*** Hinay-hinay na nagsilutang sa kalangitan ang maiitim na ulap, nag-tipon silang lahat sa taas ni Bardraco na para bang isa siyang magneto na pilit silang hinahatak. Naging mabigat ang simoy ng hangin at nangitim ang kulay berdeng oval field sa paligid. Kasabay nito ay ang manaka-nakang pagsilip ng mga maliliwanag na puting espada ng kuryente habang sinusundan ng malakas na dagundong ng kalangitan na tila ba isang leon na nagtatakwil ng kalaban sa kanyang teritoryo. Napakapit na lang si Hora sa mga damong kanyang inuupuan habang madiin na dinidikit ang likod sa punong kanyang sinasandalan. Ang kaninang kalmadong awra na nagmula kay Bardraco ay naging masalimuot. Nagkalat ang awra ng halimaw, nararamdaman ito ni Hora sa buong paligid, sa langit, sa lupa, sa mga halaman, at pati sa hangi

