Chapter 5
Tureng
"Aray!" Sigaw ko matapos biglaang higitin ni Alleon yung buhok ko sa kili kili. "Dahan dahan naman Alleon!"
"Wag ka na nga magreklamo. Nakakadiri na nga tong pinagagawa mo sakin." Angal nya pero nakatutok pa rin sya sa kili kili ko habang tinatanggalan yung buhok gamit ang chane.
Ang kati kati na kasi nung kili kili ko hindi ko na alam kung paano ko tatangalin pag mag isa lang kasi ako di ko keri. Nakahilo!
"Ano pang chika mo. Kawawa naman si Mr. Z. Iniwan nya." Sabi ko habang nagkakamot sa loob ng short.
"Ano ba Tureng napakadugyot mo! Magkamot ka kapag wala ako!" Humiwalay na sya at di mapaniwalang tumingin sa min. Nasa sofa nga pala at nanunuod ng hmm I don't know haba kasi ng title nakakatamad alalahanin.
"Ay sarre naman hehe." Bumalik na ulit sya sa kili kili ko habang nanunuod na muli ako ng tv.
Yung bidang babae sa pinapanuod ko nasa kama nya habang naiyak. Tapos biglang dumaan yung lalaki. Umupo sya katabi nung girl sa kama tapos may ilang linya at naglaplapan na! Waah!
"Bakit ba ang haba ng buhok mo sa kili kili? Mas mahaba pa sa kin. Yung totoo. Transgender ka ba?" Sabi ni Alleon pero binaba ko na yung braso ko at nakatutok pa rin sa tv.
"Al, gawin natin yun" sabi ko sabay turo sa flat screen tv nya. Kumunot sya at tumingin sa tv.
Parang papasukan ng langaw yung bibig nya nung nanuod sya sa tv. " Tureng hindi mo ba kita na nagespadahan na sila ng kung ano sa bibig nila?"
"Laplapan daw tawag dyan. Gawin natin!"
Tinignan nya ko na parang nasisiraan na ko. "Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo ha Turjina Wirfana?"
Tumungo tungo ako. I'm serious! "Kase naman pakiramdam ko need ko muna maexperience para alam ko ang feeling bago isulat di ba?"
Bumugtong hininga sya at hinawakan ako sa dalwang balikat. "Alam mo Tureng. Dapat sa taong may nararamdaman mo iyon gawin dahil doon ka may feelings kung gagawin natin yan wala lang kasi wala ka naman romantic feelings towards me."
"Or I can atleast describe kung paano nangyayare?" Sabi ko na parang nag iisip.
"No I can't." Matigas nyang sabi.
"Bakit!? Nababahuan ka ata sa bunganga ko?!"
"Nah, I just can't." Patayo na sya pero hinigit ko sya at hinihigit yung mukha papunta sakin pero nilalayo nya naman yung mukha ko.
Dahil malikot kami nahulog kami sa sofa at gumulong pero hindi ko parin tinitigilan si Alleon kaya wala kaming ginawa kundi gumulong.
"Ano ba Tureng? Stop raping me!"
"Sige naaaaa. Kiss lang naman eh!"
Humiwalay lang ako ng tumunog na yung phone ko agad akong tumayo at tinignan ito.
Waaah! Si Mr. Z!
"Mr. Z!"
"Tureng, are you free tonight?"
"Oo naman!"
"Okay, see me in the address I'll text to you."
"Owkey!"
"See you then,bye."
"Babye!" Sabi ko at binaba na ang phone! Sa wakas! Mapapublish na ang gawa ko!
"Hoy. Alis ka maya?" Nakakunot yung noo ni Alleon. Sinumungutan ko nga.
"Pabebe ka. Si Mr. Z na lang yayain ko!" Sabay alis sa harap nya pero agad nyang hinawakan ang pulsuhan ko.
"Okay. Payag na ko." Napangiti akong demonyo hehehe.
"Sabi na eh. Di mo me matitiis!"
Bumugtong hininga ito hawak pa rin ang pulsuhan ko. Dumeretso kami sa kwarto nya at pagkapasok ay sinara ang pinto habang abot langit ang ngiti ko.
Hinigit nya ko sa kama kaya napaupo ako. "Grabe ka makatulak!" Nagulat ako nung naghubad sya.
"Hala! Sabi ko kiss lang hindi makipag jumbagan sayo!"
"What a term?! Jumbagan? Magpapalit lang ako. Masyado ng mahalay yang utak mo Tureng."
Napakamot na lang ako. Magpapalit lang pala.
Nagpalit sya ng sando tapos kitang kita kong yung biceps nya.
Tumingin sya sakin at tumabi sa akin habang naka indian sit ako at nakanguso.
"So...ready ka na ba?" Mahina nyang sabi habang kita kita ko yung hazel eyes nya.
"Oo! Gusto ko yung laplapan ah!"
Napapailing ito habang nakangiti. "Tureng, French kiss ang tawag dun."
"Ah? Parang French Fries. Masarap yung sa mcdo." Napatawa naman sya.
Tumikhim sya at seryosong tumingin sa kin. "I'll start it." He said in a sleepy voice. Hinawakan nya na ang leeg ko habang nakatingin pa rin sakin.
Ganito pala yun. Bibilis ang t***k ng puso mo habang lalapit sya. Binaba na nya ang tingin sa labi ko.
"French kiss ang gagawin ko. Buksan mo ng konti ang bibig mo."
"Bakit?"
Kinagat nya labi nya. "So you could welcome my tongue."
Tongue? Hala!
Nilayo ko mukha ko. "Hindi mo naman ipapasok sa ngala ngala ko no? Masakit yun eh."
Kumunot noo nya tas bigla ulit tumawa. "Ano ba Tureng malamang hindi. Pag nag french kiss kasi it's like a wet kiss. Kasi yung labi mo ay basa tapos both of our tongue can freely motion inside our mouth."
Nakanga nga ako habang nakikinig sa kanya. Dami nyang alam ah. "Dami mong alam. Siguro di ka na virgin."
Napatawa sya ng konti. "Of course, I'm 27. What do you think I know? Date lang pag may kasamang babae?"
"You mean kapag nakakasama kang babae, jumbagan na kayo?" Interesado kong tanong.
"Jumbagan? Ang panget talaga ng term mo. Pwede bang one night stand lang. Yung iba gusto, kawawa naman sila kung di ko pagbigyan." Mayabang nyang sabi habang nagcross ng arms.
"Sabagay, mga tigang pa naman." Nguso ko na narinig kong tumawa ulit sya. Pero marami na palang nakajumbagan si Alleon. Samantalang ako. No kiss, no touch pa. Virgin na virgin hehe pero marumi naman utak.
"Ano iniisip mo?" Nahalata nya atang natahimik ako.
Bumugtong hininga ako.
"Sige. 'Wag na lang pala." Tumayo na ko sa kama nya. Ewan ko ba nawala ako sa mood sa sinabi nya.
Tawag sya ng tawag sakin pero di ko pinapakinggan bahala nga sya dyan. Magbabasa na nga lang muna ako ng may maisulat.
°°°
Sa isang restaurant na kubo tapos nasa lake may parang nakalutang sa lake nya ako pinapunta.
Meron din sa Laguna nito. Yung kamayan sa palaisdaan. Dati ay doon kami pumupunta ng pamilya ko kapag trip namin. Naalala ko tuloy sila tatay at nanay. Pinapauwi nila ako sa holy week kaso wala akong pamasahe pauwi.
"Hey, sorry for waiting. Nagkaproblema lang sa office kaya ako na late." Umupo na si Mr. Z sa tapat ko habang nakangiti. Pogi nya talaga habang suot yung corporate attire nya
"Ayos lang. I enjoy the view." Pa english pa lola nyo.
"What do you want to order?"
"Kahit ano basta hindi mahal."
"Don't worry. My treat." Pumalakpak tenga ko. Tamang tama.
"Ay buti naman. Mukha mahal dito eh. Pwede naman sa jolibee na lang tayo. Baka nalibre pa kita ng sundae." Napangiti na lang sya na sa sinabi ko.
Umorder sya ng kung ano ano. Kagaya nung isa na ang onti na au revoil na ewan ang pangalan na walang lasa ang kinain namin. Sabi ko na nga ba spaghetti sa Jolibee masarap na eh. Iba kasi lasa ng mayaman. Tsk tsk.
"Are you okay?" Mukha napansin nyang hindi ako mapatae sa itsura ko.
"Oo ayus lang. Ikaw ba? Di ba single ka na ulit?"
Ngumiti sya at nagpunas sa labi. "Yes, bakit are you interested to be my girlfriend?"
Napataas ako ng noo. Grabe sya.
"Hindi naman. Natanong ko lang." sabay nguya ulit.
"Regards sa novel mo, I have some concerns."
Hala! Eto na pero mukhang seryoso yung mukha nya.
"Ano yon?" Kabado ako!
"I'll be frank on you. Yung characters walang character. I mean they're all plain. Plain in the sense they're boring. Walang interesting sa kanila. Wala din consistency. Akala ko reality romance ang type tapos bigla naging zombie apocalypse na naging humor at fantasy. It's a trash exactly." Ouch. Sakit naman nya magsalita.
I love writing. Marami nagsasabi sakin na wala naman daw akong talent magsulat. Pero I keep on pursuing that someday someone could appreciate my works and I think calling it a trash is below the belt.
Kahit gaano pa kapanget ang storya maituturing ko pa rin itong art dahil sa utak ng isang manunulat ay isang mundong tinalikuran na ng lahat dahil nagpalamon na sila sa realidad.
"Tureng, I'm willing to help you." Napatingin ako sa kanya.
Kumunot ang noo nya.
"Are you crying?" Napansin nya pa lalo kaya tuloy tuloy ang luha ko.
"Hey, hindi ko sinasadya. I just--" may pag aalalang sa tono nya pero wala na ko marinig dahil I was floated with emotion. Trash daw gawa ko.
"All-eon." Hikbi ko habang naiiyak. I keep on pronouncing his name. Kaya naman kinuha ni Mr. Z yung phone ko at dina-ial yung number ni Alleon.
Wala na ko naririnig. Iyak na ko ng iyak.
Mga ilang minuto pang hindi mapakali si Mr.Z at panay punas sa mukha ko. Halos parang nabasa na ng tubig yung panyo nya. Iyak pa rin ako ng iyak.
"Tureng?" Tumingala ako at nakita ko syang mukhang nag aalala at hinihingal.
Agad akong tumayo at niyakap sya. Kinulong ko ang sarili ko sa dibdib nya. Wala na kong paki kung marami nakatingin. His presence can give me peace of mind.
Nararamdaman kong niyayakap na nya ako pabalik na mahigpit.
"Don't cry, baby. I'm here."