Chapter 2-His Name
Alleon
"Alam na ba ng Dad mo yung opening ng art gallery mo?" Tanong sakin ni Edmond habang ginagalaw ang headboard ng BMW ko.
"Hindi. Bat pa? Maliliitin na naman nya yung mga gawa ko?" Irita kong sabi habang niliko na papunta sa apartment ko ang bmw.
"Sabagay, whoo!"nagulat ako sa pag whoo nya at nakita ko umulwak sa harap nya yung mga sanitary napkin. "Pare! Nireregla ka ba? Bat ang dami mong imbak dito!?" Hawak nya pa yung isang modess ata yon. Hinablot ko yon at binalik sa compartment.
"Kay Tureng yan." Walang buhay kong sabi.
"Cool, pare. Mag imbak ba naman sya ng modess sa sasakyan mo. Okay lang sana kung mag syota o asawa kayo but dude magkaibigan lang kayo." Iling ni Edmond habang pinindot yung music player ko. At biglang tumunog ang isang malaswang ungol ng babae.
"Shit." Agad tinigil ni Edmond at tinignan ko syang namumula. "What the F, pare!"
"That's not mine."bored kong sabi.
"Wag mong sabihin kay Tureng yon!?" Hindi pa rin mapaniwala ang mukha nya.
Napangisi ako. Tureng is weird. Pinadownload nya sakin yun para alam nya kung paano isulat yung nobela nya na hindi ko ba alam kung san tutungo. Sya lang ata ang writer na ganon.
Natahimik na si Edmond at hindi na nangilikot sa sasakyan ko baka ano pa daw ang makita at marinig nya.
"Dito ka na. Kukuhain ko lang yung paint at brush ko. Mabilis lang to." Ani ko habang inaalis ang seatbelt. Nasa tapat na kasi ako ng apartment ko.
"Sige pre. Wag na kayo magharutan ni Tureng." Iling nya. Umiling na lang din ako at lumabas ng sasakyan.
Pagkapindot ko ng password ay tahimik ang paligid pagkabukas ko ng pinto. Pumasok na ko sa sala ko. And I saw her sleeping peacefully.
Nakalagay ang libro sa mukha nya at malakas na humihilik. Suot nito ang paboritong nyang spongebob na panjama at ang tshirt nyang may linyang. "Potty loves Loony" bukod kasi sa mahilig sya magsulat ay mahilig din sya magbasa. Kakabasa nya lang Harry Potter seried at lagi nyang sinasabi sakin na dapat si Luna Lovegood ang nakatuluyan ni Harry Potter. Umu oo na lang ako. Wala na syang magagawa sa gusto nya dahil si JK Rowling ang author ng librong yon.
Bukas din ang laptop nya sa ms word. Nakita ko pa ang isang linya ng babae sa character na ang pangalan ay Barbara.
"Push harder, baby" ang sabi nito. Napailing ako. Ano na naman ang sinusulat nya?
Inalis ko na ang librong nakaharang sa mukha nya. Mukhang antok na antok. Pinagmasdan ko ang mahaba nyang pilik mata pababa sa kanyang chubby cheeks. Wala pa rin nagbago at ganon pa rin ang kanyang itsura simula nung nakilala ko sya.
Two years ago, kalaliman ng gabi dumaan ako sa Marcos Highway, lingid sakin na marami daw nagpapakita doon.
Papunta ako noon sa Baguio para ipresenta sana ang artwork ko sa isang kilalang artist.
Dahil gabi na ay madalang na ang sasakyan. Umuulan pa ng Malakas dahil kasagsagan ng bagyong Ondoy non.
Nang biglang may sumulpot na babae sa harap ng sasakyan at muntik ko ng mabangga! Mabuti na lang at napaayos ko na brake ko!
Kinuha ko ang payong at lumabas. Nakatayo pa rin ang babaeng nakasuot ng puting dress. Nakalugay ang buhok at natatakluban ang mukha.
Lumapit ako sa kanya at inalalayan ng payong dahil basang basa na ito. "Miss, are you okay? I almost hit you!?" Taka kong tanong at ng nakita ko ang mukha nya na ang pula ng ilong at mata. Mukhang umiiyak sya.
Tumingin sya sakin na parang sinasabing maawa ako sa kanya. "Miss?"
At laking gulat ko ng niyakap nya ko. The thing is I'm also wet.
"Miss, nagbubusina na ang mga sasakyan pwede bang humiwalay ka na?" Irita kong sabi pero mukhang di nya ko naririnig. Pinaka ayaw ko pa naman ang hinahawakan ako ng kung sino.
"Nagugutom ako. Pakainin mo ko." Nanghihina ang boses nya. Kumunot ang noo ko. Wait, di kaya modus to?
"Please?" Humarap sya sakin at nilobo ang chubby cheeks nya. Damn, she's cute.
I don't even know what comes to my mind that I let her come inside my car. She looks devastated. Inisip ko na lang kung sino man ang babaeng to at kung ano man ang modus nya ay kaya ko naman iligtas ang sarili ko.
Iyak pa rin sya ng iyak habang patungo kami sa 7 eleven. Ano kayang nangyare sa kanya? Para syang baby.
I parked the car and went inside the store. She was behind me and I felt sheepish suddenly when I realised that she looks terrible.
Kita ko ang matanong na mata ng ilang customer. I just ignored them and hold her hand. It's warm. I thought she gonna remove my hand but she hold it tight. Mukha kaming mag syota. I don't even know why I did it.
"Pwede ba yung cup noodles na beef ang flavor saka yung vita milk chocolate flavor. Saka baka pwede mo din dagdagan ng butter scotch." She demanded. Napanga nga ako.
But I did what she said. Ako nagbayad. At umupo kami at magkaharap habang pinapanuod ko syang kumakain ng cup noodles at hinahalo nya sa sabaw yung butterscotch.
"What's wrong? Why are you crying in the middle of tremendous highway?" Sabi ko habang para syang patay gutom na punong puno ang bibig.
Pinunasan nya ang bibig nya bago nagsalita. "Kasi.....may nagawa akong kasalanan." Namumuo uli yung luha nya. "Hindi ko sinabi sa bestfriend ko na alam ko ang totoo. Si Edward kasi inaakit ako. " umiiyak na sya. Mukhang dinadamdam nya ang nangyare. At doon nya openly sinabi ang lahat kahit di nya pa ako kilala.
"Ano palang pangalan mo Mister?" Sabi nya habang tapos ng kumain at tumahan na.
"I'm Jan Alleon Colon." sabi ko. Habang masidhi syang tinitignan.
Biglang lumobo yung bibig nya na parang nagpipigil ng tawa. What's wrong?
"Jan Alleon Colon?" Hindi na nya napigilan at tumawa na sya ng malakas. Nagtaka ako lalo.
"What's funny at my name?" Mejo iritable kong sabi habang hawak hawak na nya yung kamay nya.
"Tignan mo ah. Kung ipagsasama mo yung Jan at Al mo, di ba JA?"
"Yeah?" I said confused.
"Tapos i short natin yung Colon mo na 'Col.' Tapos pagsamahin mo yung JA mo. Anong magiging labas?" Para na naman syang mamatay kakatawa. Nalilito pa rin ako sa gusto nyang iparating.
"I don't understand you?"
Umayos sya ng upo at inalis yung konting luha nya dahil sa kakatawa. "Ang slow mo! Eh di JACol. Hahahahaha! Walastik! Ang epik!" hinahampas nya na yung kamay nya sa mesa kakatawa.
JACol?
Ilang minuto rin bago ko nagets yung sinabi nya. JaCol or masterbating sa english. s**t. She's crazy. Naisip nya ba yun and without shame on me? Some other girls will feel uncomfortable with that word!
"Are you done?" I said coldly matapos nyang tumahimik.
"Ikaw naman. Joke lang yun. Buti nga napatawa ako ng name mo." Nagpipigil na naman sya ng tawa.
"Stop it or I'll leave." Banta ko.
"Okay okay. Peace na tayo. Ako naman si Turjina Wirfana. Half russian ang tatay ko kaya kaya ganon ang pangalan ko. Ang panget nga eh. Ang baho pakinggan kaya some of my friends calls me Tureng." She smiled widely. Kahit naman yung Tureng ang baho pakinggan. Parang takure lang.
Inangat nya ang kanan kamay nya for a shake hands. " Nice to meet you, Alleon."
Inabot ko ang kamay ko sa kanya. "Nice to meet you too, Tureng."
And she smile, I smiled back.
Doon ko napatunayan na ang isang ngiti ay nagsisimula na isang pakikipagkaibigan.
And that's how our friendship begins.
Umalis na ko ng apartment pagkakuha ko ng mga gamit ko. Hindi ko na ginising si Tureng dahil mukhang pagod.
Kasama ko pa rin si Edmond papuntang studio ko. He gonna help me in my paintings. Bukas na kasi magbubukas ang art gallery ko.
"Ang gaganda talaga ng mga painting mo, pre." Sabi ni Edmond habang kinakabit ang isa kong painting. The painting shows a woman staring at the moonlight.
"She looks like Anna." Duksong nya. Umiling ako.
"Can you stop mentioning her name at hindi sya 'yan." Sabi ko habang kinakabit ang isa ko pang painting.
Edmond shrugged his arms. "Wala kayong closure. Alam mo yon, pre? Hirap non."
"I don't need closure. Everything ends between us when she left me for her new guy and it's been two years ago, Eds."
"Okay. Kasi may Tureng ka na kaya hindi mo na sya inaalala o ginagamit mo si Tureng para kalimutan ang first love mo." daig pa ni Eds ang mga intrigerang babae.
"She's a friend of mine, not what you think I'm using her for my own healing."
"Sus, kaibigan mo ko P're. Kilala na kita. You fancy her! And you think she's an angel nung nakita mo sya two years ago. Broken na broken ka non pare. At saktong dating ni Tureng sa buhay mo." He said confidently. Etong lokong to makakatikim na sakin kung di ko lang sya kailangan tinadyakan ko na sya paalis sa studio ko.
"Shut up, just work. Kung ano man meron samin ni Tureng wala ka na don. And Anna was just part of my past that should be forgotten."
Nilisik nya ang mata nya. "Wag mo na gustuhin ang Tureng na yon. She's weird at salaw ng bibig. Mas sekswal pa sya magsalita kesa sa ting mismong lalake. See? Yung audio kanina. Porn, pre! PORN!" sinisigaw pa nya.
Magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pinto ng studio.
"Porn?" Isang malambing na boses ang nagsalita at tumambad sa amin si Winona Cariquitan.
Napabuntong hininga ako. Nandito na naman ang babaeng yan para yayain ako makipag date sa kanya. I don't like sophisticated girls. They're evils!
•••
Sa studio na ako natulog dahil marami pang asikasuhin. Halos nung tumira si Tureng sa apartment ko ay madalang na ako don. Delikadong babae si Tureng.
Umaga na nag bukas ang art gallery. Tureng is here also to assist my customers.
Nakabun pa rin ang buhok nya at simpleng pantalon ay ang paborito nyang tshirt na may print "Writer never sleeps." At nakasuot ng paborito nyang red checkered polo.
"Nakakapagod Alleon. Dami natingin sa artwork mo. Hayss. Kakaingit ka naman. Successful na ang isang artist na kagaya mo. Gusto ko din maging painter kaso wala talaga akong talent mag drawing. Kaya naman dinaan ko na lang through writings ang nasa imagination ko." She said sadly while looking at my works. I stared at her. May pawis ang noo nya.
Kinuha ko ang panyo ko. "Hey, look at me." Lumingon sya na nagtataka. Pinunas ko agad ang noo nya gamit ang panyo ko habang hawak ko leeg nya. "Ang sweet naman!" Sabi nya habang pumipikit pa at pinapapunas ang ilang pawis sa mukha nya. "Pwede din yung kili kili ko?" She said bubbly. Napapangiti naman ako sa kakulitan nya.
"Excuse me." Napatingin kami pareho sa nagsalita.
Tumingin ako at bigla kong nahulog ang panyo mula sa kamay ko. What the...
She looks more angelic. Lalo na ang mahaba nyang buhok na kulot sa baba. She was wearing the dress I used to love for her...
"Hi, Al."malambing pa rin ang boses nya. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba sya dahil naiinis ako sa sinasabi ng dibdib ko. s**t.
Pero nabaling ang tingin ko sa lalaking tumabi sa kanya. And I know this f*****g guy.
I want to kill him! I seriously loathed both of them. I wonder why they're here.
Nawala ang nararamdaman kong galit ng biglang sumigaw si Tureng sa lalaking katabi ni Anna. Na parang may sunog. I look so alarmed! Nakahawak pa sya sa ulo nya na parang masisiraan ng bait.
"What's wrong!?" I said furiusly.
Nanlalaki ang mata nya. Ano na naman kaweirduhan to ni Tureng? Anong meron sa lalaking kasama ni Anna? Na ang lalaking yon ang umagaw sa dapat kong mamahalin habang buhay?