Chapter 11

1882 Words
Nang mapagod sa kakasigaw ay muli itong umayos ng higa at tumitig sa kisame. Isang ngiti na naman ang namumutawi sa kanyang labi ng sumagi sa kanyang isipan ang pinagsasabi ng binata sa kanya kanina. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang gwapong mukha ng binata na parang kahit saang anggulo ng kwarto siya tumingin ay nandoon ang mukha ni Niel. “Nababaliw na siguro ako!” hindi niya mapigilang ibulalas ng medyo kumalma na ang kanina’y nagwawala niyang puso. Bahagya nitong sinilip ang tuta na ngayon ay tahimik lang itong naka-hilata sa loob ng carrier. Tila masarap ang tulog nito kaya pansamantala muna niyang hinayaan ito. Bumalik ulit siya sa pagkakahiga at pilit na pinahihinga ang sariling mga mata at isipan ngunit napabalikwas din siya ng bangon nng makarinig ng katok sa pintuan. Kahit nagtataka ay bumangon naman ito para pagbuksan ang kumakatok pero bago ‘yon, inayos niya muna ang sarili. “Bakit?” naiilang niyang tanong ng makita kung sino ito. "Samahan mo akong mag-dinner," aya ni Niel. Hindi katulad niya nakatingin ito sa kanya ng diretso na parang walang nangyari. "Uhmm!” napakagat ito ng labi niya at nilingon ang tuta. “Aayusin ko lang iyong tulugan ni Natsu at susunod na ako,” sabi niya at pinilit na ngumiti para matakpan ang pagka-ilang nito sa binata. “Okey!” nginitian din siya nito bago tumalikod. Agad itong napasandal sa pinto ng kanyang kwarto pagkasara nito sa pintuan. Pinaypayan nito ang sarili gamit ang sariling kamay. Naka-aircon naman ang kanyang kwarto pero tila nag-iinit naman ang kanyang mukha. Bigla na naman ito nakaramdam ng pagpapanic. Hindi ito makapag-isip kung paano pakakalmahin ang sarili na hindi kabahan mamaya sa muli na naman nilang paghaharap. Nginangatngat nito ang sariling kuko nang masulyapan ang tulog na tuta at saka niya lang din naalala na aayusin pa pala niya ang tutulugan nito. Marahan nitong nilagyan ng kumot ang tulog na tulog na tuta sa takot na magising niya ito. Bago lumabas, ang sarili na naman niya ang pinagtuunan ng pansin. Mabilis nitong sinuklay ang buhok at naglagay ng konting pulbos sa mukha, mukhang nagmamantika na rin kasi ang pisnge niya. Pagkabukas nito ng pinto ay nadatnan niya kaagad ang binata na nakasandal sa pader. “Shall we,” ani niya sa binata. Nginitian naman siya ni Niel at nauna na itong humakbang papasok sa loob ng elevator. Muli na naman pumagitna sa kanila ang katahimikan kaya lihim na lang niyang sinulyapan ang binata na nakatingin lang ito ng diretso sa pintuan ng elevator. Naamoy na naman nito ang mabango nitong pabango at tila bagong ligo lang din ito. Bigla tuloy siyang nahiya dahil tila amoy pawis na rin siya. Ilang minuto rin ang inilagi niya sa loob ng kanyang kwarto pero hindi nito naisipang maligo muna. “Han?” Niel snapped his finger in front of her face. Nasa dining hall na pala sila ngunit hindi niya iyon naramdaman dahil kung saan na naman naglalakbay ang kanyang isipan. “Yeah, sorry!” aniya at nauna na itong humakbang palabas. She wave her hand to say hello to Levy nang namataan ito ng kanyang mata na nandoon rin sa mismong dining area. Of course kasama nito si Ezekiel at ang dalawa nilang kaibigan. Sumimangot siya ng konti ng inismiran ito ng babae. Hindi na lang niya dinamdam iyon. “Do you know them?” Niel asked her while pulling out the chair for her. “Yeah,” tipid niyang sagot at hindi na idenitalye kung paano niya nakilala ang mga ito. Since Levy is impossible to be her friend. May pagka-childish yata ang dalaga at tila may pagka-maldita rin. Matapos siyang makaupo ng maayos ay naupo na rin ang binata katapat niya. Lumapit ang waiter sa kanila para iabot ang menu. “What do you want to eat?” tanong ni Niel sa kanya habang nasa menu ang mga mata. She looked at the menu. “One tuna pasta salad, please.” nakangiti nitong sabi sa waiter. “How about your drinks ma’am?” tanong ng waiter sa kanya. Muli na naman siyang napatingin sa menu. “Just give me watermelon juice.” ani nito at ibinigay na ang menu book sa waiter. Kay Niel naman itinuon ng waiter ang tingin nito kaya iginala muna niya ang paningin sa kapaligiran niya. Maya-maya lang konti may nakita siyang magandang babae na nakasuot ng itim na bodycon dress. Maikli ang buhok nito at kulay blonde. Tila papunta ito sa kinaroonan nila ni Niel. Matamis itong ngumiti sa kanya ng magkasalubong ang kanilang mga mata. “Hi everyone!” bati sa kanila ng magandang babae. “I hope you're enjoying your stay here.” “Cara!” nakangiting bati ni Niel sa babae at nakipag beso ito. “By the way, this is Chandria.” pakilala sa kanya ng binata ng dumapo ang tingin nito sa dalaga. “Hi, Chandria. I’m Cara Lopez, owner of this resort. I hope you're happy and enjoyed our service.” sabay lahad ng kamay nito para makipag-kamay kay Chandria. “It’s nice to meet you too,” ganting bati naman ni Chandria at tinanggap ang pakikipagkamay ng babae. Bigla itong napa-isip bigla dahil tila familiar sa kanya ang mukha ng babae pati pangalan nito. Parang nabasa na niya ito sa isang magazine ngunit nakalimutan niya kung sino ito. “Well, maiwan ko muna kayo and enjoy your meal.” paalam ni Cara sa kanila at isang makahulugang ngiti ang ipinukol nito kay Niel bago umalis. “I think I saw her somewhere.” ani ni Chandria. “I think so,” nakangiting sang-ayon ni Niel. “She’s just the wife of Dylan Caleb Lopez. I hope you know him too.” Napa-awang ang bibig nito. “Oh my God!” she snapped her finger in the air. “Sabi ko na nga ba at pamilyar ang mukha niya. “Sino naman ang hindi nakakakilala sa may ari ng isa sa pinaka-sikat na 5-star hotel sa mundo. Paano mo pala nakilala ang wife niya? Is she one of your exes?” Napa-ubo naman si Niel sa huling tanong ng dalaga. “No!” madiin nitong tanggi. “Dylan and I are friends. Isa ito sa mga customer ko.” Sunod-sunod na tumango si Chandria bilang pagsang-ayon sa sagot ng binata. Maya-maya lang ay dumating na rin ang mga inorder nilang pagkain. Muling napa-awang ang labi ng dalaga ng halos mapuno ng pagkain ang kanilang inuukopahang mesa. "Ang dami mo namang inorder!" puna niya sa binata. “Mauubos mo ba ‘yan lahat?” Bahagya namang natawa sa kanya si Niel. “Anong ako lang, pagkain natin ito lahat.” pagtatama nito. “Bawal ang diet ngayon,” dagdag pa niya habang nilalagyan na siya nito ng pagkain sa kanyang plato. "Alam mo ba kung bakit?" Kumunot naman ang noo niya at napa-isip ngunit wala siyang naisip at parang hindi siya nag-iisip sa ngayon.Tinatamad ang mga brain cells niya. Parang gusto lang nitong makita ang mukha ng binata at marinig ang boses nito. “Ano naman iyon?” nakanguso niyang tanong. Naaaliw naman siyang tiningnan ng binata. Parang sinasabi nito na bakit hindi niya alam ang sagot. "Ang pagdating ni Natsu," diretsong sabi nito at para siyang natauhan bigla. Natawa ito ng bahagya sa sarili dahil muntik na niyang makalimutan na may tuta pala sila. Nawawala na talaga siya sa kanyang sarili. "Oo nga pala, we need to celebrate dahil dumating siya sa buhay natin." she said kahit may konting lungkot na humaplos sa kanyang puso. Alam kasi niyang, hindi rin magtatagal ang tuta sa buhay nila. Pinilit nitong ngumiti at sinimulan na nitong kainin ang nakalagay sa plato niya. "Mauubos kaya natin ito lahat?” bigla siyang napatanong after makalunok ng isa. Nag-alala kasi ito na masasayang ang pagkain at diet pa naman siya. "Bakit? Natatakot ka bang tumaba?" may bahid ng pang-aasar na pabalik na tanong sa kanya ni Niel. Sinamaan niya ito ng tingin dahil mukhang bumabalik na naman ang pagiging bully nito. "Don't worry, you're still beautiful even if tumaba ka." Napa-ubo siya bigla at mabilis naman siyang inabutan ng tubig ni Niel. Walang pag-alinlangan na kinuha naman niya iyon. "At alam mo bang masarap mahalin ang mataba ngayon?" dagdag pa ng binata na tila inaasar talaga siya. “Bakit ba?” ani niya. “Kasi may unan ka na may kumot ka pa. So, saan ka pa.” Ngumisi ang binata na tila tuwang-tuwa ito sa sinabi. Ewan ba niya at tila nagpanting iyon sa tenga niya kaya parang nawalan na ito ng gana. Naiinis siya na ewan. "Totoo pala talaga siguro iyong kasabihan na ‘boys just good in words’’’. Umayos ito ng pagkaka-upo at pinag-krus ang mga braso. Mukhang nakaramdam talaga ito ng pagka-pikon. "Ang mga lalake talaga, magaling lang sa salita pero hindi naman kayang panindigan. As if naman may tatanggap sa’yo kung puro kapintasan ang nakikita sa katawan mo," she rolled her eyes at inayos na ang kanyang kubyertos sa gilid ng kanyang plato. Palatandaan na hindi na ito kakain pa. "Meron naman," giit ni Niel. "Maliban sa’yo?" tumaas ang sulok ng labi ni Chandria na tila nanunuya sa taong kaharap. Napatigil na rin sa pagkain si Niel at huminga ito ng malalim. Parang na sense na rin nito na mauuwi na naman sa away ang usaping ito. Hindi niya ito nilubayan ng tingin. “Mata ang unang nagmamahal, Mr. Quirino.” Sumandal siya at pinag-ekis ulit ang mga braso na hindi pa rin ina-alis ang mga mata sa binata. "Tama ka!" tipid namang sabi ni Niel at sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang labi. "Kaya nga unang kita ko pa lang sayo, tinamaan na ako." Napakurap siya na parang hindi na naman makatingin ng diretso sa binata ngunit lumaban pa rin siya ng titigan. Hinding-hindi na siya patitinag kahit na nahihirapan siyang itanggi na lihim din siyang kinikilig. "Falling in love, my foot!" aniya at pinaikot ang mga mata. "Ilang babae na kaya ang sinabihan mo ng ganyan?" Nawala talaga sa isip niya na ultimate womanizer ang lalaking ito. Mukhang nadali talaga siya sa taglay nitong kagwapuhan. Isa lang talaga ang siguraduhin niya at iyon ay ang hindi siya mapapabilang sa mga naloko nito dahil nagpadala sa matamis nitong mga salita. "Girls always do fall in love with me first. No worries, Han, not in your case. I do fall first and I'll make you fall too. You're not going to leave this place until I can call you mine. Take note of that." Seryoso ang mukha nito na tila nagbabanta at bakas sa pagmumukha nito na totohanin niya talaga ang sinasabi. Hindi kaagad naka-imik si Chandria. Parang nalunok nito ang kanyang dila at wala siyang mahagilap na salita na ipupukol dito. Kahit gaano pala ka tibay ang depensa mo may pagkakataon talaga na bibigay ka rin. She asked herself kung bakit ganun na lang ang epekto ng salita ng lalaking ito sa kanya. Bawat salita nito at may malakas na epekto talaga sa kanyang dibdib. His words stay like a stain. Ang hirap tanggalin at ngayon na siya nagsisimulang kabahan. Is she already in love? Bakit ang bilis? She just met this guy for one day at heto na kaagad ang epekto nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD