Chapter 3- That Line
Tureng
Omg! Ang hot pa rin nya tignan! Fit na fit ang business suit nya!
"Tureng ano bang nangyayare sayo!?" Tanong sakin ni Alleon sa sigaw ko. Naging o.a lang naman ako sa reaction ko kasi naman! Bakit nandito sya?
Humarap ako kay Alleon. "Sya yung EIC na sinasabi ko sayo." Bulong ko sa kanya.
Napansin ko na parang namumula si Alleon. Ganyan lang naman sya pag naiinis or galit. Ano naman kinagagalit nya?
"I'm so happy, Al. Nakapagbukas ka na ng art gallery mo." Panimula nung babae na mahaba ang buhok. Ang inosente ng mukha nya. Girlfriend kaya sya ni Mr. Z? Sayang. Akala ko single sya.
"Hello! Mr. Z! Ang saya nandito ka rin pala! Naalala mo ba ako? Ako yung magandang babae na nagpasa ng manuscript!" Lumapit pa ako sa kanya at tinuturo ang sarili ko.
Ngumiti sya. "Of course, I remember you." He said.
"Ehem." Napatingin ako kay Alleon na hinigit ako palayo kay Mr. Z
"Ano ginagawa nyo dito?" Ang cold naman ni Alleon. Ano ba problema nya saka ang higpit naman ng pagkakahawak nya sa braso ko.
Lumungkot yung babae. "Ahm, gusto ko lang sana ibigay to sayo." inabot nya yung isang white envelope na maliit.
Seryoso sila ah. Para ngang nagdilim yung aura ng paligid. Inabot naman ni Alleon. Binasa ko yung front at nakalagay ay...
Anna Dominguez & Zachariah Roy Ruiz Wedding.
Napahawak ako sa bibig ko. She's Anna! Sya yung babaeng umiwan kay Alleon! At si Mr. Z yung pinalit nya! Kaya pala nagagalit si Alleon! Ang kapal naman ng babaeng to! Sya pa talaga nag bigay nito kay Alleon! Napakasensitive!
Pero in the other way. Ikakasal na pala sila! Ano ba yan. Akala ko destiny ko na si Mr. Z
Saglit na napatulala si Alleon sa envelope. Bigla akong nakaramdam ng awa. Tingin ko kasi mahal pa rin nya si Anna. Tapos malalaman na lang nya na ikakasal na ito.
Hinawakan ko ang kamay nya. Napatingin sya sa ginawa ko at ngumiti ako sa kanya.
Humarap ako kila Mr. Z at Anna. Napansin ko na nakatingin si Anna sa kamay namin ni Alleon na magkahawak. "Congrats! Best wishes sa inyo." ani ko.
"Congrats and best wishes." Sabi ni Alleon na nawala na ang pula sa mukha. Kinamayan nya pa si Mr. Z. Anyare?
Ewan ko lang at biglang nanamlay yung mukha ni Anna. Siguro dahil nakita nyang parang di affected si Alleon.
So ibig sabihin may gusto pa rin sya kay Alleon? Aba, dalwa ata gusto tuhugin.
"Thanks." sabi ni Anna.
"Baka gusto nyo muna mag ikot." Inggayo ni Alleon. May ngiti na sa labi nya.
"I really wanted but I need to find a wedding gown. I'm sorry." Sabi ni Anna.
"That's okay." Casual na sabi ni Alleon.
"I wanna stay." Singit ni Mr. Z
Halata sa mukha ni Anna ang gulat at disappointed nito. Bakit nga ba? Di ba dapat magkasama sila?
Ang tsismosa ko na. Bahala na nga sila.
Umalis na si Anna at hindi na nakipagtalo pa kay Mr. Z. Tumingin pa nga sya kay Alleon ng huling beses pero sa iba na nakatuon ang atensyon nya.
Ngumiti ako kay Mr. Z. Dapat sumipsip ako dito dahil kailangan sa manuscript ko. Nabasa na kaya nya?
"You're still wearing that checkered red polo." Sabi nya sa akin. Wow. Natandaan nya pa. Favorite ko kasi to eh. Isang beses sa isang buwan ko nga lang ito nilalabhan.
"Eto ba? Fav ko kasi to. Teka, gusto mo ba ako mag assist sayo?" Sabi ko sa kanya.
Sumama naman ang tingin ni Alleon. "No, sasama ka sakin." Cold nyang sabi.
Aba, aba parang boss ko lang ah. Hinila ko sya palayo.
"Payagan mo na ako! Kailangan ko yon. Kailangan kong sumipsip." Bulong ko at baka marinig ni Mr Z na nasa likod lang namin.
Kumamot sa ulo si Alleon. "Ano ka ba Tureng. Magagawa mo naman mag publish ang libro mo kahit di ka sumipsip." Natouch naman ako sa sinabi nya. Pero hindi pa din pwede.
Hinawakan ko ang dalwa nyang pisngi. "Salamat at may tiwala ka sakin. Alam ko din naman iyon. Ako pa ba? Pero mabuti na ang sigurado. Di ba?" Tumingin ako sa hazel nyang mata na nangungusap na payagan na nya ako.
Inalis nya yung kamay ko sa pisngi nya. "Okay, if that's what you want." At umalis na sya sa harap ko na mukhang badtrip.
Nilobo ko ang pisngi ko. Problema ba nya? Wala naman masama hindi ba?
Nilibot ko na si Mr. Z. Ang tangkad nya mga bes. Ang kisig kisig pa siguro lagi sya naggi-gym!
"So eto naman ay ang Moonlight Shade." Turo ko sa isang painting na may babaeng nakatingin sa moon sa isang balcony.
Tinignan mabuti ni Mr. Z ang painting. "I thought Anna was the girl at the painting."
Oo nga eh. Actually, kamukha nga nya. Ewan ko ba kay Alleon at hindi makamove on. Hindi ko rin alam kung alam ni Mr. Z na ex ni Anna si Alleon. Haba ng hair ni Anna."Hehe, baka nainspired lang." sabi ko.
"Are you dating him?" Casual na tanong sakin nito. Napakunot naman ako ng noo.
"Sino? Ako? Kanino?" Sunod sunod kong tanong.
Napangiti naman sya. "I mean, if you're dating the artist?"
Napatapik ako sa balikat nya. Feeling close lang? "Hahaha! Kakatuwa ka naman. Hindi no. Soul-soul brother ko lang sya. Matagal na kami magkaibigan kaya comfortable na kami sa isa't isa"
"Ohh I see. Pero 'di ba sa pagkakaibigan nabubuo ang lahat." Ano ba tong si Mr. Z daming alam.
"Naku, hindi kami pwede. Malabo yon. Teka nga Mr. Z nabasa mo na ba yung manuscript?" Pag iba ko ng topic.
Tumawa sya ng konti. "You still call me Mr. Z?"
"Oo naman. Bakit ayaw mo ba?"
"No, it's not like that. You can call me Zach." He said smiling at me. Wahh! Bakit ang gwapo gwapo ng hinayupak na to! Nakapa swerte ni Anna at ang yummy ng mapapangasawa nya!
Ngumuso ako. "Hmm, okay Zach. Pero nabasa mo na ba?"
"Mas maganda kung formal natin pag usapan yan. I'll call you and we will discuss it. Okay ba yun sayo?"
Siningkit ko yung tingin ko sa kanya. "Sure ka ah? Promise yan?"
"Yeah, I'll promise."
Giniya ko yung hinliliit ko. "Sige nga pinky swear." Napatingin sya sa hinliliit ko at parang natatawa.
"It's corny but okay. Pinky swear." Sabi nya habang nakangiti. Napa ngiti din naman ako.
Nakatingin ako sa hinliliit namin na napulupot sa kanya. Ang init talaga ng kamay nya. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin din pala sa kin. Ang lalim ng tingin nya sakin para akong hihigupin.
Biglang lumakas yung kalabog ng dibdib ko parang may gustong kumawala. Sa takot ko bigla ko inalis yung hinlilit ko. Tama na landi, Tureng.
Mukhang na feel nya yung pagkailang ko. "Mukhang gutom ka na. Better get back to your friend." Sabi nya.
"Pero paano ka?"
"I need to go back to my office." He said while smiling.
Tumungo naman ako. "Okay, tawagan mo ko ah." Sabi ko na ngumiti din naman sa kanya habang papa atras na ako.
"Yeah, nice meeting you again Tureng." Sabi nya na tumalikod na sa akin. Tumalikod na rin ako.
"Wait," tumawag sya muli at nasa may exit door. Napa ano-yon-look ako.
"Love have no requirements. You love because you fall."
And after that, umalis na sya at naiwan akong tulala.
Dahil isa lang ibig sabihin ng huling linya na binanggit nya! Ibig sabihin nabasa na nya yung novel ko dahil nasa kalagitnaan nung sinabi yon ng bidang babae! Ibig sabihin hindi nya pinansunog kagaya ng ginagawa ng iba!
Omg! Kinikilig ako!
Para akong sirang plaka na paulit ulit na kinukwento kay Alleon yung sinabi ni Zach kanina. Pero mukhang wala syang pake alam at diretso pa rin ang tingin sa flat screen tv nya.
Kaya ayon, dumiretso sya sa banyo at naliligo. Ano bang problema nya? Kanina pa sya di maka usap ng ayos. Puro tungo at iling lang.
Teka, alam ko na. Pagluluto ko sya ng paborito nyang sinigang na baboy!
Kaya ayon pumunta na ko sa kusina nya at nagluto. Matagal naman maligo yan si Alleon. Ewan ko ba. Baka may ginagawa pang milagro yan.
Tinikman ko na ang sabaw. Tama na ang asim at alat pwede na to!
Narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng banyo. Kaya naman pumunta ako doon. At nakita ko sya nakatapis ang twalya sa bewang nya.
Saglit ako napatulala habang hawak ang sandok.
"Ang sarap. " yung abs nya buong buo. Tapos tumutulo pa yung tubig sa katawan nya. Grabe bes.
"Ano?" Irita yung mukha nya.
"I-- I mean ang sarap ng niluto ko! Pagkabihis mo punta ka ng kusina pinagluto kita ng paborito mong sinigang!" Hyper kong sabi habang pinipigilan wag tumingin sa abs nya. Buti na lang soul -souk brother ko sya. Kung hindi rape ko na yan.
Balik sa coldness yung mukha nya. "Ikaw na lang kumain."
"Hala bakit?" Nakakalungkot naman pinaghirapan ko pa naman yon.
"Makikipagkita ako kila Edmond. Dumating na sila Yong." Sabi nya na papunta na sa kwarto nya.
Hindi man lang tumingin pabalik sakin. Ano bang problema nya? Itutok ko kaya tong sandok sa ulo nya ng tumino?
Kung ayaw nya e di wag! Kakainin ko na lang to kasama si Buboy!
At ayun nga umalis na sya nang hindi nagpapa alam sakin. Bat kaya sya ganon? Di kaya naiinis na sya sa akin dahil nakikitira ako at nabwibwisit na sya sa mukha ko?
Tinawag ko si Buboy at pinaakyat sa apartment. Si Buboy ay street children. Gusto ko man sya patirahin dito ang kaso ay hindi ko naman ito bahay.
"Naku, ate. Baka naman nagseselos lang sya." Sabi ni Buboy habang kumakain kami ng sinigang. Kinuwento ko kasi yung nangyare ngayong araw.
"Ano ka bang bata ka. Malamang hindi kasi in love pa rin sya kay Anna. Saka soul brother lang tinginan namin sa isat isa."
"Ewan ko sayo ate. Ikaw lang naman nag iisip nan." Sabi nya at hindi ko na sya makausap ng ayos dahil busy na sya sa pagkain.
Umuwi na rin si Buboy dahil lumalalim na ang gabi at baka hinahanap na sya ng magulang nya.
Naiwan ako nagsusulat ng panibago kong nobela. Pero di ko maiwasan di tumingin sa wall clock. Mag ala una na wala pa rin si Alleon.
Matagal ko ng kilala si Alleon. Mag tatlong taon na. Simula nung nakita nya ako sa Marcos Highway para na kaming kambal tuko dahil lagi na kami magkasama. Marami nga nagaakala na kung may namamagitan sa min pero wala. Alam mo yung feeling na comfortable kayo sa isat isa at hindi nahihiya. Pwede naman kasi maging magkaibigan ang lalaki at babae na hindi napo-fall sa isat isa.
Mag alas tres na wala pa rin sya. Hindi naman nasagot sa mga tawag ko. Kakaasar.
Mukhang ayaw nya ako dito sa bahay nya. Mukhang napilitan lang. Paano kasi...minsan lang sya umuwi dito dahil lagi syang nasa studio nya. Dapat sinabi na lang nya sa akin kung ayaw nya sa akin. Matino naman ako kausap. Di ko naman pinipilit ang sarili ko.
Tumayo ako at sinara ang laptop ko. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang maleta ko. Eto naman gusto nya di ba? Eh di aalis na ko! Hindi na ko papakita sa kanya kahit kailan! Magkalimutan na!!! Bwisit sya!