CHAPTER 14

551 Words
YOONA TERISS KANINA pa ako sa labas ng bahay ni Bailey, buti na lang ay pinapasok na ako ni Manang. Pumunta ako sa may living area saka umupo, siguro dito na ako naghihintay. "Miryenda ka muna, Teresita. Umalis kasi si Aldrich, may pinuntahan lang." Sabi ni Manang. Ngumiti ako. "Thank you, Manang." Iniwan ako nito. Napatingin ako sa buong living area, naalala ko tuloy nuong unang beses akong mag-apply bilang maid. It was the crazy idea that I made for myself. Dalawang oras akong naghintay pero wala, hindi pa siya dumadating. Bumibigat ang loob ko dahil sa mga naiisip ko. "Aldrich." Bulong ko sa sarili ko. Bigla naman bumukas ang pintuan, napatingin ako doon. May pumasok na magandang babae, sexy kung manamit kasunod si Aldrich. Napatingin ito sa gawi ko dahilan para magtama ang paningin namin. "What are you doing here?" Malamig na tanong nito. "Hinihintay kita." Lakas loob na sagot ko. Kumapit ang babae sa braso ni Aldrich. "Who is she, Darling?" Nagtatanong na napatitig ako kay Aldrich. "I don't know." Para akong sinasaksak ng sampong beses dahil sa sagot niya. Tinignan ko yung babae, tinaasan niya ako ng kilay. "Who are you?" "I'm Aldrich's Girlfriend." Sagot nito. Dumoble ang sakit na naramdaman ko dahil sa sagot ng babae. "T–totoo ba iyon, Aldrich?" Nahihirapan na tanong ko. "Yes." Tipid na sagot nito. "Darling, I'll go upstair. I will wait for you." Sabi nito at hinalikan ito sa labi. Napaiwas ako ng tingin. Anytime my tears will fall. "You can go, Ms. Walton. I don't want my girlfriend to be mad at me." Malamig na sabi ito. Umiling ako, "No!" Naging mas malamig ang tingin nito sa akin. "Go! I don't need you here, simula ng magsinungaling ka hindi ka na welcome dito." Galit na sabi niya. Biglang naglaglagan ang luha ko dahil sa sinabi niya. "Nagsisinungaling ka lang! Hindi ka naman talaga galit di ba? Kaya ko lang naman talaga iyon nagawa dahil mahal kita. Mahal na mahal. I'm welcome here in your house, and you need me." Pangungulit ko. "No! Get out of my house! Get out of my life!" Ang sakit! Sa kaniya ko pa talaga narinig iyon. "Iyon ba ang gusto mo? Ang umalis ako sa bahay na ito at sa buhay mo?" Umiiyak na tanong ko. Umiwas ito ng tingin. "Yes." Lumapit ako sa kaniya. "Look at me." Umiiyak na sabi ko. Hindi ito sumunod. "Please look at me, then say that infront of my face." Tumingin ito sa akin, mismo sa mga mata ko. "Get out of this house, and get out of my life! I don't need you!" Malamig na sabi nito. Ngumiti kahit hindi abot sa mga mata ko. "Thank you, that's what I need. Ngayon malinaw na sa akin." Umiiyak na sabi ko. Pinunasan ko yung luha ko. Lumapit ako lalo sa kaniya at pinunasan ko ang labi nito. Kunot-noo naman siyang tumingin. "What are you doing?" "Pinupunasan ko yung halik ng girlfriend mo. I owned that lips of yours, Aldrich." Malungkot na sabi ko bago siya hinalikan sa labi. Humiwalay ako kaagad. Ngumiti ako, kahit sa loob-loob ko hindi naman iyon totoo. "I'll do what you want, take care of yourself." Lumabas na ako ng bahay niya, pumapatak na naman ang luha ko. I'll do what you want, Aldrich..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD