Sa isang banda naman ay kanina pa paikot-ikot si Niel sa kabuuan ng resort. Hinahanap nito si Chandria dahil sabi ni Mark ay lumabas ito para maglakad-lakad ito saglit. Nakaramdam din ito ng matinding guilt dahil ilang oras din itong nagmumukmok doon sa loob ng dining area.
Laking pasasalamat na lang nga niya at nalingat nito ang grupo ni Famela kaya nakawala siya sa mga ito.
Sila nga ang mga kasama nito ngunit nasa dalaga pa rin ang isip niya. He never ever felt this kind of boredom kapag may magaganda
at nagseseksihang mga babae sa paligid niya ngunit parang nag-iba na ngayon. This kind of boredom is killing him right now.
Gusto na nitong makita ang dalaga at yakapin ito ng mahigpit.Tila sobra niya itong na miss ngayon. Naisipan nitong tawagan sana kaya lang na realize nitong wala pala itong number ng dalaga. Sinubukan niyang kontakin si Javi ngunit bigo din siya dahil wala rin itong number ni Chandria.
Napa-suntok siya sa ere sa sobrang inis sa kanyang sarili kung bakit hindi man lang niya naisipan ang bagay na 'yon. Kinukutuban na rin siya dahil baka kung ano na ang nangyari sa dalaga kahit na alam niyang hangga't nasa loob ng resort ang dalaga ay safe na safe ito sa anumang panganib.
Sa paglalakad niya ay nakarinig siya ng babaeng umiiyak. Mas domoble ang kabang gumapang sa kanyang dibdib kaya kaagad nitong hinanap ang pinanggagalingan ng boses upang matunton niya iyon kaagad.
Mas lalo pa itong nag-alala ng makilala
ang babaeng nakaupo sa mismong buhangin. Kaagad itong napatakbo at nilapitan ang babae
"Anong nangyari sa' yo? Okey ka lang ba? Saan ang masakit?" sunod-sunod niyang tanong na bakas na bakas sa pagmumukha nito ang labis na pag-alala.
Gulat na gulat din si Chandria ng makita siya nito. Napakislot pa ito na senyales na titigil na ito sa pag-iyak. Hinawakan na niya ito para alalayan na makatayo sana ngunit winakli iyon ng dalaga.
"I'm fine!" singhal sa kanya ni Chandria. "Kaya kung tumayo na mag-isa." dagdag pa ng dalaga na walang ka emosyon ang mukha.
Nagpupumilit itong tumayo ngunit dahil
sadyang masakit at mahapdi talaga ang sugat ng dalaga kaya natutumba din ito.
"Buhatin na lang kasi kita!" pagpupumilit rin niya na medyo tumaas na rin ang boses.
Ramdam nitong galit sa kanya ang dalaga kaya naging matigas ang ulo nito.
"I said, I'm fine!" singhal muli nito sa kanya na labis na niyang ikinagulat. "Kaya ko na kasi and I don't need your concern."
Tiningnan siya nito ng masama bago bumalik sa pagkaka-upo muli sa buhangin na tila umiipon na naman ng lakas.
"Pwede ba, Han, iyong pagiging maldita mo at matigas ang ulo, ipagpapabukas mo na lang iyan muna, okey?" malumanay nitong sabi. Napahilot ito sa sentido niya bago nag-temp na buhatin ulit ang dalaga ngunit sadyang matigas pa rin talaga ang ulo
nito. Winawakli pa rin nito ang kanyang kamay habang naka-upo pa rin sa buhangin. "Ano ba kasi ang problema?" Masuyo niyang tanong at naupo na rin sa tabi ng dalaga.
"Wala!" mataray pa rin nitong sagot sa kanya at nagtangka na namang tumayo ngunit napaupo na naman ito muli dahil mismong si Niel na ang humila sa kanya pababa.
"Wala? Eh, bakit ka nagkakaganyan kung wala?" ani Niel.
Isang makahulugang tingin ang ipinukol sa kanya ng dalaga na tila napapagod na rin ito sa pangungulit niya.
"Gusto mo talaga malaman ang problema ko?" kumawala muna ito ng isang buntong hininga bago ulit nagsalita. "Ikaw! Ikaw ang problema ko!" garalgal ang boses na sigaw nito habang dinuduro siya. "Sa mga araw na lagi tayong magkasama, pinaramdam mo sa akin na special ako. You make me fall for you. You make me believe in fairytales and happy endings again. Binabago mo ang pananaw ko at ang mga paniniwala ko sa sarili ko—and it's scares me now. Ayoko nang maiwan sa ere ulit Niel." at doon na humulagpos ang mga luha sa kanyang mga mata.
Niel hates when this woman cries but hearing the words from its mouth makes him happy. Gives him overjoyed. Umisog ito palapit sa dalaga. Ngumiti at pinihit nito paharap sa kanya. Masuyong hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Tinitigan ng puno ng paghanga ang mukha nito.
"Akala mo ba, ikaw lang iyong nakaramdam ng pagbabago?" he said. Dahan dahan nitong pinahid ang mga luha ng dalaga gamit ang hintuturo nito. "Ako din
naman. You also change me from my wants to my dreams.Tinuruan mo akong mangarap ulit. You show me what life should be. You make me happier and that's all I want. I can't promised you a smooth flowing love story except that I will love you at hinding-hindi
kita iiwan sa ere."
"Really?" nakangusong tanong niya. "Baka dinadaan mo lang ako sa matamis mong salita."
Bahagyang natawa si Niel at dinikit nito ang noo sa noo ng dalaga bago kinintalan iyon ng masuyong halik.
"Oo naman! Para ka talagang bata.Tingnan ko nga iyong paa mo." at dumistansya na ito ng kunti para tingnan ang paa ng dalaga. "Tsk! Ano ba kasi ang natira mo at pati bato pinatulan mo?" pabiro nitong tanong na sinimangutan lang siya ng kausap. Kinuha nito ang panyo at itinali iyon sa parteng
nasugatan para matigil ang pagdurugo.
"Eh, kamusta naman pala ang bonding ninyo ng python?" She asked while playing the tips of her hair.
Kunot noo naman siyang tiningala ni Neil.
"Who? Si Famela?" he chuckled na napatingala sa ere. "Don't tell me nagseselos ka doon?" Hindi siya sinagot ng dalaga bagkus ay seryoso lang itong nakatingin sa kanya na tila inaabangan
nito ang magiging sagot niya. "Well, ngayon ko lang naman naalala na naging schoolmates ko ang ilan sa mga babae kanina noong high school. Si Famela naman classmate ko iyon since Elementary
pa. Halos hindi ko na nga siya nakilala kanina sa tagal naming hindi nagkita. Matagal din namang naghahabol iyon sa akin, hindi ko lang pinapansin. Isa pa, hinding hindi ko papatulan ang kahibangan ng babaeng iyon. Mataas kaya standard ko sa mga babae," makahulugan itong tumitig sa dalaga sabay pisil sa baba nito.
"Hindi papatulan?" nagsalubong ang kilay nito na tila inaatake na naman ng pagiging mataray niya. "Eh, bakit ka sumama ka doon sa kanila?" Naka-ekis na ang kamay nito na tila ini-interrogate talaga siya ng mabuti dahil may nagawang malaking kasalanan.
"Well," napakamot na lang ito sa batok niya bigla. "Nakita mo naman siguro kung paano nila ako hinila. Wala akong magawa at isa
pa magiging ibang tao naman ako sa kanila kung hindi ko pinaunlakan ang imbitasyon nila. At isa pa," sabay buhat sa dalaga. "kahit naman sa kanila ako. Ikaw pa rin naman ang nasa isip ko."
Ramdam ni Chandria na namumula ang pisnge niya kaya ito na mismo ang umiwas ng tingin.
"Pero bago ko makalimutan," sandali muna napahinto si Niel sa paghakbang at pilyong tinitigan ang dalaga. "sinasagot na kita." anito.
"Eh?" mulagat na reaksyon ni Chandria. "Anong sinasagot ang pinagsasabi mo? Kailan ba kita niligawan?"
"Kanina lang," at kumibit-balikat ito. "Ikaw ang unang nag-confessed ng feelings mo kanina, remember?" Medyo nakaramdam na rin siya ng inis sa dalaga dahil blangko ang reaksyon nito. "Ah, basta!" naiinis na niyang sabi dahil sa biglaang pananahimik nito. "sinasagot na kita kaya boyfriend mo na
ako. Okay?"
Bigla namang natawa sa kanya ang dalaga sa biglaang pagkayamot niya. Mas lalong kumapit pa ito sa batok niya. "Oo na," sagot nito sa pagitan ng pagtawa. "boyfriend ko."