Napangiwi kaagad si Chandria nang makita sa salamin ang makapal na eye bags nito. Halata talagang wala siyang tulog at isa lang naman ang naisip niyang may kasalanan nito, si Niel. Hindi talaga siya pinatulog nito kagabi dahil kahit anong pikit ang gagawin niya ay hindi talaga maalis sa isipan niya ang banta ng binata. Ang gwapo nitong mukha at iyong inakala niya na hahalikan siya ng binata. Ilang beses siyang napa-iling dahil parang hindi ito makapaniwala dahil biglang sumilay ang ngiti sa kanyang labi habang naiisip iyon.
Muli na naman siyang nahiga ulit ito sa kama at ipinikit sandali ang mga mata. Dinama ng maigi ang dibdib at pilit pinakikiramdaman ang nararamdam. At kahit anong gawin nito ay talagang nahuhulog at nahuhulog talaga ang loob niya sa binata.
Napabalikwas lang siya ng bangon ng marinig ang pagkahol ng tuta. Nagwawala ito sa sahig at tila nagpapahiwatig na gusto na niyang lumabas. Isang masiglang ngiti ang ipinukol nito sa tuta dahil bigla na lang itong sumigla. Parang nagka-milagro at tahimik siyang nanalangin na sana ay magtuloy-tuloy lang.
Nilapitan niya ito para patahanin dahil naririnig iyon sa labas. Akalain pa ni Niel ay pinapabayaan nito ang tuta. "Sandali lang, honey, maliligo lang si Mommy," kausap nito ang
aso na parang anak niya talaga. "After niyan lalabas na tayo, okey?” binigyan niya ito ng dog food kaya tumahimik na rin ang tuta. Bahagya siyang napangiti dahil ganado na ito kung gumalaw. Hindi kagaya kahapon na parang hindi ito maka-kilos dahil sa mga sugat.
Ilang minuto lang naman ang lumipas at natapos na siyang maligo. Kaagad itong nagbihis ng high waisted na maong shorts at kulay puti na hanging crop top na may printang malaking star na
kulay blue sa harapan. Ang suot-suot niyang flat sandals kahapon ay siya pa ring pansapin niya sa paa. After maayos ang sarili ay dinampot na nito ang bag. She checked all the items inside at
nang masigurado na nito na nandoon na ang lahat ay isasara na sana niya nang mahagip ng kamay nito ang keychain na bigay ni Niel. She looked at it with full happiness coming out in her eyes.
Hindi niya maitatangging nagustuhan talaga niya ang simpleng regalo nito at maaring pati na rin ang nagbigay. Napasinghap siya sa hangin saka naisipang ikabit na lang iyon sa isang zipper ng drawstring bag niya na parang lucky charm.
****
Meanwhile….
Kampante lang naka-upo si Niel sa labas na bahagi ng dining area ng resort. Kasalukuyang nag-almusal ito habang nasa laptop ang mga mata. Bigla din nitong sinara dahil tila wala pa sa kondisyon ang kanyang utak. Parang ukopado pa rin ito.
Nangingitim rin ang ilalim ng kanyang mata dahil hindi rin ito nakatulog sa kakaisip sa dalaga kagabi. For the first time in his life ngayon lang siya nangamba na mabasted at kung sakaling mangyari man iyon, baka mabaliw talaga siya. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at tumayo. Nakapamulsang tinanaw nito ang karagatan habang hawak-hawak ang mug na may laman ng kape.
Isinuot nito kulay puti na airpods at nagpatugtug ito ng isa sa paborito niyang kanta na "Dying inside to hold you by :Timmy Thomas.
Magmula pa kagabi hanggang ngayon ay hindi pa rin mawaglit-waglit sa isipan niya ang dalaga. He deeply sighs and whispers some words in the air . "Mahal na yata kita, Chandria."
‘When I turned to leave
I Couldn't believe my eyes
Standing there I didn't know what to say
Without one touch
We stood there face to face.’
The lyrics of the song really expressed what he felt from the first time he saw her. Hanggang sa makita na niya ito sa malapitan. First time niyang makaramdam ng ganoon sa buong buhay
niya. Iyong tipong parang tumigil ang kanyang mundo.
Sakto naman sa paglingon niya sa bandang kanan ay nakita na niya itong papalabas sa lobby. Karga-karga na nito si Natsu at hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa mapupulang labi nito. And speaking of labi, he just suddenly groan. Labis talaga itong nanghihinayang na hindi nito itinuloy ang inu-udyok ng dibdib niya. He lost the chances kaya hinayaan na lang niya na
mabusog ang mga mata sa kakatanaw sa dalaga. After all parang hindi rin naman niya kayang mawala pa ito sa paningin niya.
Nakatanaw din ito sa karagatan at biglang napa-pikit. Naka-ngiti ito habang nilalanghap ang preskong hangin na nagmula doon. Hindi na siya naka-tiis at natagpuan na lang ang sariling
naglalakad na ito papunta sa dalaga.
“Hi!” nakangiti nitong bati sa dalaga. Halatang nagulat niya na naman ito pero atleast this time ay nginitian na siya pabalik.Tipid na ngiti nga lang pero mas okey na rin iyon kaysa sa tarayan siya. Marahan nitong binaba si Natsu dahil tila nagwala ito ng makita siya. Kaagad siyang nilapitan ng aso at buong galak naman niya iyong kinarga habang marahang ginulo-gulo
ang balahibo nito. “Miss me?” he talked to the puppy ngunit nasa kay Chandria naman ang mga mata.
Nahuli niya itong umiwas ng tingin at kumaway kay Javi nang makitang papunta ito sa kinaroroonan nila.
"Good morning po," masiglang bati kaagad ni Javi sa kanila at nginitian din naman nila.
“Wala kang pasok ngayon?” manghang tanong ni Chandria. Napansin siguro nitong hindi naka-uniporme ang bagong dating.
"Nalipat na naman po kasi sa pang-gabi ang duty ko," nakanguso nitong sagot at mukhang ikinatuwa naman iyon ni Chandria. Bigla kasing umaliwalas ang mukha nito.
"Eh, di mabuti iyon! May makakasama akong mamasyal." tila na-excite pa ito. Lihim naman siyang nadismaya parang ayaw na kasi siyang makasama ng dalaga. Mukhang nabasa naman ni Javi ang laman ng utak niya dahil nangusap ito sa ere na siya na ang bahala.
“Naku! Ma'am ganda!” makahulugan itong kumindat sa kanya. “total nandito naman po si, Sir Neil, bakit hindi na lang kayo sa kanya magpasama. Mas marami pa po iyang alam na pasyalan ditokaysa sa akin."
Sumimangot ang mukha ni Chandria sa sagot ni Javi habang siya naman ay ngiting-ngiti itong napa-thumbs up kay Javi. Mabuti na lang at magaling itong magbasa ng utak ng tao.
Maya-maya lang kunti ay iniwan na rin silang dalawa ni Javi. Kumunot lang ang noo nito nang makitang nakatingin ito sa mga batang nagpapalipad ng saranggola. Bakas din sa mukha nito ang pagka-inggit at parang hindi rin niya kayang makita ito na malungkot.
“Gusto mo rin magpalipad?” biro niya baka sakaling mapangiti niya ito.
“Pwede?” excited na baling ng dalaga sa kanya na halos umabot na sa tenga ang pagkakangiti nito. Para tuloy nalaglag ang panga niya at mukhang mapapasubo na naman siya. Ang sa kanya lang naman kasi ay biro lang. Hindi niya akalaing may balak pala ito. "Saan ba pwedeng makabili non? Bili din tayo!" Para itong bata na sobrang na excite na bumili ng laruan.Palihim tuloy siyang napahinga ng malalim. Kahit kasi siya ay hindi alam kung may mabibilhan niyan dito. Sa pagkakatantiya niya kasi parang sariling gawa lang ng mga bata ang saranggola nila.
"Hintay ka lang dito at magtatanong ako," nasabi na lang niya at pinuntahan na kaagad ang mga bata. Dumukot ito ng limang-daang peso sa bulsa at ibinigay iyon sa mga bata para bilhin ang saranggola nila. Mabuti naman at naintindihan din siya ng mga ito kahit na medyo nahihirapan itong mag-bisaya.
"Alam mo ba kung paano paliparin ‘yan?" nguso nito sa ngayo’y hawak-hawak niyang saranggola. Napangiwi siya dahil sa totoo lang first time niya rin na magpalipad ng saranggola.
"Subukan na lang natin," alanganin niyang sagot. Ayaw naman kasi niyang magsinungaling para magpasikat lang. Pinakawalan muna nila si Natsu dahil sigurado naman silang hindi ito
lalayo. Pinapili niya rin ang dalaga kung ito ang hahagis sa ere ‘o hahawak sa tali. Kahit na walang choice naman talaga ang dalaga maliban sa ito ang hahagis sa ere. Hindi naman kasi nito kaya ang magkontrol sa tali, masusugatan lang ang malambot nitong kamay.
“Bakit hindi pa rin makalipad?” reklamo na kaagad ni Chandria sa kanya nang naka-ilang hagis na sila sa ere at hindi pa rin nila ito mapalutang. Basta-basta na lang itong bumabagsak.
"Medyo lakasan mo pa kasi ang pagkahagis," sagot naman niya na medyo tagatak na rin ang pawis. Idagdag mo pa na pinagtatawanan na sila ng mga bata nanonood lang sa kanila.
"Okay, suko na ako!Ayoko na!" Binitawan na nito ang saranggola at hapong-hapo na umupo sa buhangin.
Wala naman siyang choice kundi bitawan na rin ang tali.
"Ayoko na rin," nahihingal niya ring sambit at tumabi ito ng upo. Nagkatinginan sila at sabay ring napatawa. Hindi na rin masama ang loob niya dahil nasayang lang ang 500 niya dahil
kahit papaano nagawa rin nitong mapangiti ang dalaga.
"What's next? Saan mo ako susunod na ipapasyal?" she asked na mas lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti.
“Hmmmm, let’s see.” aniya. He rubbed his chin habang nag-iisip. "Let's go!" aya na niya. Hindi na nito sinabi kung saan sila pupunta para may surprise. Mabuti na lang at hindi na rin
nangulit ang dalaga sa kanya at matiwasay itong sumama.
Dinala niya ito sa Giant Aquarium na medyo malapit lang din sa mismong resort. Isa ito sa mga dinadayo rin ng mga turista dahil parang nasa ilalim ka lang daw ng dagat. Which is really true.
"Wow!” manghang bulalas nito habang nakangiting pinagmamasdan ang iba't-ibang kulay ng mga isda. Parang bata rin ito na binibilang ang bawat isda na makikita. Kaagad itong puwesto sa
may malaking estatwa ng Sirena pagkakita nito. "Kunan mo naman kami ni Natsu ng picture," paki-usap nito sabay abot ng phone nito sa kanya. Magiliw naman niya iyong sinunod at maayos na kinunan ang dalawa. "Tayo namang tatlo," friendly nitong pagkakasabi na tila may kunting pang-aalangan din.
"Sure!" Excited naman niyang tugon.Na halos umabot na sa tenga ang pagkakangiti niya. Ito naman talaga kasi ang hinihintay niya.Ang makapag-selfie para may picture naman silang tatlo. Dumikit ito ng kaunti sa dalaga at mas lalong nilakihan ang ngiti. Siya na mismo ang humawak sa cellphone nito. “Okay! One…two…three!” sabay click.
"It’s not bad!” nakangiting komento ni Chandria matapos makita ang picture na kuha niya.
Pagkalabas nila ng Giant Aquarium ay sakto namang nasa labas na si Javi at kasama na rin si Mark. Parehong kumunot ang noo nilang dalawa pagka-kita sa dalawa. Lalo na nang makitang may bitbit ang mga ito ng water gun.
"Ano ang gagawin ‘nyo diyan?” tanong ni Chandria sa kanila.
"Ah, ito po ba?” si Mark. “Yayain po sana namin kayo ni Javi na maglaro ng water gun fight doon sa garden. Isa rin po ito sa nirerekomenda naming paglibangan ng mga guest. Para po siyang larong pambata pero mag-eenjoy naman kayo kahit papaano"
"Yes po!” si Javi. “Syempre kung may laro may premyo din dapat. Kung sino ang pinaka-basang basa sa ating apat, siya ang talo. Dahil sa talo siya, kailangan niya tayong ilibre ng
hapunan. Ano sa tingin ninyo?"
“Game!” mabilis niyang tugon at ngumiti kay Chandria ng nakakaloko.
"Game!” palaban din na sabi ni Chandria. Tina-asan siya nito ng kilay na nagpapahiwatig na hinding-hindi ito magpapatalo.
Nang makarating na sila sa mismong garden ay isa-isa na silang binigyan ni Mark ng water gun. Pinakawalan na rin muna nila si Natsu at parang may isip din ito na umupo lang din sa gilid. Naka-abang sa kanilang apat. Javi counted one to three para hudyat na nag-uumpisa na ang
laban ngunit hindi pa natapos ang pagbibilang niya ay nauna na siyang binasa ng dalaga at tumakbo palayo para magtago. Hinabol naman niya ito para gantihan na rin. Habang sina Javi at Mark ay naiwan pa rin sa kanilang kinatatayuan.
“Tsk!” palatak ni Javi habang umiling-iling na nakatanaw sa dalawang papalayo. “Para talaga silang may sariling mundo.” Lumingon ito kay Mark at inunahan na rin nitong basain
bago tumakbo palayo.
Sa kanilang paglalaro ay hindi na rin namalayan nilang dalawa na masyado na pala silang nakalayo. Niel squeezed his water gun ngunit naubusan na pala ito ng laman.
"Oops! Naubusan na siya," natatawang sabi sa kanya ni Chandria. “Patay ka sa akin ngayon!” Nakangisi itong lumabas na sa pinagtataguan na puno ng niyog.
Dali-dali namang napa-atras si Neil at naghanap ng matataguan nang mahagip ng mata nito ang mahabang hose ng tubig.
“Not yet,” nakangisi niyang sabi sabay dampot ng hose at ipinakita iyon sa dalaga. Nanlaki naman ang mata nito ng makita Iyon.
“Ang daya mo naman,” nakasimangot nitong sabi at siniksik muli ang sarili sa niyog na pinagtataguan din kanina.
Tinawanan lang iyon ni Neil at sinimulan na ring sabuyan ng tubig ang pinagtataguan nito. Marahil hindi na rin natiis ng dalaga at lumabas din ito. Nakipag-agawan na lang ito ng hose sa binata. Iniwas-iwas naman iyon ni Neil sa pamamagitan ng pagtaas nito sa ere.
Kahit medyo naiinis na rin ng konti dahil sa pandaraya ng binata ay hindi na rin nito naiwasang matawa na lang. Masyadong matangkad si Neil para maabot kaagad nito ang hose ng tubig kaya
tumalon-talon na lang ito para maabot iyon.
Sa kanyang pagtalon ay hindi inaasahang na-out of balance ito. Mabuti na lang at mabilis siyang hinapit sa bewang ni Neil dahilan na rin para mas lalo silang magkalapit. Halos mga isang
dangkal na lang ang agwat nila sa isa't isa at kapwa na nila nadidinig ang pintig ng puso ng bawat isa.
Titig na titig si Neil sa mapupulang labi nito habang panay naman ang lunok ni Chandria.Pakiramdam nila parang sandali muna nilang pinatigil sa pag-ikot ang mundo.Wala na silang paki-alam kung nasaan sila at kung may makakakita man sa kanila.
Biglang napasinghap si Chandria ng mas lalong hapitin siya nito sa bewang na lalong nagpalapit sa kanila. Konting ihip lang ng hangin siguradong magdidikit na talaga ang mga mukha nila.Nalalanghap na rin niya ang mabangong hininga ng binata na
mas lalo lang nagpawala sa kanyang katinuan.
She gently closed her eyes when his lips gently touched hers. Iyon ang kauna-unahang halik na naranasan niya kaya hindi pa rin niya maiiwasan na hindi kabahan. Ngunit mas nanaig pa rin
ang sinisigaw ng kanyang damdamin. Ibinuka nito ang bibig para tugunin ang halik ng binata na habang tumatagal ay palalim ng palalim. Aminado siyang magaling humalik si Niel kaya nagawa
nitong mapawala siya sa kanyang katinuan.
Napahawak na ito sa batok ng lalake para makahanap ng makakpitan dahil pakiramdam niya. Any moment ay bibigay na talaga ang tuhod niya. Bigla siyang napadilat at nanlaki ang mata nang kusa na mismong lumayo ang binata sa kanya. Hinihingal na napa-atras ito ng kaunti para matitigan siya ng mabuti.
Umiwas siya ng tingin, parang ngayon lang siya nakaramdam ng hiya. Kumalas na ito
sa pagkakayapos sa binata at marahang kinarga si Natsu na hindi niya rin alam kung paano ito nakasunod sa kanila. Mabilis ang mga hakbang na ginawa niya dahil talagang sobrang nahihiya
siya sa nagawa. Naririnig niyang tinatawag siya ni Javi pero mas pinili na lang nitong hindi lingunin ang babae at ipinagpatuloy ang paglalakad.
Mabilis itong nakabalik sa loob ng hotel at halos takbuhin niya ang kinaroroonan ng elevator paakyat sa kanyang kwarto.
Nang marating nito ang loob ng kwarto ay pabagsak itong nahiga sa kanyang kama. Tulala pa rin itong nakatitig sa kisame. Mariing napa-pikit dahil hindi niya alam kung may mukha pa itong ihaharap sa binata. Gustuhin niya mang itanggi sa sarili ngunit kusang-kusa na talagang lumalabas sa mga ikinikilos niya na nahuhulog na ito sa binata.
Napa-pitlag na naman siya ng biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong dinampot sa kanyang paanan ng makitang si Lexy ang tumatawag. Pero bago sinagot ay huminga muna ito ng malalim para pakalmahin ang sarili.
“Ano bang ginawa mo at tagal mong maka-sagot?” sita kaagad sa kanya ni Lexy na hindi man lang siya nito ipinag-hello.
"Namamasyal ka ba diyan ‘o baka naman nagkukulong ka lang diyan sa loob. Naku! Titirisin na talaga kita kapag yan lang ang pinag-gagawa mo.”
“Ano ba!” nakanguso niyang ingos. "Hindi ako nagkukulong dito, okey?"
"Good, eh bakit ganyan ang boses mo? Ang tamlay. May umaway ba sa’yo?"
Mabilis siyang napa-iling at parang matatawa. Kahit kailan kasi, tagapagtanggol niya talaga ang kaibigan.
"Ano kasi..." nag-aalangan na naman siyang magsabi. Huminga ulit ito ng malalim para makabwelo. "I think I'm in-love." Derecho niyang sabi at mariing napapikit. Inihahanda na ang tenga sasasabihin ng kaibigan ngunit iba ang narinig niya.Tila may nahulog. "Okey ka lang ba? Anong nangyayari?" Natataranta niyang tanong nang marinig nitong dumadaing ng sakit si Lexy.
"I'm fine...ano nga ulit iyon?" si Lexy.
“I said, In-love ako!” ulit niya na halos ibulong na lang niya. Isang malakas na tawa naman ang pinakawalan ni Lexy dahilan na rin para ilayo niya sa tenga ang cellphone.
"Then, what's wrong about it?" ani ni Lexy.
“What's wrong about it?” pag-uulit niya na mulagat ang mata. "Lex naman! I'm serious." Naiinis niyang saway. Ito pa naman ang una niyang sinabihan tapos aalaskahin lang pala siya. "Namomroblema na kaya ako at kasalanan mo ito. Kung hindi mo ako pinapunta sa lugar na ito. Hindi ako mamomoroblema ng ganito."
Mas lalo lang tuloy siyang nainis dahil mas lalong lumutong lang ang tawa ng kaibigan sa kanya.
"Please calm down, my dearest Chandy!” finally tumigil na ito sa kakatawa. "Ano, gwapo ba?” nanunudyong tanong nito.
She rolled her eyes and released a sigh. Parang gusto niyang pagsisihan kung bakit sinabi niya pa ito sa nag-iisang kaibigan.
“Well,” she cleared her throat. "yes."
Nailayo ulit niya ang cellphone sa tenga dahil sa biglaang impit na tili na naman ang pinakawalan ni Lexy. Mukhang ito pa ang labis na kinilig sa sitwasyon niya.
"Iyon naman pala eh! Then relaxed! Wifey, pag-ibig lang iyan. Hindi mo iyan ikamamatay o ikakagunaw ng mundo, Okey? Ganito na lang," Lexy suddenly paused para lumunok ng laway. "Kalimutan mo muna sandali kung ano man ang agam-agam na meron ka. Try to loosen up at namnamin ang mga moment na ganyan. Okey? Sige na, Ken is already here. May lakad pa kami.” at nagmamadali na niyang dinis-connect ang call.
She released a deep sigh again at marahang pumikit. Nanumbalik na naman sa isip niya ang halikang naganap kanina at bigla siyang napangiti. Napabalikwas din kaagad ng bangon at umiling-iling para itaboy ang pilit pumapasok sa kanyang isipan. Kaagad itong bumaba ng kama para paka-inin na lang si Natsu.