61:00 - Hora at Bardraco

3000 Words

*** Madilim at napakalawak ng kulungan ni Bardraco. Nagtila maliliit ng alon ng tubig sa mga mata ng lalaki ang kadiliman dahil sa nakalutang na mga lumang kagamitan sa loob. May silya, lamesa, orasan, kama, kabinet, mga kubyerto, at marami pang iba. Lahat ng mga ito ay natatanaw ni Bardraco mula sa maliit na espasyo ng kaisa-isang sahig na mayroon ang lugar. Ito ay malapad na kulay kayumangging bilog na nagmistulang maliit na isla sa gitna ng itim na karagatan. Pero kahit sabihin man na ito ay isang isla ay walang asul na langit sa kulungan ni Bardraco, maski ang nasa kanyang taas ay nakabalot din ng balabal ng kadiliman. Napasuntok sa hangin si Bardraco sa sobrang galit niya sa diyosa. Para sa kanya ay isang balakid si Hora sa kanyang layunin. Hindi niya matanggap ang dahilan kung baki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD