"Lexy, ano ba! Thirty minutes pa please," ingos ni Chandria habang tinatakpan ang tainga ng unan mula sa ingay na kumakatok mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Ewan ba niya kung bakit ngayon lang siya tinamaan ng matinding antok at pagod ang kanyang katawan. Iyong tipong half awake ang utak niya at tulog na tulog naman ang kanyang mga mata. Ni hindi nito maidilat sa sobrang antok na nararamdaman.
Ngunit sadyang makulit talaga ang kumakatok at mas lalo pa nitong nilakasan. Sa inis nito ay naitapon niya ang unan na
nakatakip sa tenga niya. Padabog itong tumayo at naka-pikit pa rin ang mga mata. Tinungo ang pintuan at doon niya napagtanto ang kasabihang magbiro ka lang sa lasing huwag lang sa ina-antok pa rin.
"Lexy naman eh!" malakas niyang bulyaw ngunit natutup niya ang bibig nang ma-realize na nasa Cebu pala siya at ang gwapo ng sinigawan niya. Bagong ligo ito na sobrang fresh ang aura sa suot niyang cargo shorts at plain na white T Shirt. Idagdag mo pa ang mabangong pabango nito na dinaig pa ang kape at gumising sa inaantok niyang diwa.
"I'm Niel not Lexy, remember?" his brows knitted. "Niyaya kita kagabi and—I'm here to pick you up."
Her mouth fell open when she just remembered their conversation last night.
"Yeah! Naalala ko na!" She snapped her fingers in the air. "I'm so–sorry! Sandali lang at magbibihis lang ako." natataranta niyang sabi at kaagad ng sinara ang pintuan. Binilisan nito ang pag-shower pati na rin ang pag-aayos sa kanyang sarili.
After thirty minutes ay natapos na rin siya sa wakas. Bago siya lumabas ay ilang beses niya muna niyang sinipat-sipat ang sarili sa harap ng salamin to make sure na bagay sa kanya ang suot niyang blue floral dress na may pagka-Boho style at hanggang talampakan ang haba. Bigla siyang napangiti ng maalala kung anong pagtatalo ang ginawa nila ni Lexy sa damit na ito. Pinipilit kasi niya itong ipadala at siya naman ay ayaw dahil parang hindi naman niya ito magagamit. Pampasikip lang iyon sa kanyang dadalhin na maleta. Luckily may gamit din pala siya.
"Hay salamat! Lumabas na rin si Ma'am Ganda." narinig niya na boses ng babae pagkabukas niya mismo ng pinto. She saw a familiar face of a woman. It was Javi, iyong nasa front desk.
Mukhang kanina pa talaga sila naka-abang sa kanya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya dahil mukhang siya lang ang hinintay ng mga ito. Sinukbit na nito ang brown drawstring bag niya at tuluyan ng lumabas sa kanyang kwarto.
“Good morning po Ma'am Chandria!” nakangiting bati sa kanya ni
Mark at nginitian niya naman ito kahit medyo nagulat ng konti dahil kasama pala nila ang dalawa.
“Mabuti naman at sasama pala kayong dalawa ni Javi." nakangiti nitong sabi kay Mark ngunit palihim naman itong sumusulyap kay Niel. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lang naging ganito ang ikinikilos niya pagdating sa lalaki. Pakiramdam niya
malulungkot ito ng sobra kung hindi na niya ito makikita buong buhay niya.
"Gwapo ba?"
"Sobra!" wala sa sarili niyang sagot at namumungay pa ang kanyang mga
mata. Bumalik lang ang diwa niya ng makarinig ng malutong na tawa mula sa bibig ni Javi. "Excuse me, ano nga ulit ang tanong mo?” natataranta niyang tanong at kasunod non ay ang pamumula ng kanyang pisngi. Nasisi pa tuloy niya sa kanyang isipan kung bakit hindi iyon
pumipermi sa loob ng ulo niya. Panay lang ang lipad nito.
"Nevermind na lang po," amused na sagot ni Javi sa kanya ngunit may kasamang panunukso naman ang ngiti nitong ibinigay sa kanya.
Nauna na itong naglakad palabas at nang makita niyang siya na naman ang naiwan sa loob ay dali-dali na rin itong humakbang palabas ng lobby area.
Paglabas niya mismo sa hotel ay may nakita siyang malaking bangka at marahil iyon ang sasakyan nila patungo sa Isla puting bato. Nauna nang naka-akyat ang tatlo at tila siya na lang ang hindi.
Ilang beses itong napalunok habang papalapit sa mismong bangka.
Alam niya kasi sa kanyang sarili na mahihirapan talaga siyang umakyat sa bangka dahil sa ayos niya kaya lihim itong nagdasal na sana may may isang gentleman na maglahad ng kamay niya para tulungan siyang maka-akyat.
Gusto na niya tuloy magsisi kung bakit ito pa ang isinuot niya.
After three seconds ay natupad naman ang kahilingan niya. May isang gwapong nilalang ang nakangiti sa kanya habang nakalahad ang palad nito. Ganoon na lang ang tuwang nararamdaman niya ng makita ang palad ni Niel. Akma na sana nitong ibigay ang palad niya sa binata ng magsalita ito.
"Akin na iyong bag mo para hindi ka mahirapang maka-akyat." seryosong sabi nito. Nanlaki ang kanyang mata at ilang beses napakurap. Tila napahiya naman siya. Naka-busangos ang mukha na inaabot nito kay Niel ang dalang bag. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng inggit sa bag niya. Mabuti pa kasi ito dahil safe na ang kalagayan at hinding-hindi mahuhulog.
Dahil sa matinding effort na ginawa niya ay naka-akyat din siya sa wakas. Sa suot niyang dress na lang isinisi ang lahat. Bakit kasi sa dami-dami ng isusuot ito pa ang naisipan niyang suotin. Bakit kasi kailangan niya pang pumorma ng husto kaya ayan tuloy ang napala niya.
Mga twenty minutes na biyahe ay narating din nila ang Isla puting bato. Hindi maintindihan ni Chandria kung bakit Isla bato ang tawag nila dito na wala ka namang makikitang bato dito. Tanging ang mapuputing buhangin at kulay asul na dagat lang ang nakikita niya.
Isa-isa na silang bumaba sa bangka at as usual siya naman ang naiwan. Inilahad ulit ni Niel ang palad nito sa kanya at malungkot naman niyang iniabot ang bag niya sa binata. Mukha kasing importante pa ang bag niya kaysa sa mahulog siya.
"I mean, give me your hand," amuse na sabi ng binata sa kanya na tila matatawa pa ito sa ginawa niya. "Kahit mababa lang ang hagdanan ng bangka, delikado pa rin kung mahulog ka." paliwanag nito ngunit balewala na iyon kay Chandria.
"Sana kanina mo pa iyan naisip," pagpaparinig niya dito ng makababa na siya.
"May sinasabi ka?” kunot noo na tanong ni Niel ngunit tina-asan niya lang iyon ng kilay at dinagdagan pa ng signature niyang irap.
"Wala! Sabi ko bakit walang nabanggit sa akin si Javi na ganito pala ka ganda ang lugar na ito." At tuluyan na niyang iniwan ang binata. Pinuntahan nito si Javi na tila sobrang nag-eenjoy sa pagseselfie.
"Parang ngayon ka lang nakapunta dito 'ah," sita nito sa babae. Mukhang dinaig pa kasi siya nito kung maka-asta. Para itong turista na ngayon lang naka-punta sa ganitong lugar.
"Actually, yes po."
Na speechless siya sa sagot nito. Paano naman pala niya nasasabi sa guest niya na maganda ang place na ito kung siya mismo ay ngayon lang nakapunta.
"For real?” tanong ulit niya habang ang kausap ay hindi pa rin tinatantanan ang pagseselfie. Saglit lang siyang tiningnan ni Javi at tinanguan bilang sagot sa tanong niya.
Mukhang ayaw magpa-istorbo ni Javi kaya kay Mark naman siya lumapit. Busy rin ito sa pagtulong kay Niel sa paghahakot ng gamit na dala nila. Akala niya pupunta lang sila dito at titingin then uuwi na rin. Iyon pala parang mag-oouting lang, marami kasi silang dalang pagkain.
"Bakit kaya Isla Bato-bato ang tawag nila dito? Mukhang wala ka namang bato na makikita dito." tanong niya kay Mark na pansamantala munang itinigil ang ginagawa para masagot siya.
"Ganito kasi iyon ma'am. Ayon kasi sa mga naririnig naming kwento. May dalawang nilalang daw dito na nagmamahalan, sina Otab at Mayumi. Iyon nga lang pareho na silang nakatakda na ikasal sa iba ngunit may isang bagay silang ipinangako sa isa't isa na kahit ano man ang mangyayari. Hindi nila hahayaang paghiwalayin sila ng tadhana. Pero sadyang hindi ganun kadali kasi nabalitaan na lang ni Otab na ikinasal na pala si Mayumi at ang rason dito ay natatakot siyang maparusahan ng bathala dahil sa pagsuway nito sa magulang niya."
"Then, what happen next?" interesado niyang tanong.
"Eh, di broken hearted si Otab," biglang singit ni Javi. Nasa likuran na pala niya ito. "Halos madurog ang puso nito sa sobrang sakit pero umaasa pa rin siya na balang araw ay muling babalik sa kanya si Mayumi. Dito sa bahaging Isla na ito siya naghintay hanggang sa huling hininga niya. Kaya tinawag nila itong Isla Bato kasi kapag binaliktad mo ay magiging Otab."
"Ah, ganun pala iyon," patango-tango niyang sabi.
At ipinagpatuloy na ng mga ito ang ginagawa. Gustuhin niya mang tumulong ngunit wala naman siyang maitulong dahil wala naman siyang kaalam-alam sa pagluluto. Magburda at magtahi baka iyon may maitulong talaga siya.
Nagpasya na lang siyang maglibut-libot muna. Nakakahiya naman kasi kung tumunganga lang siya doon tapos wala namang ginagawa. At may isang umagaw ng attensyon niya kaya kaagad
niya itong nilapitan. May malaking balon kasi doon na napapaligiran ng magagandang bato.
"Ano ito wishing well?” pabulong niyang tanong.
"Ni-repair na kasi iyan ng may-ari kaya nagmukha na siyang modern na balon."
Muntikan na itong mapatalon sa gulat dahil may bigla na lang nagsalita mula sa kanyang likuran.
"Ano ba! Nakakagulat ka naman eh!” naiinis niyang sabi kay Niel habang nakahawak sa kanyang dibdib. "Pasalamat ka dahil wala akong sakit sa puso dahil kung nagkataon baka kahapon pa ako nalagay sa kabaong."
"Sorry," hinging paumanhin sa kanya ng binata. "Alam mo ba iyong purpose ng balon dito?" tanong nito sa kanya.
"Obvious naman sigurong hindi," may katarayan niyang sagot. Ewan ba niya kung bakit biglang umaatake na naman ang pagiging mataray niya ngayon.
Napangiti naman ang binata sa sagot niya ngunit inirapan lang niya ito.
"Hindi talaga mawala ang katarayan mo ano? Feeling ko nga kapag hindi ka makapagtaray sa isang araw ay magkakasakit ka." pang-aasar nito sa kanya.
"Eh, di mataray na kung mataray." ngumuso ito at muling itinuro ang balon. "So, ano na pala ang purpose ng balon na ito? Sinadya ba talagang pinagawa iyan dito?"
"Hindi ba iyan naikwento sayo ng dalawa kanina?" Kumunot ang noo ni Niel.
"Magtatanong ba ako kung alam ko na," pambabara nito ngunit may
napansin lang siya sa binata sa tuwing tinatarayan niya ito.Tila natutuwa pa nga ito.
"Ang sabi nila basta lang naman daw ito lumitaw. Hindi lang nila matiyak kung sino ang gumawa nito. Si Mayumi ba o si Otab. Pero isa lang sa paniniwala nila na kapag isinulat mo
ang hinanakit mo sa mga batong nandidito at ihuhulog iyon sa loob ng mismong balon ay gumagaan ang pakiramdam mo."
"Really?” biglang nanlaki ang mata niya sa narinig.
"Bakit marami ka bang hinanakit sa buhay mo?" makahulugang tanong ng binata sa kanya. Hindi naman niya magawang masagot kaagad kaya ibinalik na lang nito ang tanong kay Niel.
"Bakit ikaw, wala ba?” tanong niya dito. "Lahat naman tayo meron niyan ano. Isa kang malaking bato kung wala."
"May point ka naman, actually marami din naman ako noon. Kaya lang— alam kung naisulat na rin iyon lahat ni Lola."
"Lola?” napa-awang na naman ang labi niya. "Ibig sabihin nakapunta na ang lola mo dito?” tila na curious niyang tanong.
"Oo, siya nga ang nagdala sa akin sa lugar na ito. Kaya napamahal na rin ang lugar na ito sa akin. Dito ang takbuhan ko kapag gusto kung lumayo muna sa realidad ng mundo." humugot ito ng malalim na hininga at malungkot ang mga matang tumingin sa loob ng balon.
Medyo naantig naman ang puso niya sa sinabi ni Niel at doon niya na realize na lahat pala ng tao ay may kanya-kanyang lungkot na pasan sa buhay. Hindi lang siya ang meron ‘non kundi lahat ng tao.
"Sa tingin mo kanino kaya may hinanakit ang lola mo?" May lungkot sa mga mata niya habang tinatanong iyon sa binata. Tila gumagapang din ang lungkot nito sa kanya.
"Sa lolo ko." Bagama't nakangiti ito pero ramdam ni Chandria na meron pa ring bahid ng lungkot sa loob nito. Parang nahirapan kasi itong baggitin kahit ang salitang lolo man lang.
"Bakit? Babaero ba?" seryosong tanong niya muli ngunit na shock siya sa biglang pag-halakhak ng binata sa tanong niyang iyon.
"Hindi," natatawa pa rin sabi ni Niel. Mas lalo na naman tuloy siyang nainis sa binata. Iniisip kasi niya na baka pinagloloko lang siya nito. "pero—” napahinto ito at mapait na ngumiti sa kanya. “kung gaano ka tigas ang bato ganun din ang puso niya. Pera, pangalan at negosyo niya lang ang importante sa kanya. Ipipilit sa’yo ang mga bagay na hindi mo gusto at gusto niya, siya ang laging nasusunod. Gusto niya laging siya ang naka-angat sa lahat. Hindi ko nga lubos maisip kung bakit natagalan siya natagalan ng ganoon ka tagal ni Lola."
"Baka kasi mahal niya talaga ang lolo mo kaya ganoon.” komento niya na puno ng simpatya ngunit mukhang ikinalulungkot lang din ng binata ang sinabi niya kaya nag-isip na lang ulit siya ng sasabihin na siguradong ikatatawa ng binata. "Pero infairness ‘ha, kalahati lang sa pagiging walang puso ng lolo mo ang namana mo. Siguro solid magdasal ang lola mo kaya konti lang ang naambon sa’yo."
Hindi naman siya nabigo sa ginawa niya. Napatawa nga niya si Niel at kahit siya ay natuwa din sa sarili. Naisip niya kasi na kaya niya rin pala niya na magpatawa ng isang tao.
"Gusto mo sa’yo na ang kalahati?” biro sa kanya ni Niel at mukhang nagbalik na ang sigla sa boses nito.
"Ayoko nga, may puso naman ako ‘no. Buong buo pa!" ganting biro din niya.
"Eh–di, paki-bantay ng mabuti dahil baka manakaw ko." muling biro ni Niel ngunit pareho lang silang natigilan at nagkatinginan sa isa't isa. Pareho rin na namumula ang mga mukha nila.
"Ay, waley!" Pabulong na sabi ni Niel at sabay na tumingin sa malayo.