Chapter 8- Feelings Alleon "Ang sakit sakit ng puson ko Alleon!" Nakahiga ito sa sofa at nakataas ang baba ng tshirt at haplos ang tyan nya. Hindi talaga sya nahihiya sakin. Nireregla kasi sya ngayon kaya ganyan. Pinabili na naman nya ko sa tindahan 'yung napkin daw na may wings. Tss. Napahiya pa ko sa tindera akala ko kasi may wings na drawing yung sa supot sabi ko kasi bat walang wings. Pinagtawanan ba naman ako ng tindera buksan ko daw at makikita ko may wings. "Buntisin mo na ako Alleon para di na ako reglahin!" Sigaw nya sa sakit. Di na ko nagulat sa sinabi nya. Normal na yan tuwing meron sya. Hindi nya ba alam mahirap magbuntis. Hindi ka nga rereglahin pero mas malala pa. "Gusto mo na ba? Pag wala ka ng mens. Don tayo sa kwarto ko bubuntisin kita." Seryoso ko sabi habang nanunuo

