"Finally, I'm home!" nakangiting anas ni Chandria pagbungad pa lang mismo nito sa pintuan ng kanilang apartment. Mabilis itong nagtanggal ng suot na sandals at inihagis ang susi ng apartment sa maliit na basket na nakapatong sa ibabaw ng shoe rack. Ipinasok na rin nito ang maliit niyang maleta.
Maaga talaga siyang pina-uwi ni Nanay Bebang para daw makapagpahinga siya ng mabuti. Sumang-ayon naman siya dahil ramdam na ramdam din niya ang pagod ng katawan mula pa kaninang dumating siya. Hindi niya lang pinapahalata dahil kailangan pa nitong tumulong kina Lexy at Ana sa pag-aayos sa shop nila. Nahihiya naman kasi siya dahil may limang araw siya na pahinga samantalang sige ang pagtatrabaho ng mga ito.
Kaagad na itong dumiretso sa kwarto niya at pabagsak na humiga sa kanyang kama. She's
really damn drained ngunit nagawa pa rin nitong kumilos para kunin ang cellphone sa loob ng kanyang bag.
Sa isip niya, mukhang mapapadalas na yata ang paghawak nito sa kanyang cell phone dahil kay Niel. Tiningnan nito kong may mensahe ito galing sa nobyo ngunit nadismaya itong bumangon nang makitang walang message na galing kay Niel.
Binalibag nito ang cellphone sa kama at mabilis na dinampot ang tuwalya niya to freshen up herself.
Balak nitong matulog ng maaga ngayon dahil kinabukasan, alam niyang tambak na ang kanyang mga gawain. Bago tuluyang pumasok sa loob ng banyo ay muli pa nitong sinilip ang cellphone ngunit mukhang saglit siyang nawaglit sa isipan ng nobyo. Nagkibit balikat lang ito bago tuluyang pumasok sa loob ng banyo. Iniisip nito na baka busy lang ang nobyo ngayong araw and she truly understand it.
Inabot din siya ng labing limang minuto sa paliligo. Lumabas na ito ng banyo bitbit ang maliit na tuwalya na pampatuyo sa kanyang buhok. Humarap ito sa salamin at sinimulan na ang night beauty routine nito ngunit panay pa rin ang sulyap nito sa kanyang cellphone.
Nang matapos na siya ay kaagad na itong humiga sa kanyang kama. Pinikit ang mga mata ngunit muli rin niyang dinilat. "Another five minutes," anas niya. Na ang ibig sabihin niya ay maghihintay pa ito ng limang minuto sa binata. Gusto kasi nitong marinig ang boses ni Niel bago siya matulog ngunit
lumipas na ang ilang minuto at wala pa rin.
Padabog na bumangon siya at bitbit ang cellphone ay tinungo niya ang maliit na veranda ng kwarto niya.
Tumingala ito sa kalangitan habang nakapangalumbaba. Sa kalagitnaan ng kanyang pagmuni-muni ay tumunog na ang cellphone niya.
Lumitaw ang isang malapad na ngiti sa kanyang labi lalo na nang makita pa nito ang pangalan ng binata sa screen ng kanyang cellphone.
"Bakit gising ka pa?" bungad na tanong sa kanya ng binata pagka-sagot niya mismo sa tawag. "Hinihintay mo ang tawag ko ano?"
She rolled her eyes na tila gusto na naman siyang asarin ng nobyo.
"Nope! Actually nakahiga na nga ako, eh! Nagising lang ako dahil tumawag ka." She lied.
"Liar!" narinig nitong bumungisngis ang kausap. "Nakikita kaya kita."
Bigla siyang naalarma at luminga-linga sa paligid ngunit wala naman siyang nakita kahit anino ng binata. She simply shrugged shoulder. Malay ba niya kung nanghuhula lang ang binata or gino-goodtime lang siya nito.
Akma na sana siyang pumasok sa loob ng kanyang kwarto nang mapansin ang ilang
naglalakihang balloons sa ere. Napa-awang ang labi nito nang makita ang mga iyon. May isang napunta sa direksyon niya kaya kaagad niya itong hinawakan ang tali.
"Goodnight my only star!" kunot ang noo na basa niya sa nakasulat sa balloon. Natutup niya ang sariling bibig dahil nandito nga si Niel. "Nasaan ka ba talaga?" tanong nito na
pinasadahan muli ng kanyang mata ang buong paligid.
Lumitaw naman si Niel sa tapat ng gate nila at kinawayan siya. Nakangiti ito habang nasa tenga ang cellphone. "Did you like it?" He asked.
Nakangiting tumango naman ito.
"Of course," aniya na para siyang nagkaroon ng maraming energy sa katawan. Mukhang nawala na rin ang antok nito. "Teka nga, paano mo pala nalaman ang address ko?" nagtataka niyang tanong. Wala naman kasi itong nabanggit sa binata tungkol sa kinaroroonan ng bahay niya.
"Kay Lexy."
"What?" bulalas nito. "Bumalik ka ba ulit sa shop?
"Yep! Nagbabakasakali na baka doon ka pa rin but—Lexy just told me that you go home first." ani ni Niel. Na kahit medyo madilim ay mababanaag pa rin nito ang konting dissapointment sa mukha ng nobyo.
Nalungkot din siya ng konti dahil tila nasayang nito ang oras ng binata. "Bakit kasi hindi ka tumawag?" nakanguso nitong sabi.
"I just wanted to surprise you." Niel said. "But—it's still okay. I still manage to surprise you 'thou."
Muli na naman itong napatingin sa balloon na hawak hawak. "Ilang kilo ba ng asukal ang kinain mo at ang sweet mo ngayon?"
Natawa naman ang binata sa kanyang saad.
"Ang sweet din naman kasi ng labi mo kaya nakakahawa." pilyong hirit din nito sa kanya.
"Tssh! Umuwi ka na kaya para magpahinga." Pagtataboy na niya. Gumagabi na rin kasi at magda-drive pa ito pauwi.
"Oo na! Just give me a couple of minutes more. Gusto ko pa rin na makita ka." paglalambing nito.
She smiled brightly. Ewan ba niya kung bakit sobrang expert talaga ng lalaking ito na magpakilig.
"Hmmmp! Akala mo naman, hindi na tayo magkikita bukas." nakangiti nitong irap.
"And I can't wait for that."
"Then, you should go home and sleep. Para paggising mo, kinabukasan na."
"Can I just sleep with you?" pilyong tanong ni Niel sa kanya na nagpamula na naman sa kanyang pisngi.
"Sira ka talaga! Kung ano-ano na iyong pinag-iisip mo."
"Bakit? Anong ba ang masama sa sinabi ko. We did it once, nakalimutan mo na ba? Ikaw pa nga ang sumugod sa akin." tudyo nito.
Pakiramdam niya mas lalo pang uminit ang mukha nito sa pinagsasabi ng nobyo. Lalo na ang isang katotohanan na siya talaga ang sumugod at bumuhay sa init ng katawan ng binata. Padalos-dalos ang ginawa niya pero gayon pa man ay hindi ito nakaramdam ng pagsisisi sa ginawa.
"Nagka-amnesia na yata ako at hindi ko na maalala." tumawa ito ng pagak.
Niel just shakes his head while smiling. "I love you," he suddenly said.
Napatigil ito sa pagtawa. Ngayon alam na niya kung gaano talaga ka powerful ang mga
salitang iyon. Nakaka-addict din minsan at parang kahit minu-minuto mo itong maririnig ay hindi ka talagang magsasawa na
pakinggan ito.
"I love you too," she answered back and ended the call.