Hora Nasa hardin ako sa likod ng building namin. Narinig ko kasi sa usapan ng mga kaklase ko kaninang umaga na may matatambayan sa likod ng building, kung saan pwede silang magsaya na sila-sila lang. Kaso nga lang daw tambayan ito ng mga rebelde at matitigas na ulo na mga estudyante. Syempre, nagustuhan ko ang narinig ko dahil iniiwasan lang naman ng mga mortal ang isang lugar kapag ito ay nakakatakot para sa kanila. Kaya nandito ako ngayon para mapagisa. Gusto kong subukan agad ang mirrarse. Ngunit mukhang kulang pa ang aking lakas, matatagalan pa bago ko makausap ulit si ama. Nakaramdam na naman ako ng pagkahilo bilang epekto ng pagsubok kong gumawa ng mirrase. Mahirap ding huminga at may tumutulong tubig mula sa aking mga mata. Kasabay nito ay ang pag-sakit ng aking lalamunan, sinusub

