Mahigit sa kalahating minuto na rin mula ng lumapag ang sinakyan na eroplano nila Chandria at Niel at ngayon ay binabaybay na nila ang daan papunta sa mismong shop ng dalaga.
"Mahilig ka talaga sa sasakyan?" hindi mapigil ni Chandria na mapatanong habang iniikot ang tingin sa loob ng sasakyan ng binata na Ferrari na kulay matte black. Ngiti naman sinagot sa kanya ng binata dahil obvious naman kasi.
"Mas okey na sasakyan lang ang kokolektahin ko kesa sa babae, diba?" pang-aalaska ni Niel sa kanya. Nakangiting inirapan na lang niya ito at pansamantalang ibinaling ang tingin sa
Sakto naman na dumapo ang mata nito sa dati nilang bahay. May konting lungkot ang humaplos sa kanyang puso nang makita ang malaking karatula na 'For Sale' sa gilid ng gate.
"Sandali lang! Pwede bang ihinto mo muna ang sasakyan." pakiusap nito na agad naman na pinagbigyan ni Niel. Sa mismong tapat ng dati nilang bahay ipinarada ng binata ang sasakyan.
Hindi maintindihan ni Chandria sa kanyang sarili kung anong nag-udyok dito
na muling tatapak sa dating bahay nila. Simula kasi na ibeninta niya ito ay hindi na ito nag-abala pa na tingnan pa ito.
Kaya gusto niya na lagi siya ang nagmamaneho ng kanilang sasakyan ni Lexy para walang pagkakataon na mahagip pa ng paningin niya ang lumang bahay nila. Itinuturing niyang isang malaking badluck ang bahay na iyon.
"Why do we stop here?" tanong ni Niel habang nakatingin sa malaking karatula na For sale.
"It's our house before," ani ni Chandria at pumasok na ito sa gate dahil hindi naman ito naka-lock. Kaagad siyang ngumiti nang may matandang lalake na nakasalubong. "Magandang hapon po," bati niya rito sa matanda.
"Magandang hapon din sa inyo hija!" sagot nito sa dalaga. "at hijo." nang dumapo ang mata nito sa binata. Magalang naman siyang tinanguan ni Neil.
"Aba'y pumasok muna kayo," aya nito sa kanila at sabay naman silang nagpasalamat.
"Bakit po pala binibinta na po ito ng may-ari?" tanong ni Chandria na kahit nakangiti ay may konting bakas ng lungkot pa rin na lumilitaw sa maganda niyang mga mata. Mahigit labing dalawang taon din naman kasi na tumira siya dito.
"Pupunta na kasi sa America ang buong mag-anak at doon na balak manirahan." sagot ng matanda.
"Ah, Ganun po ba! Pwede po bang pumasok doon?"
Ang garden sa likod ang tinutukoy nito. Isa kasi iyon sa kanyang favorite na parte ng bahay nila noon.
"Go ahead hija," utos sa kanya ng matanda. Tumabi ito ng kunti para bigyan siya ng daan.
Mapait siyang napangiti nang makita na hindi na ito tulad ng dati. Konti na lang kasi ang bulaklak na nadito at hindi tulad noon na alagang-alaga ng Mommy niya. Marahil hindi mahilig sa bulaklak ang sumunod na nagmamay-ari ng bahay.
Isang bagay lang ang nagpangiti sa kanya, iyon ay ang swing na hanggang ngayon ay buhay pa rin. Regalo pa ito ng Papa niya noong ika-7th birthday sa naalala niya. Umupo ito kahit na may konting kaba sa kanyang dibdib na baka bigla na lang itong bumigay ngunit mukhang matibay pa
rin naman.
"I think, I was turning seven years old when they brought this house," aniya nang nararamdaman na nasa likuran na nito si Niel.
"Masayang nagtatalo pa nga sila noon kung anong pintura ang ipipinta dito. Kung ano ang furniture ang bagay sa loob ng bahay. It was really a happy house— before…ngunit mukhang malas talaga ang bahay na ito. Lagi na lang kasi siyang iniiwan.
"I want this house," nakangiting saad ni Niel.
Napa-awang naman ang kanyang labi sa narinig.
"Huwag mong sabihin— na may balak kang bilhin ito?" She chuckled.
"Bakit hindi?" kibit balikat ni Niel. "It's still a good investment. Tingnan mo, kapag dito tayo mag-papamilya sa bahay na ito. Alam kung malapit-lapit ito sa shop mo kumpara sa apartment na nirerentahan ninyo. Makakatipid pa tayo sa gasolina. Maganda pa
ang location ng bahay."
Hindi mapigilang maaliw si Chandria sa sinabi ng binata. They just met a few days ago pero pagpapamilya na yata ang mga iniisip nito.
"May bad luck nga ang bahay na ito kaya ko binenta, can't you see it." protesta naman ng dalaga. "Sa tingin ko nga wala nang magkaka-interes dito. Masyado na itong luma at ang dami ng i-repair. Mapapagastos ka pa at parang till the end hindi naman siya worth it."
"Teka nga!" kunot noo na sambit ni Niel. Nag-hand gesture pa ito ng stop sa ere. "Bakit ba ang bahay ang sinisisi ninyo? Nakatayo lang naman siya dito at hindi kayo ina-ano. Han, trust me. Kapag tayo ang titira dito
siguraduhin kong walang bad luck ang bahay na ito. I will make you happy, everyday, together with our future kids."
"S-seryoso ka talaga?" kinurap-kurap ni Chandria ang mga mata. Akala kasi nito
trip lang nitong makipag-debate sa kanya ngayon. Na used na rin naman kasi siya na palaging may ganoon sa kanilang dalawa.
"Oo naman! Bakit ayaw mo?" Seryoso talaga ang mukha nito habang nakapamulsa.
Napasinghap siya sa ere. She felt something inside her chest that she can't even explain. It seems like her heart is jumping out of joy or worried that everything right now is still a
a beautiful dream.
Tumayo na siya para lapitan ang binata. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa magkabilang balikat nito. "Na bilhin ang bahay?" malambing niyang tanong.
Napangisi naman si Niel sa sinabi niya at bigla siyang hinapit nito sa bewang para mas lalong maglapit ang kanilang mga mukha. "Ang pakasalan ka!" He murmured and brushed the tip of his nose to hers.
She giggled dahil sa sobrang kilig na naramdaman.
Humiwalay lang sila ng marinig ang mahinang pag-igham ng matanda para pukawin ang kanilang atensyon.
Medyo nahihiyang nagkubli lang sa likod ni Neil si Chandria habang papalabas na sila
ng bahay. Pareho talaga silang nakalimot na hindi lang sila ang tao sa mismong lugar.
Magalang silang nagpasalamat at nagpaalam sa matanda bago tuluyang umalis. Binigay pa nito ang number kay Niel kung sakaling interesado man ito sa bahay.
"Bibilhin mo talaga iyong bahay?" muli na naman nitong tanong.
Kunot ang noo na tumingin naman sa kanya ang nobyo. "Bakit? Ayaw mo ba
talaga?"
"Well-"
"Sabi ko na nga ba at gusto mo eh," biglang sabat ng nobyo na sinamahan pa ng nakakalokong tawa nito kaya mahina niya itong nahampas sa braso. "I honestly want that house." seryoso na ang mukha ni Niel. "at alam kong deep inside ay gusto mo
rin naman ang bahay ninyo. Let me expunge those bad memories you have and let's make good memories together." Ginagap nito ang kanyang kamay at marahan iyong pinisil.
She smiled wholeheartedly. Pakiramdam nga niya ay wala na talagang pagsidlan ang kaligayahan na nararamdaman niya ngayon. Isa-isang nawala ang bawat pangamba na meron siya at ang tanging nangingibabaw na lang sa kanya ngayon ang ay pagmamahal
nito sa binata.
****
"Finally, were here," nakangiting sambit ni Chandria nang parating na sila sa mismong gusali kung saan naroon ang boutique shop nila. Halata sa mukha nito na-miss niya nang sobra lugar. Nauna na itong bumaba at hinihintay si Niel na nag-didiskarga ng gamit niya sa trunk ng sasakyan.
Kaagad itong kumapit sa braso ng binata nang matapos na ang ginagawa. "Are you ready? Huwag kang tumakbo 'ha?" Biro pa nito habang papasok na sila ng shop.
Niel just shakes his head and smiles.
"S-surprise!" sabay-sabay na tili ng tatlo pagkabukas mismo niya sa pintuan. They heard a loud sound of party poppers pop in the air. Kasunod nito ang pagbagsak ng mga confetti sa kanilang dalawa. Balloon are tied everywhere. Tila pinaghandaan talaga nila na i-surprise siya sa kanyang pagbabalik ngunit—-mukhang ang tatlo ang na-surpresa.
"Seo Kang Joon!" biglang sambit ni Lexy na titig na titig kay Neil habang nakabukas ang bibig.
Niel slightly step backward, feeling uncomfortable. Tila kinikilatis ito ng mabuti ng dalawang dalaga sa harapan niya.
"Hindi ate, Song Kang." sabat naman ni Ana.
"Nope,mhawig talaga siya ni Seo kang Joon" giit ni Lexy na hindi pa rin inaalis ang mata sa binata.
"Song Kang nga kasi!" Ayaw namang magpatalo ni Ana.
"Tingnan mo, ang mata. Hazel eyes. Hindi naman hazel eyes ang mata ni Song Kang." si Lexy.
"Hay naku!Tumigil nga kayong dalawa!" pumagitna na si Chandria. Sa takot nito na baka mauwi pa sa sabunutan ang pagtatalo nilang dalawa. She snapped her finger sa harapan ng dalawa para pukawin ang atensyon ng mga ito. "This is Niel John Quirino, boyfriend ko."
Tila halos sabay na nalaglag ang panga nilang tatlo ng banggitin nito ang salitang boyfriend. Tama nga siya na sobra talagang magugulat ang mga ito.
"B-boyfriend?" halos hindi makapaniwala na sambit ni Lexy na nakatingin sa kanya. She happily nodded her head. "kaagad?"
Napangiti na lang si Chandria at muling ibinaling ang mata sa nobyo.
"Niel," sambit niya sa pangalan ng binata. "This is Lexy, ang nag-iisa kung best friend. This girl naman," sabay hawak sa balikat ni Ana. "is Ana. Para ko na ring kapatid ang batang ito. At syempre," yumakap ito sa tagiliran ni Nanay Bebang. "This is Nanay Bebang, ang ina/lola naming lahat."
Kinamayan naman sila ni Niel at nag-mano naman ito sa Nanay Bebang niya.
"Tumigil ka nga! Baka nakakalimutan mong ikakasal ka na!" sita ni Nanay Bebang kay Lexy nang mahuli niya itong inamoy-amoy pa ang kamay na kinamayan ni Niel. Lihim naman na natawa si Chandria.
"Mabuti pa, Chandy, dalhin mo muna ang nobyo mo sa taas para makapagpahinga. Siguradong pagod na pagod na kayo sa inyong byahe. May inihanda din kaming konting merienda doon. Ikaw na lang bahala
doon," utos nito sa kanya. "Sige na hijo, huwag ka nang mahiya," kay Neil naman ito bumaling. "Pagpasensyahan mo na ang
dalawang babae na iyan.Ngayon lang kasi iyan nakakita ng ubod na gwapo na lalake."
"Okey lang po iyon," magalang na sagot naman ni Niel. "Thank you din po sa mainit na pagtanggap."
Nauna na itong umakyat kaya sumunod na si Neil sa kanya.
Pagka-akyat nila ay inisa-isang pinasadahan kaagad ni Niel ng tingin ang kabuuan ng second floor nila.
"Madalas ka bang namamalagi dito? nanghuhula na tanong ni Niel sa kanya.
Umangat ang isang kilay nito at napangiti. "Paano mo naman nahulaan?" aniya habang nagsasalin ng egg pie sa dalawang platito.
"Para kasing bahay na sa sobrang dami ng gamit na nandidito." She laughed sabay abot ng baso ng juice sa binata. "Totoo nga talaga na kalahati ng buhay mo ay dito mo pina-
ikot." dagdag pa ng binata bago lumagok ng juice at umupo sa sofa katabi niya.
"Kailangan eh," her nose crinkle. Marahan pa nitong tinapik sa pisngi ang binata. "Hindi naman kasi tayo uunlad kung hindi tayo nagsasakripisyo."
Pilyong ngumiti naman sa kanya ang nobyo. "Dahil nandito na ako, siguro naman ay mag-iiba na." sabi nito at mas lalo pa siyang hinila palapit sa kanya.
"What do you mean?" bahagyang kumunot ang noo ng dalaga.
Biglang namilog ang mata nito ng unti-unting nilalapit ni Niel ang mukha sa kanyang mukha.
"Dapat— sa akin na kasi iikot ang kalahati non." ani ni Niel sa nang-aakit nitong boses.
Bahagya itong lumayo para pigilan ang sariling matawa. Mahina nitong pinalo sa braso ang nobyo at sinaksakan ng eggpie ang bunganga.
"Bakit? Kalahati din ba ng buhay mo ay paiikutin mo sa akin?" ani ni Chandria.
Nilunok muna ni Niel ang kinakain bago siya sumagot. "Syempre hindi," nakangisi nitong sabi.
"Ah,ganon?" humalukipkip si Chandria at tina-asan ito ng kilay.
Mas lalo lang tuloy napabungis-ngis ng tawa sa kanya ang binata. Hanggang ngayon talaga parang mystery pa rin kay Chandria na tila mas natutuwa pa talaga ang binata kapag tinatarayan niya ito.
"Hindi talaga," seryoso na naman ang mukha nito. "dahil buong buhay ko sa'yo ko lang paikutin. Ikaw na kasi ang mundo ko
ngayon."
She knows she's blushing kahit hindi pa siya tumingin sa salamin. Love? Sana ganito na lang palagi. Palagi lang masaya na tila ayaw mo nang gumalaw ang orasan.
Maya-mayang konti ay tumunog ang cellphone ni Niel. Tinatawagan na ito ni Dexter na best friend at kasosyo niya rin sa
negosyo. Nagka-problema kasi ito sa isa nilang kliyente kaya kailangan na kailangan talaga siya nito.
Naiintindihan naman iyon ng nobya kaya kaagad na nitong pinakawalan ang gwapong kasintahan.
"Kahit kailan bad timing talaga itong si Dexter," maktol ni Niel nito habang hinahatid ito ni Chandria sa labas na kinaroroonan ng
kotse nito. Ayaw pa sana nitong umuwi.
"Ano ka ba!" saway sa kanya ng nobya. "Parang hindi naman tayo magkikita bukas. Unahin mo muna ang negosyo mo dahil mukhang marami-rami din naman akong gagawin. Patas lang tayo." sabay wink sa binata.
Hindi naman umimik ang nobyo. Para itong bata na nakasimangot pa rin dahil hindi napagbigyan sa kahilingan.
"I really don't want to go!" naka-pout na tugon ng binata. "Just tell me to stay and I will." sabay yakap nito sa dalaga.
"Hay, ewan ko sa'yo!" nakapamewang na sagot naman ni Chandria at mahina nitong tinapik sa braso para pakawalan na siya. "Sige na! Go!" Taboy na nito at marahang tinulak papunta sa sasakyan. Napangiti naman si Chandria ng tuluyan na itong tumalikod. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho!" habol pa nito.
"Wala bang kahit goodbye kiss diyan?" Muli na naman itong humarap sa dalaga na nakasimangot ang mga labi.
"Ano ka ba," pinanlakihan ito ng mata ng dalaga "nasa labas kaya tayo at maraming tao."
"Eh, ano naman ang mali doon? Were couple at natural sa mag-couple ang mag-kiss." protesta naman ni Niel. Muli itong naglakad palapit sa nobya.
Mukhang wala namang magagawa si Chandria sa pangungulit nito kaya para matapos na ay pinagbigyan na lang ito ng dalaga. She tiptoed and swiftly kissed his lips.
Ngunit mukhang hindi nakontento ang binata dahil bigla siya nitong hinapit palapit at siniil ng halik. Napapikit na lang ito dahil nadadala rin siya sa masarap na halik ng binata. Natagpuan na lang niya ang sariling tumutugon na rin sa halik.
Natigil lang sila ng biglang lumabas si Ana, bitbit ang isang box na naglalaman ng basura.
Nanlaki pa ang mata ng menor de edad na dalaga ng makita sila sa ganoong tagpo kaya bigla na naman namula ang pisngi ni Chandria.
Tuluyan na nitong itinaboy ang nobyo at pumasok sa loob.
"Marami pa ba doon?" bigla siyang napapiksi sa gulat.
"Wifey, ano ba!" ingos niya habang sapo-sapo ang dibdib. "Nakakagulat ka naman eh! Anong marami ang pinagsasabi mo?"
"Katulad at kamukha ni Niel," diretsang sagot ni Lexy. "Ang gwapo naman kasi, ibang-iba ang karisma. Naku Chandy, pag-pinakawalan mo pa 'yan. Sinasabi ko sa'yo."
"Bakit anong mangyayari?" Bahagya nitong pinatabi ang kaibigan dahil nakaharang ito sa kanyang dadaanan.
"Nganga-nga ka lang naman!" sabay tawa ni Lexy na tila nakakatawang joke ang pinakawalan. "Pero masaya talaga ako para
sa'yo," ani ng kaibigan. Dahilan na rin para muli niya itong lingunin. Seryoso na rin ang mukha nito. "Hindi dahil sobrang gwapo at mukhang mayaman ang jowa mo, kundi dahil ibang-iba na ang Chandria na nakikita ko sa ngayon. Iyong ideal na Chandria na araw-araw ko talagang pinagdarasal na makita. Iyong masayahin, hindi bugnutin
at walang galit sa mundo. Pwedeng-pwede na talaga kitang bitawan, my friend."
Hindi naman mapigilan na maging emosyonal ni Chandria. Lumapit ito sa kaibigan at niyakap ng mahigpit. Ngayon niya lang naisip na all those years ay siya pa rin talaga ang inuuna nito bago ang pansariling kaligayahan.