Chapter 10

2087 Words
Mula pa kanina sa kotse hanggang sa makarating na sila ng resort ay hindi pa rin siya kinakausap ni Niel. Hindi na lang siya nangulit dahil mukhang napaka-seryoso na ng mukha nito. Palihim na lang niya itong sinusulyapan habang nagpapakain ito sa tuta ngunit mukhang mabigat talaga sa loob niya na hindi sila nag-iimikangdalawa. Parang nakakapanibago iyon sa kanya. Hindi niya man ugali ang lumunok ng pride at mukhang mapapasubo siya ngayon. Hindi na siya nakatiis at nilapitan niya ito. Umupo din siya sa buhangin para matabihan ang binata. "Sorry na," malumanay niyang sabi. Lumingon naman sa kanya si Niel at tipid siyang nginitian. "Bakit ka nagsosorry? Inaway mo ba ako?” he said na parang inaasar na naman siya. Pinandilatan niya ito ngunit lihim naman siyang natuwa. “Bigla ka na lang kasing tumahimik kaya nag-aasume lang ako na baka may nagawa akong mali or may nasabi akong hindi mo nagustuhan.” She said na nakatingin pa rin sa binata. Umiling ito na nakangiti sa kanya. "It's just..." he deeply sighed. Tila may gusto itong sabihin sa kanya ngunit nag-aalinlangan lang. “You also hate your mom?” dugtong ni Chandria na titig na titig rin sa magiging reaksyon ng binata kung tama nga ba ang hula niya. Ang gumugulo lang sa isipan niya ay ang tanong na kung saan banda ito galit sa ina. Hindi naman kasi ito iniwan kagaya niya. Para nga sa kanya ang swerte pa nga nito dahil mukhang mabuting tao naman ang ina nito. Sa hindi niya inaasahan, tumango ito at ngumiti ng mapakla. Siya naman ang huminga ng malalim. “Bakit naman? Ang cool kaya ng mom mo,” mas dinagdagan niya pa ang sigla sa boses nito to cheer him up. “at sa tingin ko nga, your mom can be the best mother on earth. Believe me, marami kaya akong articles na nabasa tungkol sa kanya, sa inyo. On how she handle you and your—” “Hindi nga siya ganon!” medyo tumaas iyong boses ni Niel kaya napapitlag siya. Namilog ang matang napatitig ito sa binata. Asking herself kung pinagtaasan ba siya nito ng boses. Napalabi siya at ikiniling ang ulo, pilit na isinantabi muna ang pride. Marahil ay may pinagdadaanan lang ang binata at alam niya ang feeling na ganon. "I mean—" para siyang naubusan ng sasabihin at hindi malaman kung ano ba ang tamang salita na sasabihin dito to comfort him. Alam niyang wala naman siyang karapatan na pilitin na e-share ang hinanakit nito tungkol sa ina nito. But something in her heart urged her to try. She heard him took a deep sighed kaya hindi muna siya nagsalita. Tinitigan na lang niya ang tuta na ngayon ay mukhang mahimbing na natutulog sa tabi nila. "I'm sorry," he said apologetically. Nginitian naman niya iyon at nag-hand gesture ng no problem. “I honestly hate my mom since then,” panimula nito kaya mas lalo lang siyang napatitig sa binata. "Actually, I hate everything about my family. Ang lolo at mama ko ay magka-ugali lang. Maybe it runs in the blood." he chuckled like he was cracking a joke. “Pareho silang pera, estado at negosyo ang inuuna. Pang-huli na iyong pamilya. Wala silang pake sa gusto mo dahil ang gusto nila ang nasusunod kaya kabaliktaran ang lahat-lahat na nakasulat sa mga nababasa mong articles about us. The truth is, mas malala pa kami sa isang broken family.” puno ng pait itong ngumiti sa kanya. Seeing him in pain parang gusto niya itong yakapin para e-comfort. “After my dad left us dahil sumama ito sa babae niya doon ko lang napagtanto na kahit kailan ay wala ng pag-asa na magiging masaya pa ang pamilya namin.” “Iniwan kayo ng daddy mo?” halos hindi siya makapaniwala sa narinig. Kung titingan mo kasi ang mga pictures na nakikita niya sa magazine ay mukhang nagmamahalan naman ang parents niya. “Anong edad mo that time?” na curious na naman siya. Siya kasi Thirteen years old ng iwanan ng Mama niya. “Fifteen I think," sagot nito. Tila hindi rin siya sigurado. Parang gusto niyang matawa dahil tila hindi na niya maalala pa. "So, galit ka din ka sa Daddy mo?" She asked. "I don't know," kibit-balikat nitong sagot. "I hate him and understand him at the same time. My father just wanted to be happy kaya sumama ito sa totoong babae na mahal niya talaga. After non, para akong nagising na bakit ko hahayaan na kontrolin nila ang buhay ko. Hinding-hindi ako gagaya sa Dad ko, na magpapa-kontrol ng sarili niyang buhay. Why should I let them manipulate my own future kung hindi naman ako sasaya." "Oo naman," sang-ayon ni Chandria. "So, ano ang ginawa mo?" na curious na naman siya. Hindi kasi niya inaasahan na ganito pala ka gulo ang pamilya nila. Laging nahihirang na ‘Woman of the year’ ang mama nito dahil kaya nitong pagsabayin ang pagiging negosyante at ina ngunit puro lang pala gawa-gawa. Hinangaan niya pa naman ito ng sobra-sobra. "I ruined it," he chuckled na tila proud pa sa sinabi. "She's afraid na madungisan ang pangalan niya kaya unti-unti ko iyong sinisira. I went wild and ruined everything. My studies and my future ngunit sadyang naka-powerful niya pa rin. Kaya niyang linisin ang kalat ko, in just a seconds hanggang sa mapagod na ako na maging gago." Huminto muna ito saglit at napasinghap sa ere saka binalik na naman ang tingin sa kausap. "Kinausap ako ng Lola ko at nagpakatino muna ako ng konti. But after she left us, umalis naman ako ulit. I leave everything and let myself free. I traveled here back in fourth at para na rin sa negosyo namin ng kaibigan ko. That's all." pagtatapos niya. Pareho naman silang na tahimik. Chandria can’t find anything to say so she just prefered to let the silence win for a while. Tumingala na lang siya sa kalangitan para kasing sayang na palalampasin niya ang view sa taas. Masyado kasing maliwanag dahil sa hindi mo mabilang na mga bituin sa kalangitan. "Give me your hand," maya-maya ay narinig niya na utos ng binata. Kunot ang noo na napatingin ito. Parang gusto niyang magtanong kung bakit ngunit natigilan din siya. Naisip nitong wala naman sigurong gagawing kalokohan ang binata kaya dahan-dahan nitong inilahad ang palad. "Hindi ka naman siguro takot sa palaka, right?" Nanlaki ang mata nito at mabilis na itinago ang mga kamay sa kanyang likuran.Humalakhak naman ang binata na tila tuwang-tuwa ito sa naging reaksyon niya. “Niel, ha! Kung ano man ang kalokohan mo. Mapapatay talaga kita!” pagbabanta niya. “Takot talaga ako sa palaka!” honest niyang sabi na tila any moment ay iiyak na siya. Nakaramdam naman ng guilt si Niel at kaagad na humingi ng sorry. Akala kasi nito ay natakot talaga niya ng husto ang dilag. Muli na naman nitong hiningi ang kamay ni Chandria at muli naman itong inilahad ng dalaga. Mula sa bulsa ng suot nitong cargo shorts ay may dinukot ito at nilagay sa palad ni Chandria. “Si Patrick?” natatawang sambit ni Chandria. Binigyan kasi siya ni Niel ng keychain na si Patrick ng Spongebob Square pants ang nakakabit. “Wala kasi akong ibang maisip na iregalo sa’yo sa birthday mo.” tila nag-aalinlangan ito kung magugustuhan ba ng dalaga ‘o hindi. "Thanks!" sobrang saya niyang sambit. “Ang cute nga eh! Hindi nga ako makapaniwala na kilala mo pa ito.” Parang gusto rin ni Chandria na itanong kung bakit ito ang ibinigay sa kanya ngunit isinarili na lang niya iyon. Basta ang mahalaga ay masayang-masaya talaga siya. First time niya kasing makatanggap ng regalo aside kina Lexy at Nanay Bebang niya. "Paano ka pala nahilig sa star?" Niel asked. She bite her lower lip. Napa-isip kung paano ba napansin kaagad ng lalaki na mahilig talaga ito sa star. Maliban na lang kung madalas siya nitong tingnan. “How did you know about that?” parang kinikilatis nito ang binata. “Mukhang wala naman akong naikwento sayo.” She heard him chuckling and she suddenly felt something. Parang ang tawa nito ay katumbas ng favorite niyang kanta. Gusto niya na lagi itong naririnig. Mabilis siyang napa-pikit ng mariin at ipinilig ang ulo. Iwinawakli kung ano mang sagot ang pumapasok sa isipan niya dahil mukhang hindi niya ito nagugustuhan. Takot siya at parang na-curious na rin. “Hindi ba masyadong obvious?” ngumuso ito na tinuturo ang wall paper ng cellphone niya. A picture of a girl na nakatalikod habang nakatingala sa kalangitan na punong-puno ng star. “Kahit anong gamit mo may mga star talaga akong nakikita.” Hindi niya napigilang tumawa at nakangiting pinagmasdan ang kalangitan. “Nakikita mo ba iyong malaking star?” tumuro ito sa kalangitan at sinundan naman iyon ni Niel ng tingin saka tumango ito nang makita na ang tinuturo ng dalaga. “Daddy ko iyon!” tumingin ito kay Niel at napangiti. "Sabi niya pag-nakaramdam ako ng lungkot at pag-iisa.Tumingin lang daw ako sa kalangitan dahil hangga't merong star, ipinapahiwatig lang na hindi talaga ako nag-iisa." “So, hinding-hindi talaga kita makakalimutan kung ganon," ani ni Niel. Tumingin ito kanya ng makahulugan at ngumiti. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang pisngi kaya kusa na itong umiwas ng tingin. "W–what do you mean?" nauutal niyang tanong dahil tila biglang bumilis na rin ang pagpintig ng kanyang puso. Umayos ng upo si Niel ngunit hindi pa rin inaalis ang mata sa dalaga. "Well, paano nga kasi kita makakalimutan kung sa bawat pagtingala ko sa kalangitan. Ikaw na kaagad ang naiisip ko or sabihin na natin, hangga't merong hugis star sa mundong ito. Ikaw ang unang-una na papasok sa isipan ko." Alam ni Chandria na sa kanya pa rin nakatingin ang binata kaya todo pigil talaga siya sa emosyong gustong kumawala sa kanya ngayon. Kinagat nito ng maigi ang pang-ibabang labi na hindi mapangiti sa labis nasaya. First time talaga niyang kiligin ng ganito ka swak sa pakiramdam. Parang saglit niyang nakakalimutan ang lahat. She cleared her throat bago nagsalita muli. "So, paano na lang pala kung walang star? Eh— di, hindi mo rin ako maalala," pabiro niyang sabi ngunit natigilan din nang paglingon niya ay halos ilang dangkal na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Titig na titig ito sa kanya at ganoon din siya. Sa loob ng ilang minuto nasa ganoong ayos lang sila. Ramdam na ramdam niya na hindi na talaga normal ang t***k nito. Mas lalo lang itong bumibilis. Nadagdagan pa ito ng maramdaman niyang unti-unting nilalapit ng binata ang mukha nito sa kanya. Ilang beses siyang napalunok bago tuluyang ipinikit ang mga mata na tila sumusuko na siya sa kung ano man ang pwedeng maganap sa pagitan nila. Bigla siyang napasinghap at napadilat muli ng maramdaman ang mainit na palad ni Niel sa kanyang pisngi. Nakatitig pa rin ito na namumungay ang mga mata. "I don't need those stars to remember you. Hindi ko rin alam kung makakalimutan pa nga kita. Hindi ka na nga maalis sa isipan ko simula pa noong una kitang makita sa simenteryo," doon na nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Doon niya lang napagtanto ang pakiramdam niya noon na tila may nakatingin sa kanya. "I think, tinamaan na ako sa’yo, Han.” He huskily said. Parang bigla niyang nalunok ang dila niya at hindi ito makapagsalita. Idagdag mo pa ang dibdib nitong tila sumisikip at hindi na siya makahinga. Parang gusto muna nitong makawala sandali at magsisigaw sa sobrang saya na nararamdaman. Bumalik lang sa tamang suhestiyon ang utak niya nang makarinig ng tahol ng tuta. Nasa harapan na nila ito at tila pinanood lang silang dalawa. Sabay silang napalayo sa isa’t isa at pareho rin na hindi makatingin ng diretso. "I think, kailangan na natin siyang ipasok sa loob. Nilalamig na yata ang tuta," ani niya at tinanguan naman siya ni Niel. Mabilis na nitong kinuha ang aso at isinilid sa carrier nito. Walang lingon-lingon na tinungo na nito ang daan papasok sa mismong hotel. Nang makarating na ito sa tapat ng pinto ng kanyang kwarto ay mabilis na nitong binuksan sa takot na magka-abot pa sila ng binata. Pagkapasok pa lang niya ay pinakawalan muna nito ang aso sa sahig at pabagsak na nahiga sa kama niya. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang unan at doon impit na tumili sa sobrang kilig na nararamdaman. Pakiramdam niya ay mapupuno talaga ng hangin ang kanyang dibdib kung hindi niya ito gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD