Chapter 13

1742 Words
“Woah! Ang ganda ng panahon ngayon, ang sarap naman maligo.” Parinig sa kanya ni Javi na pilit naman niyang ini-ignora. Wala kasi ito sa mood na maligo lalo na kulang ito sa tulog. Kasalukuyang nakalatag sila ngayon ni Javi sa tabi ng dagat habang nanunuod sa mga taong sobrang ini-enjoy ang paliligo sa mismong lugar. Binuhat nito si Natsu at inilapag iyon sa kanyang kandungan. Katulad nila tahimik lang din ito na nakatanaw sa mga tao. Napabuntong hininga na lang siya habang nakikinig sa mga malulutong na tawanan ng mga tao. Hindi na rin niya maiwasang mainggit. First time in her life na makaramdam siya ng ganito kaboring na araw at feeling niya ay any moment masisiraan na siya ng bait. Well, aminado siyang boring din ang daily routine niya dahil shop at bahay lang ang napupuntahan niya. Pero dahil tutuk ito sa kanyang negosyo kaya aminado siyang walang oras na makakaramdam siya ng pagka-boring. Sa kakalikot ng mata niya ay aksidente nitong nahagip ng paningin si Niel. May kasalukuyan itong kausap na lalake na marahil ay nasa mid-50's na ito. Mabilis nitong hinagilap ang sun glasses na dala dahil aminado siyang hindi maganda ang kondisyon ng kanyang mga mata at isinuot ito. Matapos ang halikang naganap kahapon ay hindi na sila nito nagka-usap pa muli. Paano naman kasi sila makapag-uusap kung iniiwasan niya ito. Huminga ulit siya ng malalim at nilipat na ang tingin kay Javi na ngayon ay todo ang ngiti na nakatingin sa kanya. "Anong nangyari sa'yo," kunot noo niyang tanong dito. Bigla siyang kinabahan dahil parang may ibig sabihin talaga ng pangiti-ngiti nito sa kanya. Umiling-iling ito at ngumuso sa bandang likuran niya. "May gwapong paparating," pakanta nitong sabi sinabayan pa ng ngisi. Lalo lang tuloy siyang nabahala at tila nagpapanic na naman ang puso niya. Sunod-sunod ang lunok na ginawa niya na tila kilala na nito kung sino ang tinutukoy ni Javi. “at parang hinahanap ang magandang dilag na katabi ko lang din.” Sabay turo sa kanya gamit ang palad nito. “The heck!” ingos niya at pinandilatan ito ng mata. She tried to calm down and composed herself. Malay ba niya kung gino-good time lang siya ng katabi. Dahan-dahan siyang lumingon and to her surprise. Totoo nga na palapit na sa kanila si Niel. Para itong nataranta at hindi alam kung ano na ang gagawin. Umayos na lang ito ng upo at hinubad ang suot na sunglasses. Naghagilap ng magazine. Nakagat niya pang-ibabang labi kunot noong nakamasid lang pala sa kanya si Javi. “Parang...feel kung magbasa,” ngumiti siya ng bahagya at dinampot na ang magazine. Alanganin namang tumango sa kanya si Javi. Binuklat na nito ang magazine at nagkunwaring nagbabasa ngunit sumisimple naman siyang sumusulyap sa paparating na binata. Bigla nga lang umasim ang pagmumukha niya ng masulyapan na pinapalibutan na ito ng mga naka-bikini na mga kababaihan. Mukhang nag-eenjoy naman ang binata dahil panay ang tawa at ngiti nito. Sa sobrang ngitngit na naramdaman niya ay hindi na nito napansin na nakuyumos na pala niya ang binabasa na magazine. "Pag-mahal mo kasi dapat binabakuran iyan para hindi na maagaw ng iba.” ani ni Javi na nagbabalik sa wisyo ng isipan niya. "What do you mean by that?" kumunot ang noo nito. Javi just rolled her eyes at inagaw na sa kanya ang nalamukos na magazine. Tiningnan siya nito ng mata sa mata. "Sabi ko po, ang taong mahal natin dapat diyan tinatali at binabakuran ng hindi na madali ng iba." Bahagyang nanlaki ang kanyang mata at napahawak ito sa magkabilang pisngi niya dahil alam niyang namumula na siya. "What the hell are you talking about?" Natatawa nitong sabi at matapang na tiningnan ang kinaroroonan ni Niel para patunayan dito na hindi siya affected sa nakikita. Na hanggang ngayon ay napapaligiran pa rin ito ng mga kababaihan. "Tsk! Denial." palatak ni Javi at bigla na lang siyang hinila nito patayo. “Halika na nga!” masiglang sabi nito na parang sundalo na susuong sa bakbakan. “ Teka!” Bigla itong naalarma. “Saan naman tayo pupunta?” Tanong nito ngunit hindi naman siya sinagot ng babae. Basta na lang siyang hinila nito papunta sa kinaroroonan ni Niel. Gusto niya mang magpumiglas ngunit may sa bakal din ang kamay ng babae dahil hindi na nito magawang makagalaw pa. Habang papalapit sila mas lalo lang niyang nadidinig ang malutong na tawa ng binata. Mukhang aliw na aliw talaga ito na nakikipag-usap sa mga nag-gagandahang dilag sa paligid niya. Kaagad naman silang napansin ng binata ng palapit na silang dalawa. Kumaway ito sa kanila ngunit mabilis naman siyang napa-iwas ng tingin. Naiinis ito at parang gusto nitong magtampo ngunit wala naman siyang karapatan. "By the way guys," ani ni Niel na sa kanila na ang atensyon nito. “I want you to meet, Chandria and Javi.” pagpapakilala nito sa kanila. Halos sabay-sabay namang napatingin sa kanila ang mga kababaihan. “Hi, Chandria and Javi.” Halos sabay-sabay nilang bati sa kanila. Ngumiti naman silang dalawa ng tipid bilang ganti. “Ang paplastic!” nakasimangot na bulong sa kaniya ni Javi ngunit binabalewala na lang niya kahit na may kunting katotohanan naman. Naramdaman din niya kasing hindi talaga sincere ang friendling ngiti na pinapakita ng mga ito sa kanila. Ibinaba na naman nito ulit si Natsu dahil nagwawala na naman ng makita si Niel. Nagkukumahog itong lumapit sa binata at mabilis namang kinarga nito. "Ang cute naman ng puppy," ani ng babaeng kulot ang buhok na halata namang nagpapa-cute din sa binata. "What's his name?" “Uhhm, this is Natsu.” pakilala naman agad ng binata sa tuta. “Chandria and I,” napatingin ito sa gawi niya kaya naman parang nag-uumpisa na namang kumabog-kabog ang dibdib niya. “maybe considered as his foster parents, right now.” Bahagya siyang nagdiwang sa narinig ngunit nawala din iyon ng makita niya kung papaano siya titigan ng mga babae. Iyong titig na sinusuri siya mula ulo hanggang paa. Kinikilatis bawat parte ng katawan niya at tila naghahanap kahit isang peklat lang sa kanyang katawan. Well, sorry na lang sa kanila dahil wala talaga silang makikita. Lumaban naman siya ng titigan sa mga ito. Pataasan ng kilay kung pataasan. “Niel!” tiling sigaw ng babae na parang pang-model din ang katawan at mukha. “Is that you?” Humahangos ito ng takbo dahilan na rin para tumagilid siya sa takot na masagi ng babae. Tila wala kasi itong paki-alam kung may mabunggo na tao basta ang importante lang sa kanya ay ang makarating kaagad sa tabi ni Niel. Parang sawa na pinulupot kaagad nito ang braso sa braso ng binata. Napilitan tuloy na ipakarga muna ni Niel ang tuta kay Javi sa takot na maipit ito. "I missed you— so much," maharot nitong sabi. "Saan ka kasi nagpupunta? Ang tagal mo namang hindi nagpakita sa akin," kunwari ay nagtatampo nitong sabi. Mas lalo tuloy naningkit ang mata ni Chandria. Parang gusto nitong manapak, manabunot at magpadugo ng ilong. Hindi nga lang niya pinapahalata na naiinis na ito ngayon. "Oh! I’m just busy, Ashley.” narinig niyang paliwanag ni Niel na parang hindi rin siguro ang binata sa pangalan ng babae. Pinipilit nitong tanggalin ang mga kamay ng babae ngunit mas lalo namang hinihigpitan ng babae ang pagkakapit. “Ashley?” nagsalubong ang kilay ng babae at napasimangot ito. "It's Famela for pete sake, darling." "Oh! Famela?" ang kilay naman ng binata ang nagsalubong. Mukhang sa dinami-dami kasi ng nakasalamuha niyang mga babae. Bihira lang sa mga ito ang natatandaan niya ang mga pangalan. "Okey lang naman ako. I've been so busy lately kaya hindi na ako masyadong nakakapunta sa bar ni Pareng Juke." Paliwanag nito na ikinaliwanag na ng mukha ng babae. “Oh, kaya pala!” Kumawala na ito sa pagkakapit kay Niel at dumistansya ng kunti. "By the way, Rhea is here too. And I'm so sure na matutuwa iyon kapag nakita ka. So, let's go?" kumapit na naman ulit ito sa kanya. "Tara na girls," aya na nito at hinila na ng mga ito ang binata palayo. Napalingon sa kanya ang binata na tila humihingi ng saklolo ngunit ano naman kasi ang magagawa niya. Maliban sa wala siyang karapatan at nangingibabaw pa rin ang inis niya dahil kung gugustuhin talaga ng binata na hindi sumama ay hindi talaga ito sasama kahit na ano man ang mangyari. “Ang mokong! Kunwaring ayaw ngunit gustong gusto naman!” pabulong niyang himutok sa sobrang inis. Hinagilap nito si Javi ngunit wala na ito sa kanyang tabi. Naka-upo ito sa isang bench na nandoon sa gilid habang may kausap na foreigner. "Ako na lang talaga ang mag-isa!” nakasimangot na usal nito. Gusto niya sanang kunin si Natsu kay Javi pero nahiya naman siyang estorbohin ang mga ito. Sa nakikita niya kasi parang pareho namang nag-eenjoy ang dalawa habang nag-uusap. Nagdesisyon na lang itong sa loob ng dining area ng resort magpalipas ng oras baka matempyuhan pa nito si Mark na hindi busy. At Least may makaka-usap naman siya kahit papaano. Nakita nito ang binata sa counter kaya kaagad siyang lumapit at naupo doon. “Nasaan na po si Sir Niel?” bungad na tanong kaagad sa kanya ni Mark nang nakaupo na ito ng maayos habang nakapangalumbaba. Marahil ay nagtataka din ito kung bakit nag-iisa lang siya. “Ayon, busy sa python niya.” Nakasimangot niyang bulong sa sarili habang nilalaro-laro ang keychain na bigay sa kanya ni Niell. Kalaunan ay umayos na rin ito ng upo at nginitian si Mark. Umorder ito ng malamig na maiinom at kalaunan ay nagpaalam na rin sa binata dahil mukhang busy na rin ito. Naglakad-lakad na lang muna siya dahil sumakit na rin ang pwet niya sa kakaupo. "Pesteng python ka!" Mura nito habang gigil na gigil na pinagsisipa ang mga buhangin na madadaanan ng paa niya. "Peste ka ring Niel ka!" Mura ulit nito sabay sipa ngunit sa kasamaang palad. Hindi na buhangin ang nasipa niya kundi bato. Napa-ungol ito ng malakas sa sobrang sakit. Umupo ito sa buhangin at tiningnan ang paa niya. Maliit lang naman ang sugat pero hindi pa rin niya napigilang maiyak. Parang bata itong umiiyak dahil sa nadapa. Hindi na rin niya alintana kung may makakadinig sa kaya o ay makakita sa kanya . Ang importante ay gusto nitong umiiyak dahil parang merong mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya at ang pag-iyak lang ang tanging lunas nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD