Sa hindi masyadong kalayuan mula sa kinatatayuan ni Niel ay sobrang naaaliw ito habang palihim na minamasdan si Chandria. Para itong batang paslit na tila nag-eenjoy sa pamumulot ng mga shells. Nakadagdag pa sa kagandahan nito ang kulay purple nitong buhok na masayang nilalaro ng hangin. Hindi niya namamalayan na humahakbang na pala siya palapit dito. Lihim siyang napangiti sa sarili. Mukhang tinamaan talaga siya sa dalaga. Simula pa nang makita niya ito sa simenteryo ay hindi na ito muling umalis sa isipan niya ang mukha ng dalaga. Parang itinadhana pa nga na pinagkrus muli ang kanilang mga landas. Hindi na niya ito natatanaw mula sa malayo kundi nakakausap pa niya ito at saglit na nahawakan ang malambot nitong mga palad.
Iyon nga lang hindi pa rin maalis-alis ang pagiging mataray nito ngunit mukhang hindi na bago iyon sa kanya. Parang naging cute pa nga ang dating non.
"Ano naman ang gagawin mo diyan?” hindi niya ina-asahang mapa-pitlag ang dalaga sa biglaang pagsulpot niya. Bigla tuloy siyang nabahala.
"Ano ba!" asik nito at namaywang. "Tapatin mo nga ako, may galit ka ba sa akin? Parang gusto mo yata akong patayin sa gulat."
"Tsk!” hindi niya mapigilang napalatak. “Akala ko mabait na, hindi pa pala." pabulong nitong sabi ngunit narinig naman ng dalaga.
“May sinasabi ka,” umangat na naman ang kilay nito. “ 'or minumura mo na ako?”
“What?” siya naman ang napakunot ng noo. Kahit isang beses sa buhay niya ay hindi ito nagmura sa mga babae kahit sobrang naiinis pa siya. “Sabi ko maganda ka ngayon. Bagay sa’yo ang suot mo.”
Hindi niya inaasahang makita na pamumula ng pisngi ng dalaga dahil sa sinabi niya at labis niya iyong ikinatuwa. After all, babae pa rin talaga ang kaharap niya na may puso at pakiramdam. Akala niya nga noong una ay may galit ito sa mga lalaki. Hindi naman pala ganoon.
“ Ano bang—pinagsasabi mo,” umiwas ito ng tingin sa kanya. “matagal na kaya akong maganda.” Kibit balikat nitong sabi at ipinagpatuloy na ang pamumulot ng mga shells.
“Oo na po,” sabi na lang niya at tila senyales na rin ng pagsuko dahil baka kung saan na naman mapunta ang pakikipagdebate nito sa maganda ngunit mataray naman na dilag.
“Pagod ka na ba?” maya-maya ay tanong niya. Saglit huminto ang dalaga at kunot noo siyang tiningnan.
"Bakit?" tila may pag-alinlangan sa boses nito.Hindi muna siya sumagot at hinintay pa rin ang sagot ng dalaga. "Well, mukhang hindi pa naman."
Sumilay na naman ang malapad na ngiti sa kanyang labi sa sagot nito.
"May pupuntahan tayo," mabilis nitong sabi at hindi na niya sinayang pa ang oras. Hinawakan nito ang malambot na palad ng dalaga. Hindi ito unang beses na nakahawak siya ng kamay na kasing lambot ng cotton pero ang isang ito ay kakaiba. Parang hindi niya kayang bitawan.
"At saan naman tayo pupunta?" Pigil sa kanya ni Chandria at alam niyang nagulat ito sa biglaang paghawak ng kamay niya. Hindi ito nagpumiglas kaya mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.
"Basta!” tipid nitong sagot at hinila na palayo ang dalaga.
Nang makarating na sila sa kanilang pupuntahan ay saka pa lang niya binitawan ang kamay nito. Gustuhin niya mang hawakan lang iyon hanggang sa magsawa siya ngunit nanaig pa rin ang takot niya na baka masampal na siya ng dalaga. Baka ano pa kasi ang isipin nito sa kanya.
"Dito?" tanong nito na habang pinag-lipat lipat ang paningin sa balon at sa kanya. "Dito na tayo galing kanina. Nakalimutan mo na ba?" Parang matatawa na ito ngunit nagpipigil lang.
"Alam ko," nakapamulsang sagot niya.
"Eh—bakit pa tayo bumalik?" muli na namang kumunot ang noo nito.
Huminga ito ng malalim at may kinuha sa bulsa ng kanyang cargo shorts.
"Ang dami mo namang tanong," ini-abot niya rito ang bato at pentel
pen sa dalaga. "Isulat mo diyan ang kaisa-isang hinanakit mo sa buhay."
Kunot-noo namang tinanggap iyon ng dalaga at mataman na tiningnan ang bato. Suminghap ito ng hangin bago napatingin sa kanya.
"Kapag isulat ko dito na galit na galit ako sa kanya, eh di parang sinasabi ko na rin sa sarili ko na napatawad ko na siya," ani nito ngunit laking gulat niya na embes na malungkot ito ay nakangiti itong tumitig sa kanya. "What if kung happiness na lang ang isulat ko dito instead of hatred to someone?"
He was mesmerised with her smile. Tila saglit huminto ang mundo niya at nakatunghay lang ito sa magandang dilag sa kanyang harapan.
"It's up to you," nakangiting niyang sabi sabay kamot na naman sa kanyang batok. Mukhang tinamaan na talaga siya sa dalaga. It was his first time to feel this thing. It was like he was so attached to someone that if something happened and he lost it in his sight. He's definitely gonna be crazy.
Nakangiti at tahimik na lang niyang pinagmasdan ang dalaga na ngayon ay nagsusulat na ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay hindi iyon inihulog ng dalaga sa balon. She keep it inside her
bag instead.
“Let's go?” aya na nito sa kanya. Nauna na itong humakbang kaya sumunod na lang siya.
Paalis na sana sila nang pareho silang makarinig ng isang mahinang hikbi ng hayop. Sabay silang napalingon at mabilis na hinanap. Good thing dahil natagpuan naman nila kaagad. Isang kulay puti na tuta na halos hindi na ito makalakad dahil sa mga sugat na natamo.
Kaagad itong nilapitan ni Chandria at lumuhod sa buhangin. Maingat niya itong kinarga at sobrang habag ang kanyang nararamdaman para sa kawawang tuta. Masuyo nitong hinaplos ang ulo ng tuta para na rin kumalma.
“Sino kaya ang may gawa nito sa kanya?” parang maiiyak na tanong nito na nakatingala sa kanya. Lumapit naman siya at buong ingat na kinuha ang tuta sa dalaga. Tiningnan niya ng maigi ang sugat.
"Parang kinagatt siya ng ibang mga hayop dito." aniya.
"Malala ba ang mga sugat niya?” puno ng pag-alala sa boses nito at mabilis naman niyang tinanguan bilang sagot.
"Ano kaya kung dalhin na lang muna natin siya pabalik sa resort," suggestion niya. "Magtanong na lang tayo kina Mark kung may alam silang pinakamalapit na veterinary clinic dito."
Tiningnan siya ni Niel ng makahulugan. Tila nangungusap ang mata nito na tila impossible ang gusto niyang mangyari.
“I don’t think the hotel would allow us to take the pet inside.” ani ni Niel.
Malungkot naman na napatingin ang dalaga sa tuta.
“But—we couldn't just leave this helpless puppy here.” protesta ni Chandria. “At Least, maybe, we could just bring him to the veterinary clinic.”
Bahagyang tumango na lang si Niel kahit hindi rin siya sigurado kung meron man sa lugar na ito. He can’t just take to see the sadness on this woman's face.
Maingat niya itong kinarga pabalik sa kinaroroonan nila Javi at Mark. Kahit ang mga ito ay nagulat sa bitbit nilang tuta.
Luckily may alam naman si Mark na pinakamalapit na hospital ng mga hayop sa lugar na iyon at kaagad na nilang dinala ito.
“Kamusta na kaya ang tuta?” hindi maipigilang itanong iyon ni Chandria sa katabing binata. Magkasama silang naka-abang sa labas ng operating room. "Bakit kaya ang tagal ng doctor lumabas?" Tumayo na ito at palakad-lakad sa labas ng pinto. “Do you think, magiging okay ang tuta?” napakagat na ito sa sariling kuku dahil sa tensyon na kanyang nararamdaman.
"Pwede ba, kumalma ka nga!" malumanay na saway sa kanya ni Niel. Hindi ma explain ang ekspresyon sa mukha nito dahil parang matatawa o hindi. Sa buong buhay niya kasi ngayon lang siya nakatagpo ng ganitong tao na sobrang compassionate sa hayop. He is also an animal lover but this woman is humane by her own. Hindi pa rin niya maiwasang mapangiti sa nakitang ekspresyon kanina sa mukha ng dalaga lalo na nong maiiyak na ito habang karga-karga ang tuta. "Trust me, mabubuhay pa ng matagal ang tutang iyon. Baka nga umabot pa iyon sa year 3000. Kaya easy ka lang diyan,everything will be alright."
Akala niya ay comforting words ang pinagsasabi niya pero iba iyon sa pandinig ni Chandria at parang bigla na namang gumana ang pagka-maldita radar nito.
“Hindi ako nate-tense, okey!” pagtataray nito sa kanya na kahit ito ay nabigla din. “At teka nga, bakit sa tono ng pananalita mo parang gusto mo na yatang patayin ang tuta.”
“The heck!” halos hindi makapaniwalang bulalas niya na pilit pinagtatagpi-tagpi ang sinasabi ng dalaga. "That's not what I meant. I just wanted to brighten you up. Mukha ka kasing sobrang nate-tense at...."
“Hindi nga ako nate-tense!” giit nito at pinag-ekis ang mga braso. Muli itong naupo at sumandal sa upuan.
Napabuga naman ng hangin si Niel sa ere. Hindi niya malaman kung saan na naman siya nagkamali at nagtataray na naman ito.
“Hay! Mga babae nga talaga.” mahinang usal niya at hinilamos ang
palad sa kanyang mukha. Ang hirap maintindihan. "Okey, hindi ka na natetense. Sorry." malumanay nitong sabi at umayos na rin ng upo.
“Marahil nate-tense nga ako.” nakatitig sa kawalan na sambit ni Chandria at ikina-awang naman ng labi ni Niel. Now, he find this girl so weird. Napasinghap ito at marahang ipinikit ang mga mata. "Noong bata ako madalas akong nasusugatan dahil madalas akong nadadapa. Sa tuwing nangyari iyon, iyak lang ako ng iyak at hinahanap ang mommy ko. Pakiramdam ko kasi na sa tuwing nasusugatan ako basta diyan lang siya ay nababawasan ang
sakit. Kaya habang karga ko kanina ang tuta parang bigla kong naalala ang kabataan ko. Naiisip ko na baka kagaya din siya sa akin na kaya siya iyak ng iyak dahil hinahanap niya ang mommy niya at nakakalungkot lang dahil wala ito sa kanyang tabi."
"Nandito naman tayo kaya siguro naman mababawasan rin ang sakit nito kahit konti." komento ni Niel.
Lumiwanag naman ng kaunti ang mukha ng dalaga at nakangiti nitong hinampas siya ng mahina sa braso. He can’t help but smile too.
"Tama nga akong kalahati lang sa pagiging walang puso ng lolo mo ang na mana mo." pagbibiro nito sa kanya na bahagya naman siyang natawa.
Pagkabukas pa lang ng pintuan ay halos magkasabay silang napatayo at lumapit sa doctor.
"Kamusta po ang kalagayan ng tuta?” si Niel.
"Okey na po ba siya?” tila excited namang tanong ni Chandria ngunit nabura lang iyon ng makita ang lungkot sa mukha ng doktor.
"I'm sorry, medyo huli na po tayo para isalba pa ang buhay ng tuta. Kumalat na kasi ang infection sa buong katawan niya. Siguro mga limang araw o mahigit na rin nitong iniinda ang sugat niya. As we can hear, we can't even stop him from whining due to too much pain. Malungkot mang sabihin pero mukhang ilang oras na lang ang itatagal ng tuta na iyan. Sa ngayon bibigyan na lang natin siya ng painkiller na gamot para naman mabawasan
ang iniinda niyang sakit,” paliwanag ng doktor sa kanila.
After nitong masabi ay kaagad naman sila nitong iniwan. Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila habang parehong nakatingin sa tutang mahimbing na natutulog.
"Ang lungkot naman ng buhay niya, ang bata-bata pa niya para magpaalam na kaagad sa mundo,” ani ni Chandria. Nagsisimula na rin na lumalabo ang mga mata nito. “Ni hindi pa nga siguro niya naranasang magkaroon man lang ng kaibigan.” dagdag pa nito na hindi pa rin inalis ang malungkot na tingin sa tuta.
"Eh, di iparanas natin iyon sa kanya," kaswal na pagkakasabi ni Niel. Tumingala naman sa kanya ang dalaga.
“Paano naman?” interesadong tanong nito.
"Simple lang," ngumiti ito at nilapitan ang tuta. "ibigay natin ang lahat ng pagmamahal na kaya nating ibigay sa kanya habang nandidito pa siya."
“Wow!” parang hindi makapaniwala na bulalas ni Chandria sa narinig sa lalake. Tila hindi nito ini-expect nito na may ganitong side din pala ang lalake. Pilyo ito minsan pero may sense din naman palang kausap at may puso rin. “Bravo!” at pumalakpak pa ito. “So, ano na iyong first step natin?”
Kaagad namang kinuha ni Niel ang cellphone niya at may tiningnan ito doon. Bigla itong tumikhim kaya napatingin naman ito muli sa kanya.
"Bakit ba?" Umarko naman ang kilay nito.
“May tinitingnan lang ako.” paliwanag nito. “ By the way, nahahabaan kasi ako sa pangalan mo kaya...pwede bang malaman kung ano iyong nickname mo?”
Bigla namang natawa sa kanya ang dalaga.
"My goodness!” bulong nito. “Grabe ka naman parang walong letra at tatlong syllables nga lang iyong pangalan ko. Nahahabaan ka pa? Pasensya na ha, mukhang pinahirapan kita sa pangalan ko. Nakakahiya naman sa’yo.” Napa-irap na naman ito kaya napakamot naman tuloy si Niel sa kanyang batok. Mukhang ginalit na naman niya ang maldita. "Sige na nga, pwede mo akong tawaging Chandy.Iyon ang tawag nila sa akin sa bahay.” Ngumuso ito na napatingin sa
kanya.
“Eh, mahaba pa rin eh.”
“What?” namilog ang matang reaksyon nito.Parang hindi na kapani-paniwala ang nirereklamo nito tungkol sa kanyang pangalan. Napasinghap muna ito sa ere bago nagsalita muli. Pakiramdam niya mauubusan siya ng dugo kapag araw-araw niyang makakausap ang gwapong binata na ito. “Sige! Para hindi ka na mahirapan ‘C’ na lang kaya itawag mo sa akin." Nakita nitong napakamot na naman sa batok nito ang binata kaya mas lalong kumunot lang ang kanyang
noo. "Huwag mong sasabihin na naiiklian ka na naman?"
"Maikli nga, Han na lang kaya ang itawag ko sa’yo?"
“Hon?” tila nabigla ito habang binabanggit ang salitang iyon.
“Shortcut ng Honey?” paglilinaw nito. "Eh,bakit mo ako tatawaging honey? Hindi naman tayo mag-jowa." Umiwas ito ng tingin dahil alam niyang namumula na naman ito.
"Han at hindi Hon," paglilinaw naman ng binata. "Galing iyon sa Chan mo na pangalan, tinanggal ko lang iyong ‘C’."
"Ah, ‘yun pala. Mali lang ako ng dinig.” mahinang usal nito.
“Well, Han na kung Han.”
“Good!” maikling sagot ni Niel saka humakbang na malapit sa pinto. “Aalis muna ako saglit,” paalam nito.
“Saan ka naman pupunta?” bakas sa pagmumukha nito ang pagpapanic. Akala kasi nito ay iiwanan na siya ng lalake. “May malapit na mall akong nakita kanina. Try kong puntahan baka may makita akong portable carrier para sa tuta. Mukhang mas lalo lang madagdagan ang sakit ng sugat niya kung kakargahin natin siya."
“Okay!” biglang tumamlay ang boses nito. Parang natakot siya bigla na maiwan. Isa pa hindi naman kasi niya kabisado ang lugar kung saka-sakali na hindi na siya balikan ng binata.
"Pero kung gusto mong sumama, mas mabuti."
Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Chandria sa narinig.
"Talaga?" Nangislap ang matang tanong nito. Napatakip pa nga
ito ng bibig dahil mukhang napalakas ang pagkaka-sabi niya. "I mean, okey.” hininaan ng kunti ang boses. “Mukhang matagal pa naman magigising iyong tuta dahil sa pain killer na itinusok sa kanya kanina."
“Okey, para na rin may kasama akong mamili ng kulay.” si Niel.