*** "Aaah. Hhng. ANO BA NAMAN 'YAN, YVAN!" Sigaw ni Hora habang umuungol na hinihimas ang kanyang mukha at pilit na tinatanaw ang kanyang dibdib. Tumalsik kasi sa kanya ang katas ng bagay na hawak ni Yvan. Dahil sa mahirap makita ang dumi na nasa bandang dibdib niya ay sumuko na lang si Hora sabay bagsak sa kanyang mga balikat saka nagwika ng, "Sabi mo masarap, pero ba't parang hindi naman ata. Nadumihan lang ako— ba't ang dulas... ang alat pa.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig ni Yvan ang sigaw ni Hora. Taliwas ito sa kanyang inaasahan dahil na rin naging sakitin si Hora noong mga nakaraang araw idagdag pa na madalang niya itong marinig magsalita kaya inakala niya na hindi nito kayang itaas ang boses. "Why don't you try doing it instead of screaming non-stop?" Inis na sagot ni

