Chapter 9

2656 Words
"Maliit nga!" bulalas ni Chandria nang nasa tapat na sila ng Mall na sinasabi ni Niel. Kunsabagay ano ba naman ang ini-expect mo sa tagong lugar na ito.Hindi naman ito City para maka-kita ka talaga ng naglalakihang mall. "Ang sabi naman ni Javi na kahit may kaliitan daw ito ay kumpleto naman sila sa lahat kaya tingnan na lang natin," suhestiyon ni Niel at nauna na itong pumasok. Kapwa naman silang natuwa sa nakita sa loob pag-pasok nila dahil mukhang maliit lang ito tingnan sa labas pero marami namang laman ang loob. Nilapitan sila ng isang sales lady na naroon at nakita niyang may itinuturo ito kay Niel kaya hinayaan niya na muna ang binata sa portable carrier dahil parang magnet kasing nahagip ng mata niya ang isang ilang naggagandahang key chain, palamuti sa katawan at ibang mga bagay na pwedeng pampasalubong. Mabilis niyang nilapitan ang mga ito at napangiti ng bahagya. Balak din naman talaga niyang bilhan ng pasalubong ang tatlo. "Ang ganda nila?" mahina niyang usal habang hindi ina-alis ang mga mata sa naggagandahang key chain at palamuti sa katawan. May nakita din siyang magandang kwentas na simple lang ang disenyo pero napakaganda tingnan. May pagka-boho style ito at kabibe ang pendant. Naisip niyang bagay ito sa dress niyang puti kaya kinuha niya na ito. "Ang gwapo naman ng lalakeng iyon, sana hindi pa siya taken. Please, lord huwag muna," narinig niyang pag-uusap ng dalawang sales lady na nasa gilid lang niya. Out of curiosity ay napatingin din siya kung saan nakatingin ang dalawang babae. Hindi nga siya nagkakamali ng hinala dahil si Niel ang tinutukoy ng mga ito. Ang saya na nararamdaman niya kanina ay napalitan na naman iyon ng inis. Tumingin ito sa dalawang babae na nag-uusap at palihim tiningnan ang mga ito ng masama. Alam niyang hindi siya dapat nagkakaganito dahil wala naman siyang karapatan sa binata. Hindi ito dapat mainis sa mga babaeng parang gustong ibulsa ang binata ngunit hindi naman niya mapigilan ang sarili na hindi iyon maramdaman. "Huwag ka ng umasa 'teh," sabi naman ng isa na maikli ang buhok. "Nakita kung may kasamang magandang babae iyan kanina kaya malamang na taken na iyan!" Napangiti naman siya ng malapad sa narinig mula sa isang babae lalo na iyong tinawag siyang maganda ngunit napawi din iyon nang namataan niyang panay ang pa-cute ng isang sales lady sa binata habang kausap ito. "Iyon ang babaeng kasama niya kanina na sinasabi ko," narinig na naman niyang sabi ng isang sales lady kaya medyo lumayo siya ng kunti at nagkunwari na parang wala siyang naririnig. Na hindi ito nakikinig kung ano man ang pinag-uusapan nila. "Siya ba iyon?" may himig na pagkairita sa boses ng isang sale lady. "Hindi naman siya masyadong maganda." Bigla niyang nakagat ang pang-ibabang labi sa narinig at nakuyom ang isang palad. Parang gusto nitong ipagsigawan sa dalawang babaeng nag-uusap na kung hindi siya maganda, ano pa kaya sila. "Maldita ka talaga," saway naman ng kasamahan nito at tumawa ng bahagya. "Mag-asawa ba sila or magsyota pa lang?Ano sa tingin mo?" "Alalay!" bumungisngis pa ito na mas lalong ikinakulo lang ng kanyang dugo. "Alalay mo mukha mo. Sa ganda ng babaeng iyan alalay lang. Huwag ka ngang nega." Pagtatanggol naman ng isa sa kanya. "Hindi naman kasi sila sweet, magkaholding hands na pumasok at mas lalong wala akong nakitang engagement ring sa kamay ng lalake kanina." Maya-maya lang ay narinig niyang tinatawag na siya ni Niel pero nagkunwari naman siyang hindi ito nadinig para ulitin ulit iyon ng binata. Gustong-gusto niya talagang ipamukha sa dalawang babae na ito na special siya kay Niel kahit na hindi naman talaga. "Ano daw! Hon?" sambit ng nega na sales lady. "Oo, hon daw. Sabi ko naman sa'yo mag-asawa sila eh." "Han?" tawag ulit sa kanya ni Niel sabay kalabit sa balikat niya. Lumingon naman siya at ngumiti ng napakatamis na kahit ang binata ay nagulat din sa ikinilos niya. "Oh, bakit?" She asked in a sweet voice as if na sobrang close silang dalawa. "May nakita na akong portable na carrier at dalawang kulay na lang ang available. Ano bang kulay ang mas maganda, blue or iyong lilac?" Sa hinaba-haba ng sinabi ng binata tila wala itong narinig. Lumilipad ang isip nito habang titig na titig sa binata. Hindi niya matandaan kung first time niya ba na matitigan ito sa malapitan dahil sa tingin niya mas lalo lang nadagdagan ang kagwapuhan nito. "Hey?" tapik ulit sa kanya ni Niel. Tila napansin nitong nakatitig lang ito sa mukha niya. "Lilac!" mabilis niyang tugon na nakangiti pa rin.Iyon lang kasi ang natandaan niya sa mga sinabi ng binata. "Okay! Let's go with the lilac," ani ni Niel at iniwan na naman siya muli. Saka niya lang na realize na lalake pala ang tuta kaya dapat hindi lilac ang kulay na sinabi niya. Mabilis nitong hinabol si Niel dahil baka nagbayad na ito sa counter. .."Sabi ko naman sayo sir, bet ni Ma'am ang ganitong kulay," naabutan niyang sabi ng sales lady kay Niel. "Babae po pala iyong tuta ninyo sir?" "Ha? Pambabae ba ang ganitong kulay?" kunot noong napakamot si Niel sa batok niya. "Po?" gulat na sambit naman ng sales lady na tila naguluhan na rin. "Palitan na lang namin ng blue ,Miss," humihingal na sabat ni Chandria sa dalawang nag-uusap. "Lalake kasi iyong tuta—namin." Bigla namang natawa ang sales lady sa kanila. "Sigurado na po ba kayo?" muli nitong tanong sa kanilang dalawa na may himig na ng pagbibiro habang pinalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Pati na rin po itong blanket?" "Yes please! Sabi niya eh," ani ni Niel sabay turo sa kanya. "Bagong kasal lang po kayo, 'no?" tanong ulit sa kanila ng sales lady na tila naaliw sa parehong reaksyon nilang dalawa. Pareho naman silang hindi nakasagot kaya nauna nang tumalima ang saleslady papunta sa counter. "Hindi ko sinabing asawa kita 'ha. Mukhang hula lang naman niya at isa pa ugali naman talaga ng mga Pinoy na kapag may makitang magkasamang lalake at babae.Mag-aasume na silang mag-asawa or magsyota na." nauna ng nagpaliwanag si Niel. "Wala naman akong sinabi 'ah! Huwag ka ngang defensive." Kalmang sagot naman niya at lumakad na rin papunta sa counter. "Mabuti na iyong malinaw!" habol nitong sabi na nakasunod lang sa likod niya. Kasalukuyang nagbabayad sila sa counter ng mapansin na naman ni Chandria ang dalawang sales lady na tsismosa na nasa kanila na naman ang mga mata. Ngayon niya lang narealize na mahirap rin pala kapag gwapo ang magiging boyfriend mo. Nakaka-stress! Ang daming inggetira! "Let's go?" aya na ni Niel at binitbit na ang pinamili. "Yeah," nakangiting sagot naman niya at kumapit sa braso ni Niel na labis rin na ikinagulat ng binata. "Medyo madulas ang sahig, pakapit muna." Palusot niya saka muling nilingon ang reaksyon ng dalawang babae at tama nga siya na umuusok ang mga ilong nito sa inggit at inis. **** Naabutan nilang masigla ng nakipaglaro ang tuta sa doctor kaya sobrang excited nila itong nilapitan. "Mukhang okey na po siya. Nagka-milagro po ba?" puno ng sigla na pagkakatanong ni Chandria. "Ganoon pa rin hija, mukhang masigla lang siya dahil sa mga gamot na itinurok namin sa kanya. May mga oras na susumpungin na naman siya ng kirot kaya dapat laging naka-ready iyong mga gamot." "Okey po," biglang naging malungkot na naman muli ang boses niya. Mukhang malabo talaga na magkaroon ng milagro ang tuta na ito. "Pwede na po ba namin siyang iuwi?" "Oo naman, wala naman kasing mag-aalaga sa kanya kung hindi ninyo siya iuuwi." "Sige po, Doc, maraming salamat po sa lahat." si Niel. Nginitian naman sila ng doctor bago umalis. Biglang nag-alala si Niel nang makita na natigilan at bakas ang pagkabahala sa mukha ng magandang dilag. “Something wrong?” tanong nito. Napakagat ng labi si Chandria habang puno ng pangamba na tumingin kay Niel. “Paano pala natin mauuwi ang tuta at saan naman natin siya pwedeng dalhin? Ang alam ko kasi nasa policy ng hotel na bawal ang hayop sa loob.” Bahagya naman siyang nginitian ni Niel. “No worries, nakausap ko na ang may-ari.” kampante nitong sabi sabay pamulsa. “I asked a permission if the puppy can stay kahit isang araw lang. Ipinaliwanag ko na rin ang sitwasyon ng tuta kaya pumayag naman ito.” Doon na nakahinga ng maluwag si Chandria kasabay nito ang muling pag-liwanag ng kanyang mukha. Buong sigla itong tumingin sa tuta at nilaro-laro ito gamit ang kanyang daliri. “Sa wakas, may mauuwian ka na.” ani nito sa tuta. "May naisip ka na bang pangalan para sa kanya?" tanong ni Niel sa kanya. Napa-angat ito ng tingin sa binata at kaagad na nag-isip. Tila nawala ito sa isipan niya na kailangan din pala nilang bigyan ng pangalan ang kawawang tuta. "Kier?" unang namutawi sa isip niya. "Bakit Kier?" kunot noo na tanong sa kanya ni Niel kaya nag-isip na naman ulit siya ng panibago. "Iyong medyo cute naman." pahabol pa ng binata. "Sam?" "Common na pangalan na iyong Sam, mag-isip ka pa." "Bakit kaya hindi na lang ikaw ang mag-isip?" pagtataray na naman niya. "Last na ito ha, Natsu?" "Natsu?" ulit ni Niel. "Bakit?" Ngumiti muna siya sa binata para naman sumang-ayon na ito. "Name iyan ng favorite kung anime character." "Nanonood ka pa rin non?"Parang nang-aasar nitong tanong sa kanya kaya sinimangutan na naman niya ito. "Noong bata pa ako," depensa niya kahit na ang totoo ay nanonood pa rin siya hanggang ngayon. "Kung hindi mo gusto, eh—di ikaw ang mag-isip." "Sige na nga," tila pagsuko ng binata at ibinaling na ang atensyon sa tuta. "Simula ngayon Natsu na ang tawag namin sa'yo," at nilaro-laro ng daliri nito ang balahibo ng tuta. "Hindi pa ba natin siya iuuwi?" Parang atat na niyang tanong. Excited na rin kasi niya itong ipakita kina Javi at Mark. "Nagmamadali?" pang-iinis naman nito na ikina-irita niya talaga. "Bakit may balak kang dito matulog? Hindi mo ba napapansin na papalubog na iyong araw. Aba'y kung wala kang balak na umuwi, meron po ako." Walang kagatol-gatol nitong sabi. "Oo na nga, ito na. Bakit kasi hindi mawala-wala iyang katarayan mo?" pabulong-bulong nitong sabi habang dahan-dahang inilagay ang tuta sa binili nilang portable carrier. "Let's go na po, kamahalan." pang-aasar na naman niya ngunit tina-asan na lang niya iyon ng kilay. Ayaw niya munang ubusin ang energy niya sa binatang ito dahil gusto niya pang makipaglaro mamaya sa tuta. Habang naglalakad sila papunta sa pinagparkingan ng kotse ni Niel ay biglang nagwala ang tuta sa loob ng carrier na parang gusto nitong bumaba doon. "Ano ba ang nangyayari sa kanya?" nag-aalala na tanong niya. Kaagad namang inilapag ni Niel ang carrier sa damuhan para matingnan ang kalagayan ng aso. Nagulat sila ng bigla na lang itong sumigla at pinipilit ang sarili na makawala sa loob carrier. Tinulungan niya ito na makalabas at parang batang paslit ito na tuwang-tuwa dahil tila naka-kita ng kalaro ng mapansin siguro nito na may dalawang tuta rin na nandoon na naglalaro sa gitna ng maliit na park. "Kaya pala," ani Niel. "Gusto lang palang makipaglaro." "Oo nga eh, hayaan na lang kaya muna natin ito," suggestion niya. "Maupo muna tayo doon sa bakanteng bench habang binabantayan siya. "Nauna na itong tumungo doon habang nakasunod naman sa kanya si Niel. "Mukhang sobrang kaligayahan ang nararamdaman ng tuta ngayon." Niel said it happily. "Oo nga eh, parang magkapatid lang sila kung titingnan.By the way," bigla itong na curious ng nabanggit nito ang salitang kapatid. "ilan ba kayong magkakapatid?" "Only child lang ako," mabilis na tugon ni Niel at biglang may lungkot na namutawi sa boses nito. "Masaya rin siguro kung magkaroon ka ng kapatid. Sayang at hindi ko iyon naranasan." "Parehas lang naman tayo," sabat ni Chandria. "Only child din naman ako pero hindi naman ako masyadong naging malungkot kung bakit hindi ako binigyan ng kapatid." "Why?" "Dahil tama na sa akin na ako lang nakaranas ng broken family. Mas doble pa siguro iyong sakit na nararamdaman ko kung may kapatid pa ako na makaranas din ng ganun. Hindi iyon madaling sakit na kayang indahin ng kung sino-sino lang." Bahagyang napangiti sa kanya ang binata. "Ang bait mo namang kapatid kung ganoon pero mas gustuhin ko pa rin na magkaroon ng kapatid. Kahit gaano man ka pait ang tadhana sa amin at least, alam kung may kasama ako na haharapin iyon. May rason akong gumising sa araw-araw at masasagot ko ang tanong ko kung ano talaga ang purpose ko sa mundo." "Wow! Ang lalim non ha," nakangiting biro niya. "Ang swerte naman ng tao na iyon kung siya ang naging kapatid mo." "Hindi ko pa pala natatanong sa' yo kung ano ang ipinunta mo dito?" biglang pag-iiba ng topic ni Niel. Kahapon niya pa sana ito gustong itanong sa dalaga ngunit hindi naman siya makakuha ng timing. "Para kunin ang birthday gift ko." Diretsong sagot niya na tila wala ng pag-aalinlangan sa taong kausap. "Dito?" "Oo! Narinig mo naman siguro iyong sinabi ko na dito. Malamang na dito iyon," umandar na naman ang kanyang pagkapilosopo. "Nililinaw ko lang naman," mahinang sabi ni Niel. "Ano ba iyong trabaho mo?" "Negosyante!" "Parehas pala tayo." "Alam ko," lihim siyang napangiti sa naging reaksyon ni Niel. Natigilan kasi ito at parang nagulat kung paano niya iyon nalaman. "Woah!" parang hindi makapaniwala na bulalas nito. "Don't tell me na from the very start ay kilala mo na ako?" Hindi naman kasi nito maitatanggi na hindi siya basta-basta makikilala dahil sa pangalan nito. His family owns a big name sa larangan ng negosyo mula pa sa lolo niya hanggang sa kasalukuyan na ang ina na nito ang namamahala ng mga negosyo nila. "Huwag ka ngang masyadong assuming at baka iba na naman ang tumatakbo diyan sa isipan mo, sasabihin mo pa na stalker ako." nakanguso nitong sabi. Humarap ito sa binata at ipinakita ang relong suot niya. "Sa inyo ito diba? Regalo sa akin ito ni Lexy last christmas, limited edition lang ito kaya sobrang saya ko ‘non nang ibigay niya sa akin ito. My happiness that time was priceless, ikaw ba naman ang nakasuot ng ganito ka ganda na relo at isa pa sa pinakama-impluwensya na babae sa buong mundo pagdating sa negosyo ang nagdisenyo. Aarte ka pa ba?" sabi nito sabay ngiti. "You really adore my mom, so much," ani ni Niel at napangiti na rin na tila nahawa na rin ito sa kasiglahan ng kausap. Ngunit napawi din iyon ng pumasok sa isipan niya ang Mama niya. Napangiti siya ng mapakla thinking how ironic life is. There are a lot of people who loved his mom while he hated his own mother. "Why?" He asked out of curiosity. “She's one of my inspiration sa pagiging successful sa negosyo,”panimula ng dalaga na hindi pa rin maalis-alis ang ngiti at sigla. Iyong tipong kahit hindi pa niya nakaharap ang iniidolo ay parang kilalang-kilala na niya ito. “Looking at her and reading all articles related to her, makes my business survive. Kumakapit ako doon sa salita niya na kapag may pangarap ka, hold it tight and protect it. No one can fulfill your own success if you let somebody make it for you. Do it on your own self and raise it with your own sweat and blood. For how many years doon ako kumapit sa mga salitang iyon at magpahanggang ngayon.” Napansin ni Chandria na bigla na lang tumahimik ang kausap kaya mahina niya itong siniko. “Sobrang proud ka siguro sa Mama mo 'noh?" She teased pero bigo naman siyang mapatawa ito. "No and never," ani ng binata sa matigas na tono at walang ka ngiti-ngiti. Mabilis itong tumayo. "Let's go home. Mukhang pagabi na rin." Naguguluhan na sumunod na lang din si Chandria kahit na gusto niyang itanong kung ano ba ang ibig sabihin ng sagot nito. Kung bakit pakiramdam niya ay may malaki itong galit sa ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD