Chapter 9- Low Class Tureng "Wag nga Alleon! May kiliti ako dyan." Hagikgik ni Anna sa loob ng kwarto ni Al. Nakakabwisit na ah! Ang lalandi nila dyan sa kwarto kanina pa! Hindi tuloy ako makapagconcentrate napatay ko tuloy yung bida sa sinusulat ko. Mga mahaharot! "Wag nga Alleon. Makita tayo ni Tureng nakakahiya!" Hagikgik ni Anna. Hala sya, parang kinikiliti yung ano. Biglang lumabas si Anna at nagtatakbo. Naka polong puti lang sya. Yun yung suot ni Al kanina bago sya kaunin. Lumabas din si Al para habulin ito. Walang pang taas si Al at nakapantalon lang. Parehas magulo ang buhok nila na parang kakagising lang sa kama. Napatigil lang sila nung narealise nilang nasa sofa ako at nanunuod sa kanila. Napanga nga na lang ako. Hindi ko alam kung bakit parang sumisikip ang dibdib ko. Pa

