Hora Simula nang ipinatapon ako sa mundo ng mga mortal ay hindi pa ako nakakapasok sa isang coffee shop. Gaya nga ng inaasahan, sa labas pa lang alam ko na agad na hindi ako nabibilang dito. Hindi gaanong kalakihan ang kapehan, may iilan lamang itong lamesa na kasya ang dalawa hanggang limang tao. Malinis din naman ang loob nito, sa katunayan gusto ko ang kapaligiran ng tindahan. Kaso nga lang sinisira ng maingay na mga estudyante ang potensyal ng lugar. Binuksan ng lalaking mortal ang salamin na pinto at hinawakan ito. Hinihintay niya ata ako na makapasok. Nagdalawang-isip akong pumasok dahil sa dami ng tao. Puno ng mga mortal ang tindahan, karamihan ay mga taga kastil— este mga taga Marial Castillo lang din. Mga estudyante. Siguro napansin ng lalaki ang aking pagkadismaya, hindi ko a

