Chapter 4- The Bride

1644 Words
Chapter 4 Alleon "Pare, may problema ka ba? Ginawa mo ng tubig yung alak." Sabi ni Edmond habang nakaupo. Nasa likod namin yung mga party goers. Kinuha ko pa ulit yung pang apat ko ng bote ng alak. "Anna will get married soon. That's the reason why, Eds." Singit naman ni Yong. Barkada ko na kagagaling lang sa America. Tumawa bigla si Eds. "Anna is not his problem, bro. It's Tureng." Sinamaan ko ng tingin si Edmond. "Really? That girl is not an ideal for me. Not a chic type." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Yong. Kahit kelan talaga mahilig pa rin ang lokong to sa mga social climbers na babae. Yeah, he's right Tureng is not a chic but she's different. "Totoo yan dude! Alam mo bang nagiwan pa ng sounds ng babaeng umuungol sa sasakyan ni Al. Jeez."gatong ni Eds. "Pare, wag ka ngang tumingin ng ganyan sa amin. Para mo na kaming papatayin!" sabi ni Eds. Uminom ulit ako. "She's different and an outcast to the type of girls." I said looking away from them. Naiinis lang ako dahil bukambibig nya lagi yung kupal na Zach na 'yon. "You seem really in love with her." Sabi ni Yong. Mukhang matino na sya kausap dahil iba na boses nya. Tumingin ako sa kanya. "Yeah, I really do." Yong and Eds look at me with disbelief. "Oops. Speaking of the angel.." Sabi ni Eds na tumingin sa likod ko. Lumingon naman ako sa tinutukoy nya. And I saw her. She's wearing her favorite red checkered polo and her hair in bun. Sumimangot sya nung nakita nya ako along the crowd. "Tsk.tsk.tsk. Sinasabi ko na nga ba! Hay nako! Umuwi ka na tayo sa bahay mo!" Nanlalaki ang butas na ilong nya habang sinasabi ito. "Wow. Naglilive in na pala kayo. Level up ka na pre. Ilang buwan na yan Tureng?" Sabi ni Yong. Napapikit na lang ako sa siraulong 'to. "Loko ka talaga Yong! Baka ikaw buntisin ko dyan ah!" Sagot naman ni Tureng na nakalagay pa rin ang dalwang kamay sa bewang. Tumayo na ko at hinawakan ito sa braso. "Una na kami." Sabi ko sa dalwa kong kumag na kaibigan. "Sure bro. Safety first ah?" Binatukan ko naman ng mahina si Yong na mukhang nageenjoy sa pang aasar habang poker face lang si Eds. "Sus! Nagamit ng condom yan si Al! Di gaya mo!" Napahawak naman ako ng noo kay Tureng na ngayon ay nafrustrate na naman. Lagi kasi sila nag aasaran nitong ni Yong. Pero paano nalaman ni Tureng na nagamit ako ng condom? "Did-- you guys have s*x!?" Hindi mapaniwalang tanong ni Yong. "Stop it. Tureng, ang ibig sabihin ni Yong sa safety first ay magsuot ng seat belt while driving. Nakainom ako ng konti." Paliwanag ko na lang. Nauna na ko umalis ng bar habang sumunod naman si Tureng. Naka lobo pa rin ang pisngi nya. Talaga bang sinundan nya ako sa bar. "Bat ka sumunod?" Sabi ko habang pinapaandar ko na ang sasakyan. "Hmmm kasi walang lang?" "Tss." "Bat ka ba ganyan mah nagawa ba ko hindi maganda? Oo na. Magplaflush na ko ng banyo pag iihi. Maliligo na rin ako ako araw araw. Magtotootbrush na rin ako thrice a day hindi na once a day. Wag ka na magalit." Pinipigilan ko hindi mapangiti sa sinabi nya. Tangap ko naman sya kahit hindi sya nagplaflush sa banyo. O, hindi naliligo at tangap ko din na mabaho hininga nya minsan ang hindi ko lang matangap ay may lalaking nakakapakaw ng atensyon nya bukod sa akin. Pumulupot sya bigla sa braso ko at nakanguso nakatingin sakin "Please? Wag ka na magalit." She don't know how much I wanted to kiss her while she's pouting her lips. I stared back at her. Buti na lang stop light. "Okay." Maikling kong sagot pero lumandas ang ngiti sa labi nya. "Yey!" parang bata itong pumalapkpak. And this girl can make my soul smile. "Thank you." Sabi nya sabay hinalikan ako sa pisngi ko. Hindi ko napigilan mapreno ang sasakyan ko. f**k. "Oh? Nagblablush ka Alleon? Kinikilig ka ba sa kiss ko? Crush mo ba ako?" I stared like I've seen something terrible. f**k, stop punishing me, Tureng. "Tureng." "Hmm?" "I'm a man too. I have my limits.. I have my needs." mukha pa rin itong inosente. Walang muwang sa gusto kong ipahiwatig. "So stop kissing me before I think inhumane for you." Nakatingin pa rin ako sa kalye pauwi. "Woooohh napakasuplado mo talaga ayaw mo lang aminin crush mo ko at kinikilig ka! " sabi nya sabay tawa ng malakas. Napailing na lang ako. Hindi kita crush Tureng.. Mahal kita. ××× Maaga ako nagising para sa wedding day ni Anna. Nakasuot ako ngayon ng black suit na may red neck tie. Three years ago akala ko magsusuot ako nito dahil ako ang groom nya pero hindi. May mga bagay talaga na akala mo kayo na pero hindi pala. Tama na. Napakabading ko kung magdrama pa ako sa nangyare dati. Lumabas na ko ng kwarto at nadatnan ko si Tureng na naghuhugas ng plato. "Gising ka na pala Al!" Sabi nya habang parang galit na galit na kinukuskos yung plato habang may kagat na tinapay sa bibig. "Don't try too much. It's okay. I'll hire a maid." sabi ko habang papalapit sa kanya. Tumingin na sya sa akin at nagulat ako ng biglang nahulog sa lababo yung tinapay na nasa bigbig nya. Napanga nga ata sa kagwapuhan ko. "What? Nasilaw ka ba sa kagwapuhan ko?" Ngisi ko sa kanya. "Oy oy! Di ah! Napaka ano mo! Ikaw talaga! Pero gwapo mo nga sa suot mo. Dapat hindi ka nagsuot ng ganyan. Pag na kita ka ni Anna baka mag ala run away bride yun!" Bumalik na ito sa paghuhugas ng plato. "Pag bumalik ba sya sakin papayagan mo ba sya?" Seryoso kong sabi. I'll always give a hint for you Turjina Wirfina but you're dumb enough to notice. Napatigil ito sa pag hugas at tumingin sa gilid ko. "Syempre hindi." I froze. "Syempre maglalampungan kayo dito sa condo mo hangang sa narealise mong istorbo ako kaya paalisin mo ko. Syempre hindi. Makuntento na sya kay Papa Zach noh? Ano yon gusto nya two in one? Ano yon fishball na lahat ng kikiam susundutin nya!?" Napabuntong hininga ako sa kawalan. Eto na naman sya kung magsalita. Nagulo ko tuloy yung buhok ko. "Sige na alis na ko." Tumalikod na ko sa kanya habang may binubulong pa rin sya sa plato. Nakadating na ko sa simbahan. Pagkababa ko nakita ko na ang mga abay na nakasuot ng pula. Ang kakapal ng mga kolorete sa mukha. Si Tureng kahit walang make up maganda na. Yung isa aambang papunta sakin matapos akong makita. " Hello? Isa ka ba sa mga kaibigan ni Zach?" Sabi nito. Hindi sya ata aware na lumagpas na sa ngipin yung lipstick. "Nah." Kaibigan? My ass. "So you're Anna's friend?" Ang daldal naman nito. "Nah. I'm the ex." Sabi ko sabay alis. "Ano? Nakuha mo pangalan? Gwapo no? Kamukha ni Dave Franco. Sheeeet." Naririnig ko pag alis ko. "Suplado naman bes!" Napangiti ako. Suplado talaga ako. Lalo na sa mga aggressive sa attention ko. Tss. Pumasok na ko sa loob. Halos mapuno ang buong simbahan. Mukhang mga businessman ang nandito. Nasulyapan ko din si Louie Yu, isang sikat na artist. "Hello Sir. Punta muna kayo sa bride's room para po sa picture taking." sabi sakin nung coordinator. Ays! May ganun pa. Matatagalan pa ko dito lalo nyan! Wala na kong nagawa kundi ang tumungo at pumasok sa loob ng kwarto nya. Bagot ako pumasok. Nakatalikod ito at nakaharap sa salamin. Saglit akong napahinto. Bagay na bagay sa kanya ang suot nya. She looks more angelic. Napatingin sya sa direksyon ko ng nahagip ako ng salamin. Hindi ko alam kung bakit parang nagulat sya nung nakita ako. Humarap na ito at malumanay na nakatingin sakin. "You're here." Mahina na sabi nya. Tumingin sya sa suot ko. "And you look like a groom." Napangisi sya. "Congrats. Tara picture na." Sabi ko at hinanap ang photographer. Naramdaman ko na hinawakan nya ako sa pulsohan ng aking kamay. "Alleon...is this the end for us?" Lumingon ako sa kanya at laking gulat ko ng may namumuong luha sa mata nya. Anong drama to? Hindi bat iniwan nya ko para sa lalaking yon? "What do you think? Let's move on." Malamig kong sabi. "You know I leave you for the sake of our business. And that guy could be the answer in our family problem!" Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sakin. "You have choices. And you'd chosen him. It's the end of the story." "Be happy, Anna." Sabi ko at lumabas na ng kwarto nya. *** Nakapwesto na ang lahat at iniintay na lamang si Anna na lumabas sa entrada ng simbahan. Tsk. Mga babae talaga pababago bago ng iniisip. Ngayon mukhang di sya maka move on ngayong ikakasal na sya. Damn. Natataranta na yung wedding coordinator senyales na padating na si Anna. Ilang minuto na nga ay dumating na ito. Nakataklob ng belo. Sinumulan na rin kumanta nung mga choir. Lahat ay nagagandahan sa kanya. Lahat naiingit sa mga dalagang babae na maikakasal sa mayamang lalaki. Tsk. Girls love material things tho. Malapit na si Anna sa aisle ng huminto ito. Nakatingin ito kay Zach. Poker face. Umikot ang mata nito na parang may hinahanap at ng nakita nya ang mata ko ay dito ito huminto. Nakita ko lumandas ang isang luha sa mata nya. Tila nagslow motion ng ito ay tumalikod at nagtatakbo palabas ng simbahan. Lahat ay nagbubulungan. Tila naguguluhan sa nangyayare. Napatingin ako kay Zach. At nagulat akong hindi pagkadismaya o pahiya ang nakapiskil sa mukha nya sa halip ay nakangisi pa ito. What the f**k?! Pero tangina!Naging totoo sinabi ni Tureng! Nag ala run away bride nga nung nakita ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD