naman sa paglabas niya ay nasalubong niya ito. May dala itong dog food na marahil ay para kay Natsu.
"Si Natsu…" nanginginig ang boses na sambit niya. "hindi na siya humihinga!"
Gulat at may bahid ng matinding pag-alala ang bumakas sa mukha ng binata sa sinabi nito. Agad itong pumasok sa loob ng kwarto niya at nilapitan ang tuta. Pinakiramdaman nito kung tumitibok pa ba ang puso ng tuta ngunit ganun na lang din ang lungkot niya ng wala na talaga.
Isang malungkot na tingin ang ipinukol sa kanya ng binata at agad naman niyang na gets na kinuha na talaga si Natsu sa kanila.
Para itong nanghina na umupo sa kama niya. Hinayaan niya ang sarili umiyak, after all ganun pa rin naman ang pakiramdam kapag namatayan ka. Masyadong masakit sa dibdib.
"Tahan na," alo sa kanya ni Niel na hindi niya namalayan na nasa tabi na niya pala ito. Kinuha nito ang kanyang kamay at bahagya iyong pinisil. "Alam naman nating dalawa na darating talaga ang araw na iiwan na tayo ni Natsu. His already in good hands right now. Kaya dapat hindi ka na maging malungkot. You have to be happy kasi sa ikli man ng panahon na nandito siya sa mundong ibabaw.
Naging parte ka ng buhay niya. Ramdam kong naging masaya naman siya kahit papaano."
"Did we really make him happy?" She asked in a painful voice.
"Oo naman," nakangiting sagot sa kanya ni Niel at kinintalan siya nito ng halik sa noo.
"Paano mo nasabi?" Napakislot ito.
Niel looked at her face with amused eyes. Inipit nito sa tenga ng dalaga ang ilang hibla ng buhok nitong tumatabing sa maganda nitong mukha.
"Dahil kahit papaano hindi siya namatay na mag-isa." He said.
Ang sagot na iyon ng binata ang nagpatigil na sa pag-iyak ni Chandria. Para siyang nahiwagaan sa sagot na iyon at nagpagaan sa kanyang nararamdaman. Suddenly, she felt something that urge her to give him a hug and she did. Marahan siyang napapikit at ninamnam ang sandaling iyon. After all tama pa rin ang sinabi niya na kapag may umalis may papalit na naman. Niel came to her life and took her out from the darkness. He makes her happy, maybe the happiest.
****
Mga bandang Alas tres na ng hapon nila nagawa na ilibing si Natsu. Doon nila ito inilibing sa Isla kung saan nila ito nakita. Nilagyan nila ito ng maraming bato para palatandaan na dito nila inilibing ang kawawang tuta.
"Totoo ba na uuwi ka na?" biglang tanong ni Niel sa kanya habang pabalik na sila sa resort. Magkahawak-kamay na naglalakad ang mga ito.
Saglit huminto si Chandria at nakangiting tiningala ang binata. Mukhang alam na nito na babalik na ito ng Manila bukas ng hapon. Bigla tuloy bumigat ang dibdib niya ng makita kung gaano ka lungkot ang mga mata nito.
"Kailangan na eh," sagot ni Chandria at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kamay ng binata. "At isa pa, hindi ko pa alam kung paano kita ipakilala kina Lexy na hindi sila mabibigla. Mag-iisip pa ako at hahanap ng perfect timing." Nakagat nito ang pang-ibabang labi niya.
Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya mapanatag kung paano iyon ipapaliwanag kina Lexy na nagkaroon kaagad ito ng boyfriend sa loob ng ilang araw lang. It was very unusual situation pero ano pa ang magagawa niya dahil nandito na siya. Alangan namang aatras pa siya.
"You want me to come with you?"
Biglang lumiwanag ang mukha ni Chandria sa narinig ngunit kaagad din siyang napangiwi. Alam niya kasing business trip ang pinunta ng binata dito at hindi magbakasyon. Negosyo na naman nito ang masa-alang-alang.
"You don't have to," pilit niyang pinasisigla ang boses. " Isa pa, may trabaho ka pa dito. Tapusin mo na lang muna. Hintayin na lang kita doon at alam mo na—hahanap pa ako ng timing para masabi ko ang tungkol sa
atin sa mga tao sa bahay." sabay kibit balikat nito.
"What if I insist?" giit ni Niel na tila batang nagpapacute para mapagbigyan sa kanyang kahilingan.
Bumuntong hininga muna si Chandria bago sumagot. Mukhang hindi rin naman siya makakatanggi sa offer nito. At Least mas okey na rin siguro na isama ito at ipinakilala na kina Lexy at Nanay Bebang.
"Okay! Fine!" nakangiting pagsuko niya. "Pero kailangan ko pa pala munang dumaan
ulit doon sa mall na pinuntahan natin. Bibili lang ako ng pasalubong."
Sinamahan naman siya ni Niel. Iyon nga lang hindi na niya ito pinasama sa loob.Total konti lang naman ang kanyang bibilhin at
isa pa, iwas na rin na pinagpapantasyahan na naman siya ng mga kababaihan sa loob.
Papasok na sana siya ng mamataan nito si Sena na papalabas na rin ng naturang lugar. Hindi muna siya pumasok at hinintay na
lang itong tuluyang makalabas.
"Hi!" nakangiti nitong bati. Mukhang gulat na gulat naman si Sena na makita siya.
"Ate Chandy!" nakangiti rin nitong sambit at yumakap ito sa kanya. "Pupuntahan na sana kita doon sa resort. Timing naman pala na nandito ka. Kamusta ang lugar? Masaya naman ba?" usisa kaagad nito at isang napakatamis na ngiti na lang ang kanyang
naisagot. Mamaya niya na lang siguro iyon ikukwento sa babae ang lahat na naganap sa resort.
"Ano pala ang ginagawa mo dito?" curious niyang tanong ng humiwalay na ito sa pagka-kayakap sa kanya.
Luminga-linga muna ito sa paligid na tila may hinahanap bago siya nito sagutin.
"May importanteng tao lang akong sinamahan. Mukhang nasa loob pa yata eh! Mamaya ipa-kikilala kita." Tumango-tango naman siya na nakangiti. "Nandiyan na pala siya eh," biglang sambit nito at kumaway-kaway ito sa exit area banda.
Curious naman na sinundan niya iyon ng tingin ngunit ganun na lang sumipa ang kaba sa kanyang dibdib. Ilang beses itong napakurap ng mata baka sakaling namamalikmata lang siya ngunit mukhang hindi nagkakamali ang kanyang paningin.
It was her mother at kahit ito ay nagulat din ng makita siya. May bahid ng pangungulila sa mga mata nito at parang gustong-gusto siya nitong yakapin. Pakiramdam niya nag-uumpisa nang uminit ang sulok ng kanyang mga mata kaya dali-dali nitong
kinuyom ang mga palad.
Ganoon pa rin naman ang mukha ng kanyang ina. Maganda pa rin ito tulad ng dati, iyon nga lang. Malaki ang ipinayat nito.
"I think I have to go," kalmante pa rin niyang sabi na kay Sena lang nakatingin ang mga mata. Hindi pa handa ang puso nito sa muling pagkikita nilang mag-ina.
Kahit si Sena ay nagtataka rin sa biglaang ikinilos niya. Who cares. Ang gusto lang nito ay umiwas muna. Hindi niya napaghandaan ang sitwasyong ito dahil kahit kailan hindi naman sumagi sa isip niya na magtatagpo pa muli ang landas nilang dalawa. "Nakalimutan ko kasi ang wallet ko sa loob ng maleta ko." pagsisinungaling niya. Mabilis itong tumalikod at hindi na nito hinintay na sumagot pa si Sena.
"Anak?"
Bigla siyang napahinto. Napapikit ng mariin habang nakakuyom pa rin ang mga palad. Sobra niyang na miss ang salitang iyon.
She can't held her tears anymore. Walang ideya ang kanyang ina kung gaano siya nangulila na marinig muli ang tinig nito na tinawag siyang anak.
Naramdaman nitong humahakbang ito palapit sa kanya ngunit tila napako na siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi nito magawang
igalaw ang mga binti para maka-iwas. Gusto niyang tumakbo pero kagaya lang din ito noong araw na iniwan siya ng ina. Gusto nitong tumakbo para habulin ang papalayong ina pero wala 'eh. Laging napapako ang kanyang mga paa sa kanyang kinatatayuan.
"Han?" napa-pitlag ito ng marinig ang boses ni Niel. Dahilan na rin para bumalik na sa wisyo ang utak niya. "Tapos ka na ba
bang mamili?" Tanong nito ngunit hindi ito sa kanya nakatingin. Puno ng katanungan ang mga mata nito habang nakatitig sa babae sa kanyang likuran.
"Huwag na lang. Let's go!" aya na nito at mabilis na kumapit sa braso ng binata para hilahin na ito palayo.
"Anak sandali lang!" aniya ng kanyang ina ngunit hindi na siya nag-abala pang tingnan ito muli. Lumakad lang ito ng diretso .
"Is she your mom?" Niel asked and suddenly stopped.
"Not anymore!" walang ka ngiti-ngiti niyang sagot at muli ng hinila si Niel palabas ng naturang mall.
Hindi na rin umimik pa si Niel at nag-patianod lang ito habang hila-hila siya ni Chandria papunta sa pinagparkingan niya ng kanyang sasakyan.
Mabilis niyang pinag-buksan ang dalaga ng pinto at kaagad namang pumasok ang dalaga.
Tila nahahapo itong napasandal sa upuan habang tinatakpan ng sariling mga palad ang mukha.
There, Chandria continues to cry since the pain of yesterday is killing her again. Hinayaan lang ito ni Niel at tahimik lang itong umupo sa driver's seat. He hates it when he can't do anything to ease the pain that his woman feels.
Napakislot si Chandria nang maramdaman ang marahang pagtapik ni Niel sa kanyang balikat. Then suddenly, he gives her a comforting hug that she needed. At iyon ang isang bagay na ipinagpapasalamat niya kahit papaano. Neil was there in times she needed someone to cry on.
****
"Your mom is pretty," ani ni Niel para basagin ang katahimikan na kanina pa pumagitna sa kanilang dalawa. Kanina pa kasi ito walang imik at nakatanaw lang sa malawak na karagatan. "Mukhang sa kanya ka nagmana."
Bigla itong sumimangot at bahagyang sinulyapan siya. Gumagabi na pala na
hindi man lang niya namamalayan.
"Kay Daddy ako nagmana," nakanguso sabi ng dalaga sabay erap sa kanya.
Hindi naman mapigilang matawa ng binata at marahan nitong ginulo-gulo ang buhok ng girlfriend.
"Para ka talagang bata!" ani niya "Gusto mo bang mag-bonfire?"
"Bonfire?" na excite na sambit ni Chandria. Nahiya man umamin pero nangarap din naman siya na balang araw ay makapag-bonfire rin sa tabi ng dagat. Madalas niya itong nakikita sa mga
pelikulang napanood niya at inaasam-asam din nito na sana balang araw ay ma-experience niya din ito.
Gusto niyang alamin kung bakit nasasabi ng mga tao na romantic ang ganoong set-up.
Nagsimula ng kumilos ang binata upang gumawa ng bonfire at na impress naman ang dalaga sa kanya dahil tila expert ito sa ganitong bagay.
"What are you thinking?" untag ni Niel sa kanya sabay abot ng mug na may laman ng mainit na chocolate drink. Mukhang tulala
na naman ito na tila nakapako ang mata sa apoy na nagliliyab sa kanyang harapan.
Nakangiting umiling-iling ito bilang sagot at sinimulan ng inumin ang maligamgam na inumin.
"Sa tingin mo bakit kaya sinasabi ng ibang tao na romantic ang mag-bonfire? I can't
feel something special about it." ani ni Chandria na tila sobrang na disappointed.
Muli na namang natawa sa kanya si Neil at kinuha sa kanyang kamay ang hawak na mug. Pansamantala muna nitong itinabi.
"How about this?" marahan itong yumakap mula sa kanyang likuran at ipinatong nito ang ulo sa kanyang balikat.
There, she felt his warmth embrace that makes her more secured. Wala siyang ka-edi-ideya na ganito pala ang nagagawa ng yakap ng taong mahal mo. Napapawi nito ang lahat ng pag-aalinlangan na meron ka. Marahan nitong tinapik-tapik ang pisngi
ng binata.
"Hayan, medyo romantic na." aniya sabay tawa. Humiwalay na rin ng yakap sa kanya si Niel at iginiya siya nito para maupo sa
nakalatag na blanket sa buhangin. Kumuha pa ito ng extra na blanket para naman sa kanya. Medyo lumalamig na rin kasi ang
dampi ng hangin. Kapwa nila enenjoy ang moments na ito dahil bukas pareho na silang babalik sa realidad ng kani-kanilang buhay.
Hindi rin alam ni Chandria kung ano ang susunod na mangyayari sa kanila ni Niel at hindi niya rin tiyak sa sarili kung handa na ba talaga siya. Isa lang ang talagang sigurado siya, ito'y mahal na mahal niya si Neil at handa na siyang maging masaya ulit.
Kinabukasan….
11:00 A.M
"Mami-miss po kita, Ma'am Ganda!" halos mangiyak-ngiyak na sambit ni Javi na tila halos ayaw bumibitaw ng yakap sa kanya.
"Ano ka ba! Babalik pa naman ako dito kapag may oras ako." alo niya dito. "Akala mo naman, hindi na tayo magkita-kita muli. Ang liit lang kaya ng mundo." dagdag niya pa.
Kahit siya ay nalulungkot rin dahil napamahal na rin sa kanya ang lugar na ito at syempre sina Mark at Javi. Hinding-hindi rin niya makakalimutan si Natsu na alam
niyang babalik at babalik talaga siya sa lugar na ito para dalawin ito muli.
Sunod namang niyakap nito ay si Mark. "Magpakabait ka 'ha!" bilin nito at isang matamis na ngiti naman ang isinukli sa
kanya ng binata.
Huli nitong nilapitan ay si Sena na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya na kwento dito ang tungkol sa kanilang mag-ina.
"Sigurado ka bang ayaw mo talaga na pmagpahatid?" nakasimangot nitong tanong sa kanya. Nag-offer din kasi ito na maghatid sa kanila. Gusto niya mang paunlakan kaso nauna na kasing mag-offer iyong kaibigan ni Niel kaya kahit mabigat man sa loob niya ay wala na rin itong magagawa pa. "Lagot talaga ako kay Ate Lexy kapag nalaman niya ito. Baka isipin non na pinabayaan lang kita dito."
Bahagya itong tumawa at mahina na tinapik ito sa braso. "Ano ka ba! Okey, lang iyon at isa pa. Alam ko namang may importanteng bagay kang pinagkakaabalahan." makahulugan nitong sabi at yumakap ito sa kausap. "Ikaw na ang bahala sa kanya." bulong pa nito.
Humiwalay na ito ng yakap at bahagyang tumingala sa ere dahil feeling niya iiyak na naman siya ng sumagi sa isipan niya ang ina.
"Kung kaya mo na siyang patawarin, nandito lang daw siya sa lugar na ito." sabay abot sa kanya ni Sena ng isang pirasong papel na naglalaman ng address ng ina. Hindi niya gusto na magmukhang bastos sa harapan ng kausap kaya kahit labag sa loob na tanggapin ang papel na iyon ay tinanggap pa rin niya. Kaagad na niya itong itinago sa loob ng bag dahil mukhang malabo naman na mapuntahan niya ang naturang address.
Kumaway na ito sa tatlo bago siya tuluyang pumasok ng sasakyan para umalis. Akala niya kanina ay kaya niya talagang pigilan na
hindi maiyak ngunit nagkakamali pala siya. Habang minamasdan niya kasi ang lugar na lilisanin nila ay mas lalo lang bumigat ang
dibdib niya.
Why is it that saying goodbyes always makes you cry like a river?
Nahinto lang siya sa pag-iyak ng biglang huminto ang sinasakyan nilang kotse. Nagtataka itong napatingin kay Niel.
"Bakit tayo huminto?" Napakislot ito. "Ji-jingle ka ba?"
Nasapo naman ni Neil ang noo para pigilan na matawa sa sinabi ni Chandria. "Hindi!" sabay hila sa kanya pababa ng kotse. Sumenyas lang ito sa kaibigan niya bilang paalam.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" hindi na niya napigilang magtanong. Medyo malayo-layo na rin kasi ang nilakad nila mula sa gilid ng kalsada. Hindi naman masyadong liblib ang lugar at mukhang safe naman puntahan ngunit ang tanong nga lang niya ay
kung may pupuntahan ba sila. Mukha kasing wala naman siyang nakikitang magandang view sa lugar na ito.
"Basta! Surprise ko sa'yo. Kaya huwag ka nang magtanong pa!" ani ni Niel na hila-hila pa rin siya.
Bigla itong napahinto kaya nabunggo tuloy siya sa mismong malapad nitong likod.
"Did you bring your phone?" Nakaharap na ito sa kanya.Tumago-tango naman si Chandria at inilabas iyon mula sa bag niya.
"Here!" at ibibigay niya na sana kay Niel ngunit natutup niya na ang sariling bibig sa nakikita. "Ang ganda!" Sobra talaga siyang
nabighani sa nakikita. Makikita mo kasi ang kabuon ng resort pati na rin ang Isla Puting Bato kapag dito ka tumayo.
"Favorite place ito ng Lola ko at sabi niya non. Dalhin ko daw dito kapag nakita ko ang 'the one ko'." sabay wink sa kanya.
Napahawak naman siya sa kanyang pisngi dahil parang sasabog ang puso niya sa sobrang kilig.